Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 25, 2016

Rufa Mae inisnab ang alok ng Siyete!



Chizbitz
ni Ikabod Grin
 
Rufa Mae & Trevor

HOW true is the chism na tinanggihan ni Rufa Mae Quinto ang alok ng Kapuso network na bumalik sa kanilang comedy sketch gag show na “Bubble Gang?”
 
Pagkatapos tsugihin ang beauty ni Peachy (tawag ka Rufa Mae) sa “Bubble Gang” a few months back, usap-usapan ngayon ng mga beki sa entertainment industry ang ginawang pang-iisnab ng komedyana sa alok ng Siyete na bumalik sa gag show na lalong nagpabongga sa kanyang showbiz career for the past 15 years (Year 2001 nang pumasok siya sa show).

Papano naman daw hindi iisnabin ng bru ang offer ng Siyete, e, once a month lang daw siya magtiteyping pero tsatsaptsapin daw ang kanyang mga eksena into four parts.

Ibig sabihin pagkakasyahin sa apat na linggo ang mga eksenang itineyp niya for one day. Ibig ding sabihin ang TF niya for one day taping ay good for four episodes na of “Bubble Gang.”

Teka muna, sa loob-loob daw ng bru, parang tinipid naman daw ang TF ni Peachy.  Nasaan ang hustisya?  Mabuti sana kung hindi raw kumikita nang malaki ang naturang show, e, ang dami-dami naman daw ng TV commercials nitetch.

Eniweys, napabalitang uuwi ng bansa si Rufa Mae at ito'y nakatakda sana noong April 23 (sa ngayon ay wala pa kaming natatanggap na balita kung nandito na nga sila) kasama ang kanyang fiancé na si Trevor Magallanes (Financial Analyst sa Genentech, Millbrae, California, USA), kasama ang pamilya nito para pormal nang hingin ang kamay niya sa kanyang pamilya.

Gusto raw kasi ni Peachy at ng kanyang Fil-Am boyfriend na matuloy ang kanilang kasal bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sa katunayan, Pebrero pa lang ay katu-katulong na ng bru sa pagpaplano ng kanilang kasal ang kanyang Mommy Carol at mga kaibigang sina  LJ Moreno-Alapag at Teena Barretto.

Sa mga nagtatanong kung sinetch ba talaga ang fiancé ni Rufa Mae bukod sa pagiging Financial Analyst nitetch, si Trevor po ay kumuha ng kursong Bachelor of Science (BS) Finance, General sa University of San Francisco (2012-2014); nag-aral din sa Skyline College (2010-2012) sa kursong Transfer, Business Administration and Management, General;  at nagtapos ng sekondarya sa Mills High school, isang public high school sa Millbrae, California.


Naging Accounting clerk din sitetch sa SF Express Co. LTD at Sensor operator sa United States Air force.

Wow! We’re really very happy for Peachy.  Hope na matuloy na ang kasal nila ni Papa Trevor sa lalong madaling panahon.  Kung puwede nga lang, now na!

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.