Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 8, 2016

Si Ara Mina sa buhay ni Kim Wong noon

Chizbitz
ni Ikabod Grin





Si Ara Mina sa buhay ni Kim Wong noon

HOW true is the chism na naging apple of the eye raw noon ng controversial casino junket operator na si Kim Wong ang seksing aktres na si Ara Mina?

Ayon pa sa sitsit na aming nasagap, madalas daw noong padalhan ni Kim Wong ng peking duck from Hong Kong si Ara.

Bukod sa peking duck ay pampered din daw ang aktreselya ng dakilang Intsikelya ng masasarap na food from his Chinese rest
o.

Hindi nga lang daw malinaw kung nagkaroon nga ng relasyon sina Ara at Kim Wong.


* * *



Ana Capri hinipuan sa puwet

DUMULOG sa NBI ang aktres na si Ana Capri para ireklamo ang lalakeng nambastos at nanampal sa kanya sa isang bar sa may Bonifacio Global City.

Tsika ni Ana, kasalukuyan daw siyang nagtsa-charge ng kanyang cellphone nang bigla na lang daw siyang hipuan sa puwet ng isang lalakeng di niya kilala. Mga 50 años na raw itetch at mgs 5'7" ang height.

Sa gulat daw ni Ana ay agad daw niyang tinabig ang kamay ng lalake pero na-shock na lang daw ang beauty niya dahil siya pa ang sinampal nitetch at pagkatapos ay dinuro-duro pa.

Dahil VIP raw sa Palace Pool Club ang naturang lalake, sa halip daw na hulihin itetch ng guard ay inilayo lang daw itetch sa kanya at iniskortan pa palabas ng bar hanggang sa makasakay ng kotse nitetch.

Sey pa ni Ana, porke daw ba VIP ang lalake ay puwede na nitetch molestiyahin ang mga girlash na tulad niya. Namesung na nga lang ng mhenchung ang hinihingi ni Ana ay hindi pa raw maibigay ng mga taga-bar, kaya papano raw niya itetch masasampahan ng kaukulang kaso kung di niya knows ang namesung nitetch.

* * *



Mga Artista namigay ng saku-sakong bigas sa Kidapawan

SALUDO kami sa mga artistang nagpadama ng malasakit sa mga kababayan natin sa North Cotabato na matinding naapektuhan ng tagtuyot na dulot ng tinatawag nating El Niño phenomenon.

Ang naging pagkilos na itetch ng ilang artista ay resulta na rin ng madugong karahasan na naganap sa Kidapawan, North Cotabato noong nakaraang linggo sa pagitan na ating mga kapulisan at mga magsasakang lumahok sa protest rally na ang tanging hiling ay mabigyan sila ng bigas.

Narito po ang ilang artistang nag-donate ng bigas para sa mga kapatid nating magsasaka na labis na naapektuhan ng tagtuyot:
Robin Padilla 10g0 sakong bigas, ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez Padilla 60
na sako ng bigas, Bianca Gonzales 20, Megan Young 10, Mikael Daez 10, Angel Locsin 100, Luis Manzano 100, Anne Curtis 200, at Jasmine Curtis 20 sakong bigas.


* * *

Sexy Actor binayaran ng 500 Kiyaw?

SINETCH ang guwapong sexy actor na itetch na binayaran kuno ng isang mataas na government official para mag-perform sa halagang 500 thousand peso-pesoses? Hindi nga lang malinaw kung aniklang performance itetch.

Pero whatever it is ay mukhang sobrang mahal naman yata ng asking price ng sexy actor. Iba pa po itetch dun sa hunk actor na binayaran naman ng 600 thousand peso-pesoses pero not worth it daw kasi bukod sa dyuts na ay marumi pa.

Ang sexy actor daw na itetch ay makinis, mabango at higit sa lahat ay malinis daw sa katawan.

Ang siste, on the night of his performance chorva ay super drink daw ng alak ang sexy actor hanggang sa malasing. Natural, dahil senglot na ang sexy actor, e, wiz na sa itetch sa pagka-perform. Sa madaling salita, nasayang lang ang 500 thou na ibinayad ni government official coz di na nga nakapag-perform si guwapong sexy actor.

Clue: May kapangalan itetch na bagets sa isang noontime show at may kaapelyidong girlash na dating member ng isang youth-oriented show noon sa GMA-7.

Gets niyo na kung sinex itetch?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.