Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Agosto 11, 2014

PBB UNFAIR KAY MANOLO




Ngayong na-evict na si Manolo Pedrosa sa Bahay ni Kuya ay hindi na rin ako ganun kainteresado sa panonood ng PBB All In araw-araw, gabi-gabi.  Sa totoo lang kung meron mang isa sa mga karapat-dapat na mapabilang sa Big 4 ng PBB All In, yun ay walang iba kundi si Manolo. 
               Personality pa lang ay panalung-panalo na si Manolo.   Positibung-positibo ang dating, charming and refreshing.  Mga katangiang hinahanap ng mga advertising companies para mag-indorso ng kanilang mga produkto.  Yan ang lamang ni Manolo sa iba pang housemates.  I’m sure ngayon pa lang ay marami na ang interesadong kunin ang kanyang serbisyo.
               Kahanga-hanga ang pagiging isport ni Manolo.   Kahit na-evict na siya sa Bahay ni Kuya ay wala kang makikitang bitterness sa kanyang mukha kaya lalo lang akong humanga sa kanya.
               Pero in defense of Manolo and the other evicted housemates, may mga puna lang ako sa naging patakaran ni Big Brother right from the start.  Para lang ang gandang pakinggan na PBB All In dahil  pinagsama-sama ang regular housemates, teen housemates at celebrity housemates.  Pero sa totoo lang unfair sa regular at teen housemates ang pagkakasama ng celebrity housemates sa kanila.
               Bakit kamo unfair?  Dahil bahagi ng labanan ang boto ng televiewers tuwing may nano-nominate na housemate, natural may edge na agad ang celebrity housemates dahil kilala na sila ng madlang pipol at may sarili na silang hukbo ng mga tagahanga.
               Lets take the case of Jane Oineza.  Napansin niyo ba na sa tuwing nano-nominate siya ay naglalaro sa 40-49% ang nakukuha niyang boto mula sa madlang pipol?  Ang pinakamalapit lang palagi sa kanya ay si Loisa na nakaka- more than 30% lang. Kaya nung nagkatapat sila ni Manolo ay nanlumo ako.  Sabi ko siguradong ilalampaso ni Jane si Manolo.  Nagkatotoo nga ang kutob ko.  Jane got more than 68% while Manolo has only something like 32%.  Ang bongga naman ni Jane.  Hindi ko alam ang dami niya palang fans.  Sana paglabas ni Jane ng Bahay ni Kuya ay maramdaman ko na marami nga siyang fans.
               Isa pang napaka-unfair ng ginawa ng PBB ay ang isama ang celebrity housemates sa regular at teen housemates at ang nagdudumilat na katotohanang ang PBB at Star Magic kumbaga sa tao ay magkamag-anak.  Ang winners ng PBB ay automatic na magiging talent ng Star Magic.  Jane Oineza is already a Star Magic Talent, so bakit kailangan pang isama siya sa kumpetisyon?
               Unfair din ang pagpasok ni Daniel Matsunaga sa halos kalagitnaan ng kumpetisyon.  Imagine, ilang housemates na ang na-evict saka pa lang pumasok si Daniel? 
               Nung sina Vicky, Jane, Manolo at Daniel ay nanganib na ma-evict in-announce ni Toni Gonzaga na dalawa sa kanila ang lalabas ng Bahay ni Kuya.  Maliwanag yun kahit i-replay pa nila ang episode na yun ng PBB All In.  Hindi nila nilinaw na sa unang challenge ay isa ang maliligtas at makakabalik sa Bahay ni Kuya at pagkatapos nun ay may isa pa uling challenge.  So, we were made to understand na ang dalawang nominated housemates na may pinakamataas na score sa challenge na ibibigay ni Big Brother ang siyang makakabalik sa Bahay ni Kuya at ang dalawang may pinakamababang score ay yun ang lalabas ng Bahay ni Kuya.  Kaya nagtaka ako kung bakit biglang-bigla ay nagbago ang kundisyon ni Kuya nang si Manolo ang pumangalawa kay Daniel sa dami ng napatay na kandila,  Daniel got 87 while Manolo had 82.   Biglang meron nang second challenge.   So, okay lang dahil baka kako yung mananalo sa second challenge ay ang pangalawang ligtas at makakabalik sa bahay ni Kuya.  Unfortunately, si Vicky na ipinakita nilang walang natatamaang standee sa practice ay siya pang nagwagi with three points.  Si Manolo na ipinakita nilang maraming natamaan during practice ay naka-one point lang.  Si Jane ang lowest with zero point.  So, second na naman si Manolo kaya si Vicky ang naligtas.  So feeling ko  wala na talagang chance si Manolo na makabalik ng bahay ni Kuya dahil malinaw na sinabi ni Toni na dalawa ang lalabas sa Bahay ni Kuya sa linggong yun.
