Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 30, 2012

Angel at Kapuso actor ibabalik ang tambalan


XKANDALO
ROLDAN CASTRO

 PUMIRMA ulit ng kontrata si Angel Locsin sa ABS-CBN 2 at Star Cinema.  Mali ang chism na babalik na siya sa GMA 7.
Balita namin ay ibabalik ang tambalan nila ng isang Kapuso actor na dati niyang ka-loveteam.   Co-prod daw ang Star Cinema at Regal Films para magsama sila.
Marami ang nasasabik sa tandem ng dalawa.
 Tuloy na tuloy na rin daw ang Bea Alonzo-Angel Locsin-Toni Gonzaga-Angelica Panganiban movie!
At may gagawing teleserye sina Angel Locsin at KC Concepcion.
Bongga!
* * *

 PINAG-USAPAN ang kilikili ni Piolo Pascual sa presscon ng pelikula nilang "Every Breath U Take” dahil ang eksenang ‘yun ang naging topic.
Sa isang eksena ng movie, half-naked si Piolo at natutulog.  Hinalik-halikan  ni Angelica  Panganiban at inamoy-amoy ang kilikili ng guwapong aktor.  Bangung-bango ang aktres  at masarap daw papakin.  Nakakaadik daw ang kilikili ni Piolo.
Tinanong tuloy si Papa P kung first time yun na may humalik sa kilikili niya.
“Off-screen, hindi; on-screen, yes.  I remember before, off-screen, merong ganun na may fetish (mahilig sa pag-amoy at paghalik sa kilikili).
“Girlfriend ko before may fetish siya sa kilikili ko.  Pero on-screen, si Angelica lang," sagot niya.
Sa pelikulang "Every Breath U Take" kasama rin nina Angelica at Piolo sina Nova Villa, Freddie Webb, Joross Gamboa, Wendy Valdez, Smokey Manaloto, Ketchup Eusebio, at ipinakilala si Ryan Bang
 Ito’y sa  direksyon ni Mae Czarina Cruz.  Showing on May 12, 2012.

* * *
PRODUKTO si Rainier Castillo ng “Star Struck Batch 1.”  Hindi siya ang tinanghal na Ultimate Survivor dito kundi si Mark Herras.  Pero sumikat pa rin siya nang husto. 
Malakas kasi ang dating ni Rainier.  Bukod sa guwapo kasi siya ay nagtataglay pa siya ng killer smile na ikinakilig ng kanyang fans.
Sabi ng iba noon, hindi rin magtatagal ang kasikatan ni Rainier.  Guwapo lang naman daw kasi ang aktor pero hindi ito marunong umarte.
Nagkatotoo nga ang sinabi ng iba. Sa ngayon nga kasi ay bumaba na ang kanyang popularity at nawawala na.
Tsk! Tsk! Tsk!
* * *

PINUPURI ang boses ng bagong recording artist na Dk Valdez.  Hitsurang anak ni Basil Valdez sa lamig at nakaka-in love na boses.
Ang ganda ng pagkakanta niya ng carrier single niyang  “Tatanggapin Pa Ba kita?”  para  sa album niyang ‘DK Valdez... It’s All About Love’ na release ng BWB Records.
Nakakatayo rin ng balahibo ang magandang version niya ng  kantang “My Love Will See You Through.”
 Dream niya na makasama sa isang concert si Sarah Geronimo.
Homebase siya sa Thailand na kung saan ay kumakanta sa mga hotels at bars.   Tuwing  September hanggang December ay umiikot siya sa Europe  para mag-show na kung saan ay may  150  orchestra siya at 200 choire na back-up.
Tatlong taon  na niya itong ginagawa sa tulong ng isang German na nagngangalang Maestro Win Siegfried Pentek.
Bumalik siya sa Pilipinas para mag-recording at tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album sa ating bansa.
Napapaloob sa album ni DK  ang  mga kantang  “Just To Make You Stay,” “Tatanggapin Pa Ba Kita,” “Just Face Our Love Again,” “Kahit Ano’ng Sabihin,” “Akalain Ko Ba?” “I’ll Be Right There For You,” “Singsing,” “My Love Will See You Through,” “Laging Babalikan” at “Walang Ibang Mahal.”
Ni-revive ni DK ang kanta ni Toni Gonzaga na “Akala Ko Ba” na composed ni Boy Christopher na siya ring album producer.
Mapapanood si DK sa fund raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa May 5 sa Zirkoh Morato kung saan ay tampok sina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino, Albie Casiño,Steven Silva, Michael Pangilinan, Divalet at naggu-guwapuhang grupo na “The Frontmen.”


