Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 23, 2012

Gabby mas pinili ang misis kaysa kay Sharon


Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro

NAGKAKA-BONDING ang tatlong anak ni Gabby Concepcion na sina KC, Garie at Cloie. Pero bakit hindi nakipagkita si Gabby kay Cloie  (anak nila ni Jenny Syquia).
 “Timing lang, everything is timing.  There will come a time na siya naman ang maghahanap… katulad ni KC at ni Garrie, sila na mismo ang naghanap sa akin.”
Tinanong daw ni KC si Cloie kung gustong makipagkita sa ama pero hindi  pa raw ito ready kaya nirerespeto ni Gabby ‘yun.
Samantala, Viva ang nagha-handle ng career ni Gabby ngayon.  Paano siya pinayagan na gawin ang “The Mommy Returns” na pelikula ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde na showing on May 9?
“Okay lang, kasi nauna yung Regal, e.  Bago pa ako pumirma sa Viva, ang offer ni Mother, nandodoon na noon pa, hindi lang nagagawa pa.  Verbal yun, it was a verbal agreement.”
Kailan naman kaya matutuloy ang plano na pelikula nila nina KC at Sharon Cuneta?
“Yun ang hindi ko alam kung kailan kaming tatlo, although marami ang nagre-request sana.  
            “Sabi ko nga kay Boss Vic (del Rosario ng Viva), ‘Boss Vic, okay yan, basta gumawa tayo ng istorya, basahin natin yung istorya, tapos tingnan natin kung okay yung istorya.
“Kasi importante talaga yung istorya, sa tingin ko, ha?  Eighty five to 90 percent nasa istorya e, pag gumawa ka ng pelikula, e.  Sa tingin ko lang ha, maybe wrong, pero case-to-case din, no?
“Kung minsan nasa comedy nila kung paano nila mae-execute iyon, kung comedy.  Kung drama talagang dapat meron kang paghuhugutan tapos meron kang susundan na mga eksena.
“Istorya ang kailangan sa drama e, so depende kung ano ang gagawin namin.  Drama ba ang gagawin namin, o comedy or musical or action.  Musical puwede rin, e ako pa naman napakagaling kong sumayaw,” bulalas ni Gabby.
May posibilidad pa rin naman na matuloy ang balik-tambalan nila ng Megastar.
Bakit hindi natuloy this year ang pagsasama nila sana ulit ni Sharon sa pelikula?
“Dahil ayoko raw, whatever reason.  Ang totoong dahilan nun is manganganak yung misis ko.  Siyempre iba na ang buhay natin ngayon.  
“Noong araw hindi natin pinag-uusapan yung mga relasyon ng mga artista, hindi pinag-uusapan, it’s a no-no!
“E ngayon kahit na anong pag-usapan mo okay lang, in fact, it frees you.
“It opens you up, to become more real, wala kang itinatago kasi habang itinatago mo, lalong hinahalungkat nila, e.
“E di ilabas mo na lahat.
 “Ang misis ko manganganak, ayokong sabihin ng tao na bigla akong aalis papuntang Amerika, iniwanan kong nakabitin yung pelikula namin ni Sharon.  
“Ayoko din na merong love angle kami ni Sharon tapos yung misis ko e, buntis. So maraming consequences, e.
“Aalis ako papuntang Amerika dahil doon siya manganganak.  Bitin ang pelikula, ‘Si Gabby hindi tinapos’, ayoko ng ganun. “Or ‘Ano ba naman yang si Gabby nakikipag-ano kay Sharon e, happy na siya kay Senador, may mga anak na sila!’
“Tapos ‘Si Gabby hindi na natigil yung’… e ayoko ng ganun.  Iniisip ko lang yung worst-case scenario. Kaya sabi ko, ‘Boss Vic, para walang gulo, huwag na muna this year, next year na, hintayin muna nating manganak yung misis ko.’
“Kawawa naman yung misis ko dahil nangyayari ang lahat ng ito, e ang emotions ng misis ko hindi ko na napapansin, kawawa naman, di ba?”
Sa July manganganak ang asawa ni Gabby.
