Mga Kabuuang Pageview

Martes, Abril 5, 2016

Snooky pinagtataguan ni Kim Wong?!

Chizbitz
ni Ikabod Grin


          

        Snooky pinagtataguan ni Kim Wong?!
 
KUNG kailan naman bumubongga na ulit ang career
ni Snooky Serna ay saka naman itetch nasasangkot sa
mga nakakalokang chika.

Poor Snooky, porke laman ngayon ng mga pahayagan, 
radyo at telebisyon ang controversial casino junket operator
na si Kim Wong ay bigla namang lumabas ang di kagandahang
nakaraan kuno ng dalawa.

Ayon sa chism, inutangan daw noon ni Snooky ng 500,000
peso-pesoses si Kim Wong. Wow, close pala sila.

Unfortunately, hindi raw pinautang ng Intsikelya si Kukay. 
Parang nadala na raw kasi itetch coz may jutang pa raw sa 
kanya si Pagona na hindi pa nababayaran.

Kaya mula noon ay madalas na raw pagtaguaan ni Kim
Wong ang aktreselya sa tuwing nakikita niya raw itetch. 

Payong kapatid Kukay, dahil very visible si Kim Wong sa
mga panahong ito, ubukan mong abangan ang Lolo Kim
mo sa Senado tuwing may hearing itetch. Isama mo na
rin aketch at baka sakaling makahirit, he-he-he!

                    * * *
 
Nora Ipapakita na ang Boobs?

HOW true is the chism na magta-topless daw
ang Superstar na si Nora Aunor sa next movie
na gagawin nitetch?

Korek, handang-handa na raw mag-topless si Ate
Guy, ibig sabihin ay buong ningning na ibubuyangyang
 nitetch ang kanyang boobelya sa harap ng mga bagets
 actors na makakaeksena nitetch sa pelikula gaya
 nina Mark Herras at Derrick Monasterio.

Gaganap raw kasi si Ate Guy na isang nympho kaya
kailangan daw talaga sa istorya ang ilang maseselang
eksena tulad ng pagpapakita ng dede.

Kung noon ay nagawa na raw ng Superstar na mag-
topless sa pelikulang Banaue pero nakatalikod naman
itetch, this time ay magpo-frontal daw talaga ang aktres.

Trulili ba itetch? Parang wiz ko yata feel ma-sight ang
dede ni Ate Guy, ha-ha-ha!

                     * * *

     


Sarah di raw totoong bumukod na ng tirahan!

HINDI raw totoong bumukod na si Sarah Geronimo ng
tirahan sa kanyang mga magulang as a sign of her
newlyfound kalayaan. 

Sa true lang, sa balaysung pa rin daw nila umuuwi si
Sarah G.

Truliling pangarap din daw ni Sarah na mag-settle down at 
bumuo ng sarling pamilya pero hindi pa raw sa ngayon. 

Siguro raw mga four o five years from now, basta hindi siya
 lalagpas edad na 32.

At least right now ay na-enjoy na ni Sarah ang pagiging mas 
maluwag sa kanya ng kanyang mga magulang. 

Kaya nga nagawa niyang gumorabels sa Cebu just to join her
Papa Matteo Guiducelli in celebrating his birthday and attend 
na rin sa opening of the resto of Mat's granny na regalo
mismo ng young actor sa kanyang ditetch.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.