Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 11, 2016

Eugene Domingo 'Binasted' ni Jose Manalo?!

Chizbitz
ni Ikabod Grin




Eugene Domingo 'binasted' ni Jose Manalo?!

HOW true is the chism na "binasted" ni Jose Manalo si Eugene Domingo?
Nangyari raw itetch a few weeks before namaalam sa ere ang game show na "Celebrity Bluff" kung saan magkasama ang dalawa.

Remember yung mga biru-biruang ligawan nila sa "Celebrity?" Sineryoso raw, as in tinotoo raw yun ni Uge. Na-inlovey raw talaga ang komedyana sa komedyano.

Ang siste, hindi naman daw talaga feel ni Jose si Uge dahil ang truliling love raw nitetch ay yung girlash na dinalaw nitetch sa US of A just recently.

Dahil dun ay sumama raw ang loob ng huli sa una hanggang sa umabot daw sa puntong di na nag-uusap ang dalawa. That's the reason daw kung bakit a few weeks bago namaalam sa ere ang "Celebrity Bluff" ay wiz na sa pagka-appear sa said show si Jose.

Ows, trulili?


* * *

Aktor lulong pa rin sa casino

HOW true is the chism na lulong pa rin daw sa casino hanggang ngayon ang isang not-so-young actor?

Halos doon na raw nakatira sa casino ang nabanggit na aktor dahil dehins na raw itetch umuuwi ng kanilang hawsing kaya madalas di na raw itetch naliligo at nagpapalit ng damit.

Eto pa ang chika, madalas daw kapag waley nang pang-casino ang pobreng aktoraytild
ay kung kani-kanino na lang daw itetch sumasama -- mapa-babae o mapa-bading gumugorabels ang guwaping pa naman sanang aktoraytild.

Clue: Meron sitetch kaapelyidong sikat na komedyante. Kapag pinagdugtong mo ang initials ng namesung nitetch at apelyido ay makakabuo ka ng isang bagay.

Gets niyo kung sinetch itetch?


* * *

Aktreselya di pa binabayaran ang 21 kiyaw na jutang

SINETCH ang aktreselya na itetch na hanggang ngayon ay may jutang pa rin sa isang school na pinasukan ng kanyang bunsong anak noong 2011?

Ayon sa sitsit, 21,000 peso-pesoses daw ang jutang ng said aktreselya. Tumalbog daw kasi ang tsekibong pineysung nitetch sa nasabing school ng anak noong ang sa Mandaluyong pa ang kanilang balaysung.

Naiintindihan naman daw ng may-ari ng school kung waley pang pang-paysung ang aktreselya sa jutang nitetch noong mga panahong yun.

Pero ngayong sikat na sikat na ang dyunakis nitetch at marami na silang datung, sana naman daw ay maalala nitetch na bayaran ang kanyang jutang sa school.

Clue: May kaapelyido ang aktreselya na kilala sa mundo ng showbiz at pulitika. Balik-sigla rin ang career ng nasabing aktrselya sa isang giant network.

Gets niyo na kung sinetch itetch?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.