“Kaya alangan, kasi yung pelikula uumpisahan ng May, hindi matatapos ng June yan, tutuloy ng July e, manganganak na yung misis ko, iiwanan ko.  Sasabihin, ‘Si Gabby binitin ang pelikula, iniwanan, nag-walk-out!’
“Naku, ayoko na ng ganun!”
May nagtanong kay Gabby, kung ano ang masasabi niya sa isyung umayaw siya sa project dahil “very healthy” si Sharon at hindi sila bagay?
“Na nagagalit daw si Sharon dahil kung sinu-sino nang mga artista ang tumanggi sa kanya tapos ako rin?  So doon na siya nagalit nang husto?
“Wala namang katotohanan iyon.  Kakapaliwanag ko lang, na iyong misis ko, buntis.
Ako mismo ang nagsabi kay Boss Vic, sabi ko ‘Boss Vic, next year na lang, yung asawa ko buntis, hindi naman tama na ganitong anggulo kami ni Sharon tapos yung asawa ko buntis, kawawa naman’.”
Hindi rin daw totoong umalis siya sa TV5 nang lumipat doon si Sharon at sa halip ay bumalik si Gabby sa ABS-CBN.
Tumawa muna ng tumawa si Gabby bago ito sinagot…
“Hindi naman ako contract star (ng TV5) maski noong una, Viva ang aking pinirmahan, as management.
“May partnership sila kasi yung huling teleseryeng ginawa namin, yung ‘P.S. I Love You’ is owned… the title is owned by Viva, but the production is a co-venture, co-production ng 5 and ng Viva.
“So ako, talent ako Viva, kinuha ako ng Viva pero ang kontrata na kay Vic del Rosario at Channel 5,” paglilinaw pa ni Gabby.
* * *
DINAGSA ng hindi lang ng mga taga-San Jose del Monte kundi ng mga karatig lugar ang bagung-bagong P15-B halaga ng Starmall na binuksan noong Linggo (Abril 15) sa San Jose del Monte, Bulacan.
Kasabay ng pagbubukas ng Starmall San Jose del Monte ay ang “Valiente” mall tour nina JC De Veraat Nina Jose noong 2:00 p.m., album tour ni Erik Santos, 6:00 p.m., at ang  San Miguel Beer present, Jovit Baldivino and Aiza Seguerra.
Nu'ng April 20 ay si Bryan Termulo at nu'ng Sabado  ay mall tour naman ni Jimmy Bondoc  @4 p.m.; Batibot mall tour sa April 22 @ 4:00 p.m.; Luke Mejares mall show Presented byKalsada Juan sa April 25, @4:00 p.m.; at ang Bugoy Drilon & Liezel Garcia mall tour sa April 28, @4:00 p.m..
Ang naturang Starmall ay ang ikaanim na ipinatayo ni Sen. Manny Villar at ng Starmall Group at pinaglaanan ng P15-B over the next five years para sa nationwide expansion nito kasama na ang pagtatayo rin sa Visayas at Mindanao.
Para sa entertainment, ang Starmall San Jose del Monte ay mayroon ding dalawang state-of-the-art cinemas para matiyak ang lalong pag-eenjoy ng pamilya, isa roon ay ang Silverstar 3D Cinema in full silver screen.
Talbog!
* * *
KUNG dati nga naman ay obscure at di kilala ang bayan ng Pandi sa Bulacan, nowadays, luminaw ang puwesto nito sa mapa sa Central Luzon dahil sa Amana Water Park ni Mayor  Enrico Roque
Dati kasi pag sinasabi  mo Pandi, ang isasagot sa iyo ay saan ‘yun. Nagkaroon siya ng thanksgiving sa movie press kasabay ng kanyang kaarawan sa pangungumbida  ni ‘Nay Cristy Fermin.
Minsan pa, narinig namin yung kuwento sa punto de vista ng isang dating mananampalok at kung paano siya nagpunyagi para maabot ang tagumpay. Sa kinatatayuan din ng Amana ay nababalik-tanaw niya  ang dating puno ng sampalok na inaakyat niya.
Tinanong din kung ano ang update sa demanda nilang libel ni Mayor  Patrick Meneses kina Aiko Melendez at ilang columnist?