Kris OK na sa magandang pagtitinginan nila ni James


 WHAT'S THE POINT?
Pilar Mateo  


 HINDI naman masisisi ang Queen of All Media kung pinupuno nito nang husto ang schedule ng trabaho niya these days!
Sa taping, kung saan nagba-backpack siya para sa kanyang “Kris(Reali-)TV” at ang soap niya with Robin Padilla and Anne Curtis na “Kailangan Ko'y Ikaw”.
Matapos ngang mairaos ang kaarawan ng kanyang si Bimby James, nakatuon na ngayon ang kanyang dalawang boys sa pag-look forward sa kanilang isa na namang Disney Cruise sa Cape Canaveral sa Florida, USA sa Mother's Day.
Pati na ang kanyang mga out-of-the-country para sa shoots ng kanyang TVCs eh, maayos ding nasusunod.  She was in Bangkok, Thailand recently para sa panibago na namang shoot.
Masasabi bang deliberately eh, kinakalimutan muna ni Kris ngayon ang mga bagay na may kinalaman sa kanyang puso?  Naging kapansin-pansin ang maganda nilang pagtitinginan ng kanyang ex-husband na si James Yap sa kaarawan ng kanilang anak na si Bimby na magkatuwang nilang pinaghandaan.
I think, I am okay now.  Sa gumanda namang kinalabasan ng friendship with James at maayos na takbo now ng trabaho ko, what more can I ask?
“My two boys are enough!  As it is, walang problema, walang issues. Tahimik lang.  And love, love.  Love to everyone!  I think mas maganda na 'yung ganitong disposition now.”
I agree!
* * *

IYAKIN pala ang dalagitang si Ella Cruz!  Siya naman ang magbibida sa bagong fantaserye ng ABS-CBN na “Aryana.”
Unang tanong pa lang sa fifteener sa kanyang press conference sa reaksyon niya ngayong nabigyan siya ng ganitong pagkakataon, akala namin eh, magkakaroon siya ng buntot at halos bumaha ang luha sa tindi ng kanyang kagalakan.
Naaalala ko lang po kasi 'yung mga dinaanan ko mula nang sumali pa lang ako sa “Little Miss Philippines” ng “Eat...Bulaga!” when I was six years old.
“Dahil after noon po na ako nagsimula na mag-ekstra-ekstra sa mga soaps lika “Magpakailanman.” Tapos, pinag-audition kami sa “Majica.”
“ Tapos, nagge-guest na rin po ako sa “MMK.” Totoo po, naikot ko na 'ata halos lahat ng networks.  Dahil nakasama na rin ako sa "Inday Wanda.”

Kaiba sa mga nasaksihan na nating 'fish tales' o mga pelikula at programa sa telebisyong tumatalakay sa mga sirena, dito sa istorya ni Aryana, normal na tao muna siya pero dahil sa isang sumpa, nabago ang ikot ng kanyang sosyal na teen's life.
At dahil sa pagpupursige ni Ella at maski pa nag-iba-iba na rin siya ng managers, sa gabay ng kanyang buthing ina, napansin na ang kakayahan ng dalagita sa kanyang pagganap.
Ngayong may love interest siya sa nasabing fantaserye in the person of Paul Salas na mukha ring very fond of Ella, nangako naman ang dalagitang hindi siya madi-distract ng mga bagay para mapasok na agad siya sa pagkakaroon ng 'young love.'
Subaybayan na ang 'magical tail' ni Aryana mula sa direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano simula sa May 7.

* * *

UP TO now, maya't maya pa rin ang tanong sa amin ng aming mga kasama kung totoo bang nagkausap na ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.
Kasi, nagba-Bible study na raw ang pasaway na kapatid ni Ara at panay nga ang lagay nito sa kanyang Twitter ng mga pinagkakaabalahan niya sa ngayon.
Ibinalik na ni Ara sa normal ang buhay niya.  Habang wala pa siyang ginagawa sa harap ng camera, ang pag-aaral ng Culinary at para naman maging maayos din ang takbo ng isip at puso niya -- ang Bikram Yoga with her close friends.
Muli, sinasabi ni Ara. “Hindi totoo 'yun.  Walang pag-uusap na nangyayari!”
Kasi naman, kailangan pa ba namang itanong 'yun?
Hindi naman nga raw ito patintero o taguang-pung!


