Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Abril 20, 2016

Daniel Padilla daig pa ang aso kung maglandi!

Watching Machine
ni Gas Gayondato




NAKABAWI ang "Magandang Buhay," ang daily morning show sa ABS-CBN nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros, sa ikatlong episode nito noong nakaraang Miyerkules.

Maganda at may katuturan kasi ang topic nila tungkol sa mga single mom at kung papaano pinalaki ng mga ito ang kanilang mga anak.

Panauhin nila Jolina ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador, at ang mag-iinang Teresa Loyzaga, ang panganay niyang si Joseph at ang bunsong si Diego Loyzaga.

Nakaka-touch ang episode na ito, at kung minsan nakakatawa din. Iba kasi ang lambing ng isang ina pagdating sa kanilang mga anak, lalo na pag lalaki. 

Ang lalaki kasi hirap na hirap ipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang ina dahil nahihiya silang matawag na "mama's boy," kabaligtaran ng mga nanay na kulang na lang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang kanyang 'baby' boy.

Okey si Karla dito, relate na relate siya sa pagiging single moms nina Jenine at Teresa dahil siguro sa katotohanang siya mismo ay isa ring single mom.

Para sa isang morning show ay naging makabuluhan ang episode na ito, hindi katulad nung pilot episode na puro lang sila kalandian.

Marami sa nakapanood ng naturang episode ang nagkomento sa social media na sobra kung makapag- PDA, as in public display of affection, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla 

Si Daniel ang touchy-touchy, daig pa ang aso kung maglandi kay Kathryn. Si Kathryn naman mahinhin kunwari yun pala mahinhindutin. Hindi sila nakakatuwa, lalo na si Daniel na ang sarap batukan.

Marami talaga ang nairita sa dalawa, lalo na't ayaw naman nilang aminin na mag-boyfriend-girlfriend na sila. Feeling nina Daniel at Kathryn 14 o 15 lang sila.

Twenty one na si Daniel at 20 na si Kathryn kaya inaasahan natin na they will act their age, hindi yung umaarte silang parang ngayon lang nasilayan ang mundo.

Si Karla naman ay nagmukhang kunsintidora. Sa harap niya mismo naglalandian ang dalawa. Ano ba yan, ang aga-aga puro kalandian ang itinuturo natin sa kabataan.

Kung ganun din lang mas mabuti pa palitan na lang nila ang title ng show na "Magandang Buhay." Gawin na lang nila itong "Malanding Buhay."



  
     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.