Mga Kabuuang Pageview

Martes, Abril 26, 2016

Pangggaya ni Pooh kay Binay ta-tumbling ka sa katatawa!



Watching Machine

ni Gas Gayondato III


 

SA PAMBIHIRANG pagkakataon ay noong Linggo (Abril 24) lang ako nagawang patawanin nang husto ng comedy gag show na “Banana Sundae” ng Dos.


Sobra akong natawa sa spoof nila ng “Pilipinas Debate” na tinampukan kuno ng limang presidentiables. 

Pinakanaaliw ako kina Pokwang bilang si Sen. Miriam Defensor Santiago na todo sa pag-eehersisyo para patunayang siya ay malakas na at may malusog na pangangatawan pero sa totoo lang ay di magkandaugaga sa pag-inom ng sangkaterbang gamot; Kuya Jobert bilang Mayor Rodrigo Duterte na nag-ala-Rambo na puro bleep ang maririnig mo sa tuwing magsasalita;  lalung-lalo na kay Pooh bilang si Vice-President Jejomar Binay na kahit hindi na magsalita basta tingnan mo lang ang hitsura na tila uling sa kaitiman ay siguradong ta-tumbling ka sa katatawa.


Magmula nang in-spoof nila ang mga kilala at makukulay na personalidad ay nagkaroon ng konting buhay ang naturang comedy gag show na ilang beses nang nagpapalit-palit ng pamagat mula sa “Banana Split,” na naging “Banana Split Daily Servings,” “Banana Split Extra Scoop,” hanggang sa kasalukuyang “Banana Sundae.”


Salamat sa nakakaaliw na panggagaya nina Angelica Panganiban at Jason Gainza kina Kris Aquino at Kuya Boy Abunda respectively; at sa tunay namang nakakaaliw na pang-i-spoof nina Pooh at Pokwang kina Manny Paquiao at Mommy Dionisia.  

Dahil kung hindi sa talentong ibinahagi nila sa nasabing show, malamang sa hindi ay matagal na itong nagpaalam sa ere.


Noon ay mas malimit na sablay sila sa kanilang mga gags.  Minsan “havey” pero mas madalas “waley.” Ang pag-i-spoof talaga ang naging strength ng “Banana” show na ito.


Pero ngayon ay medyo unti-unti na rin nilang nakukuha ang kiliti ng mga manonood kung gags at comedy sketch din lang ang pag-uusapan.


Kailangan nga lang nilang maging consistent sa pagpapatawa sa madlang manonood para hindi natin masabing nakakatsamba lang pala sila paminsan-minsan.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.