Angelica naadik sa kilikili ni Piolo


SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR


BAKLANG-BAKLA pa rin si Angelica Panganiban kaya naman aliw na aliw sa kanya ang entertainment press sa presscon ng “Every Breath U Take” na pelikula nila ni Piolo Pascual na ipalalabas na sa May 16.
        Siya ang nagsilbing live wire sa presscon dahil sa kanyang kakulitan at pagpapatawa.  Panay ang panghaharot niya kay Piolo at ang saya-saya niya that night.
        Bagama’t alam naman nating serious type si Piolo, nahahawa na rin siya sa kanyang leading lady at natatawa nga siya sa kapiliyahan ni Angelica.
        Isa sa pinakanakakaaliw na portion ay nang madako ang usapan sa isang eksena sa movie kung saan ay hinahalikan ni Angelica ang kilikili ni Piolo habang natutulog ito.
        Natanong kay Angelica kung gaano ba kasarap ang kilikili ni Piolo at say ng aktres, “Well, masarap po talaga, nang matikman ko po, naadik ako, na-hook po ako.  Ngayon po, kinokontrol na nila ako sa set na once a day na lang ang pag-amoy ko.”
        Say pa ni Angelica, “Ang sarap po talaga.  Pag tinaas niya ang kamay niya na nakasando, ang ganda ng hair, as in tama ang pagkabigay, ang ganda, ang lalim, ang bango!  Pwede po akong tumira sa kilikili ni Piolo.”
        On serious matter naman ay natanong si Piolo kung bakit ang galing niyang magpakilig on-screen pero off-screen ay tila hindi pa niya nahahanap ang talagang makaka-partner niya in life.
         "Dumarating naman yun sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon, sa tamang tao, at sa tamang circumstance.  So, I guess may mga bagay na kailangan tayong gawin na naaayon sa pagkakataon na ibinibigay sa atin.
“Ang sa akin po, I guess I’m just going with the flow.  Nagtatrabaho ako, kung ano ang pinapagawa sa akin, yun ang gagawin ko.  
“Kung anuman yung sa personal na buhay ko, dumarating at dumarating po yun.  At you deal with it as you go through it.  So, sa akin po, in time siguro,” mahabang say ng aktor.
Sa tingin niya ba hindi niya pa lang nahanap yung hinahanap niya talaga?
“Mahirap magsalita, e.  Mahirap magsalita, especially sa ganitong pagkakataon, mahirap ma-misquote and ayokong mabigyan ng ibang meaning yung sasabihin ko.  So, I’d rather keep it to myself.
"In time siguro malalaman naman natin, hindi naman tayo bumabata.  I remember being asked the same question before so I guess oras na lang ang magbibigay ng sagot sa katanungan,” pahayag pa ni Piolo.
        Anyway, kasama rin sa movie sina Nova Villa, Carlos Agassi, Ryan Eigenmann, Smokey Manaloto, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Janus del Prado, Wendy Valdez, Regine Angeles, Cacai Bautista, at Frenchie Dy.
* * *
Derek bagong FPJ

KINUMPIRMA na ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films na gagawin ni Derek Ramsay sa kanyang produksyon ang remake ng pelikulang “Totoy Bato” ni Carlo J. Carapas at pinagbidahan ng yumaong Da King Fernando Poe, Jr.
Ito raw so far ang pinakamalaking movie na naka-line up nila for Derek bukod pa sa “Nothing Compares To You” na gagawin din ng aktor sa Viva kasama sina Anne Curtis at KC Concepcion.
           “Classic Caparas material ‘yung ‘Totoy Bato’ na ginawa ni FPJ, so sa tingin namin, siya (Derek) ‘yung pwedeng mag-portray ng bagong version, kung tatanggapin niya.  Pero ‘yun, plano namin ‘yun for him.
        “Kasi sa tingin ko kay Derek, hindi lang pang-romansa, eh.  Pwede rin sa action,” say ni Boss Vic sa story conference ng ‘Nothing Compares To You’ held last Friday sa Viva office.
        Kaya sabi nga ng manager ni Derek na si Joji Dingcong, minsan talaga, when you lose a good project, mabait naman daw ang Diyos at pinapalitan kaagad ito.
        Matatandaang nawala kay Derek ang Star Cinema movie na dapat sana’y pagtatambalan nila ni Bea Alonzo.  Tinanggal ang aktor sa nasabing pelikula matapos niyang lumipat sa TV5.
        Ayon naman kay Junne Torejon-Rufino na isa sa executives ng Viva Entertainment, apat na pelikula raw ang naka-line-up for Derek sa Viva at pag-uusapan pa raw ‘yung dalawa pa.
        Thankful naman si Derek ever since sa Viva dahil ang nasabing produksyon daw ang nagbigay sa kanya ng dalawang blockbuster hits in a row, ang “No Other Woman” at “Praybeyt Benjamin” kaya hindi raw niya makakalimutan ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Boss Vic.


Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.