“Sa case kasi, ayaw kong sabihin na ako’y sumunod lang sa kanila.  Hindi ko talaga ipinursue yung kaso against Aiko kasi hindi ko naman masisisi  si Aiko kung nagkaroon man silang dalawa ng alitan kasi  ako damay lang dun,e! 
“ Para bang pag itinuloy ko pa ‘yung kaso, para bang pag itinuloy ko pa ‘yung kaso ay parang ipinilit ko pang ipasok ‘yung sarili ko sa isang bagay na hindi naman ako kasama.
“Sasabihin pa ng ibang tao, hanging lamig ka lang naman diyan,e, bakit mo pa ipinagpipilitan?
“Sa totoo lang po, hindi ko siya talaga i-pinursue.  Sabi nga sa akin ni Mayor Patrick,’ bakit ba ikaw pare, hindi ka uma-attend ng hearing, abogado mo hindi uma-attend.’ 
“Ang sagot ko, ‘Pare, sa totoo lang, hindi ko talaga gusto itong pinasok ko kasi parang ang pangit naman na ako ang magtutuloy ng kasong nahawa lang ako dito.  It’s between you and Aiko, away niyo ‘yan,” aniya.
Bakit may lumalabas na pinapa-reinvestigate ‘yung kaso ni Aiko at ilang reporters?
“Si Patrick ‘yun.  Ibang ano ‘yun,e!  Sabi nga niya sa akin, pare baka dun sa ginagawa mong ‘yan mabawasan ‘yung merito ng kaso, sabi ko, pare masyado nang mahaba ang tinatakbo natin.
“Kumbaga, hindi na kayang hatiin ng oras ko para intindihin pa ‘yung kasong ‘yan sa dami ng problemang kailangang asikasuhin ko sa bayan ng Pandi,” sey pa niya.
Nagalit ba si Mayor Patrick sa desisyon niya?
“Ay, hindi naman. Naitindihan niya na hindi ‘yun  talaga ang gusto ko at ayaw ko rin ng
taong kaaway ,” aniya pa.
“Ipinapaliwanag ko rin sa kanya na ayaw kong dumating ang araw na sa kaaasikaso ko sa kaso, silang dalawa ang magkasundo at ako ang maiwan.  Kadalasan  ganyan ang nangyayari.
“Nauna lang ako na nag-isip dahil sabi ko sa kanya, pare, tandaan mo ito, kayong dalawa ay nagkaroon ng relasyon.  Maaaring pangit ang salitaan niyo ngayon pero pag kayo’y nagkasundo, babalik din ‘yan kaya sana  ‘yung mga salitang pangit ‘wag  niyong bibitawan lagi.
“Kahit kay Aiko pag magkakausap kami, ‘yun din ang gusto kong sabihin sa kanya na ..ako ay wala pong kahit konting sama ng loob with Aiko.  Naiintindihan ko siya.  Iba  talaga pag nagmamahal,” deklara pa niya.
Mula nang magsimula ang kaso , hindi pa raw sila nagkikita ni Aiko at naniniwala siya na hindi naman nakasira sa kanya ang intrigang ‘yun.
“Sa isang taong gumagawa, I think wala namang kasiraan na paniniwalaan ng tao basta alam nila na nagtatrabaho ka para sa kanila,” sambit pa niya.
Paano kung magkita sila ni Aiko, ano ang sasabihin niya?
“Hindi ko alam.  Basta sa akin ‘pag tinanong niya ako, sasabihin ko sa kanya ang totoo na wala na sa akin ‘yun,” bulalas pa niya.
Anyway, gusto naming pasalamatan ang mga nag-asikaso sa amin sa Amana sa pangunguna nina Ms. Vangie Ruiz, ang Pandi  Tourism officer na si Joy Sison, si Joana May Enriquez ng BIR,  Jennylyn Tud, Mary Ann Cruz  at Alvin Lopez .
Hindi talaga nila pinabayaan ang press at mula umaga hanggang gabi ay walang tigil sa pagkain.  Patunay lamang na magaling na leader si Mayor Enrico Roque dahil systematic at walang mairereklamo sa pag-asikaso ng mga tao niya.
Mabuhay kayong lahat!
      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.