               Pero biglang-bigla in-announce nila na maglalaban pa sina Manolo at Jane para makabalik ang isa sa kanila sa PBB House.  But this time ay idadaaan na sa boto ng madlang pipol.  Ano ba yun, akala ko ba sabi nila dalawa ang lalabas ng Bahay ni Kuya pero bakit all of a sudden ay isa na lang?  Parang hindi talaga sila titigil  hanggat hindi nakakabalik si Jane sa PBB House.  Patay kako, hindi pa man nag-uumpisa ang botohan tiyak na panalo na si Jane.  Kawawang Manolo, feeling ko biktima ng scam.  Ayan, happy na si Kuya dahil pasok na naman ang obviously manok nilang si Jane.
               Tanong ko lang, bakit pag bumuboto ako for Manolo hindi tinatanggap ng server?  May load naman ako.  Tama naman ang keywords na pinasok ko pati numbers na pinadlahan ko sa Globe at sa Smart, Na-experience din ba ng ibang bumuboto kay Manolo ang na-experience ko?
               Pero okay lang kung hindi napasama sa Big 4 si Manolo.   Sinu-sino lang ba ang talagang sumikat na napasama sa Big 4, hindi ba’t sina Kim Chiu at Gerald Anderson lang naman?  Nasaan na ngayon sina Keana Reeves, Nene Tamayo, Myrtle Something at kung sinu-sino pang PBB Big Winners na hindi ko na maalala.
               Ang importante si Manolo ay isang mabuting anak na may masayang pamilya. He is true to his words na pag-aaral ang priority at hindi ang panliligaw sa loob ng Bahay ni Kuya.  Pero ngayong na-evict na si bagets, sino pa kayang teen housemate ang puwedeng maging huwaran ng kabataan?
               Si Mariz?  Ayaw ko sa kanya kasi wala siyang paninindigan.  Hindi niya ipinaglaban ang boto niya against Joshua dahil sa huli ay  pinili niyang mapalayas sa PBB house si Daniel na little sister pa naman ang turing sa kanya.  Iyakin pa. 
              Si Loisa?  Ayaw ko na rin sa kanya kasi hindi siya nagpapakatotoo.  Kunwari hindi siya apektado sa pagbaling ng feelings ni Joshua kay Jane pero iba ang sinasabi niya sa ginagawa niya.
               Si Joshua?  Ayaw ko na sa kanya kasi bukod sa pagiging tamad ay walang ginawa kundi manligaw sa loob ng bahay ni Kuya.  Hindi siya magandang ehemplo para sa mga kabataan.  Ilang beses na siyang binigyan ng pagkakataon para magbago pero paulit-ulit niya pa rin siyang nagtatamad-tamaran.  Kung kailan tatatlo na lang silang natira sa PBB house saka lang siya nagpakitang gilas
               Si Jane?  Ayaw ko sa kanya dahil ang plastic niya.  Nagtataka lang ako kung bakit biglang-bigla ay umarte siyang parang na-shock or nagpa-virgin effect after ipagtapat ni Joshua na mahal siya nito gayung before that ay panay na ang holding hands nila at sa tuwing magkasama sila ay parang sila lang ang mga tao sa mundong kanilang ginagalawan.
               About Vicky naman ayaw ko rin siyang mapabilang sa Big 4 kasi makakadagdag lang siya sa humahabang listahan ng PBB winners na walang nangyari sa career. 
               Si Daniel okay lang sana kaya lang gaya ng nasabi ko na unfair ang pagpasok niya sa PBB house at unfair din na ihalo ang celebrity housemates sa regular at teen housemates.  Sa totoo lang, hindi nakakatuwa ang pautot niyong yan, Kuya.  Okay lang na magkaroon ng guest celebrity housemate just like Alex Gonzaga pero yung sabihin mong kasali sila sa competition it’s so unfair.
               

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.