Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Abril 19, 2012

Ate Vi nagmistulang stage mother ni Ryan Christian


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR

 NAGING stage mother nang di oras si Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos nang mag-guest ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto sa “ASAP 2012” kamakailan.
Sumayaw si Ryan Christian sa nasabing Sunday variety show kasama ang kuyang si Luis Manzano and in fairness, marunong sumayaw ang bagets, nagmana sa kanyang ina.
            Pero bago isalang si Ryan, ayon kay Ate Vi ay katakut-takot ang bilin niya kay Luis na bantayan ang younger brother.
            “Sabi ko, “anak, pa-make-up-an mo na kapatid mo, anak, huwag mo iiwan ang kapatid mo, anak, bantayan mo naman ang kapatid mo, siyempre, maninibago yan dahil after vacation lang (lumalabas sa TV).
“Sabi niya (Luis), 'Of course mom!  Mom, I just want to remind you, I’m not the yaya, I’m also your son,” natatawang kwento ni Ate Vi.
Natutuwa naman si Ryan na inimbita siya ng “ASAP 2012” at binigyan pa raw siya ng b-day presentation kahit hindi siya regular member.
“I’m grateful na ‘ASAP’ even invited me, and they celebrated my birthday naman din even though I’m not a regular on ‘ASAP’ so I’m really grateful to them also, they gave me an opportunity to spend time with my brother as well which I’m very happy.  It’s really good,” say ni Ryan.
Sa totoo lang, pwedeng-pwede ring artista si Ryan at sundan ang yapak ng ina at kuya niya pero sa ngayon daw ay wala pa sa plano niya ‘yun dahil kailangan muna niyang tapusin ang kanyang pag-aaral.
Once in a while ay pwede raw siyang um-appear on TV tulad nga ng nangyari sa “ASAP 2012” pero hindi pa raw pwedeng full time.
Nasa third year high school pa lang si Ryan at tatapusin siyempre niya ang college muna just like his brother Luis na nagtapos muna ng degree bago nag-focus sa pag-aartista.
Ayon kay Ate Vi, may hilig din daw talaga sa showbiz si Ryan.
“Sa totoo lang, if you could see him dance, at saka ‘yung interest niya, meron.  It’s just that siguro parang ‘yung kay Lucky noon na naho-hold back.  Eh okay na lang muna ‘yun. Studies first,” say ni Ate Vi.
Vilma is a picture of a very proud mom sa kanyang dalawang binatang anak.  Sobra rin niyang ipinagmamalaki si Luis dahil sa narating nito sa sariling sikap lahat.
“Ang galing talaga ng anak ko, eh, walang biro,” say ni Ate Vi.
Mas magaling sa tatay na si Edu Manzano?
            “Oo,” natatawa niyang say.
            “But anyway, alam n’yo, sariling kayod ‘yan ni Lucky, eh.  Nakita n’yo naman di ba? Kung ano yang meron siya, kung ano ang natutunan niya, kung ano ‘yang na-develop sa character niya, ‘yung craft niya, lahat ‘yan, kanya, eh.
        “We’re just here to guide him pero in any na effort na meron siya, kanya yan, hindi kami nakikialam.  Ganyan siya napalaki.”
        Samantala, natanong namin si Ate Vi kung tuloy ba ang pagtakbo ni Luis bilang mayor sa Lipa, at ayon sa Gobernadora, baka raw hindi pa.
        “Baka soon.  Pero not in 2013, I doubt it, hindi pa.  Baka 2016,” she said.
* * *

MEDYO napahinga ang young actor na si Neil Coleta pagkatapos ng “Growing Up” sa ABS-CBN kaya fresh at guwapo na naman siya ngayon.  May nagsasabi ngang kahawig pa niya si Coco Martin.
        Next soap ni Neil sa Kapamilya ay ang “Aryana” pero hindi pa siya nagte-taping.  Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang shooting ng “I Do Bidoo Bidoo” with Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla and Sam Concepcion among others.
        Musical-drama ang pelikula kaya naman nag-aaral siya nang husto na sumayaw para makasabay sa husay nina Gary V. and Sam.  Magte-take rin siya ng voice lessons dahil mga kanta raw ng Apo Hiking Society ang kakantahin sa buong pelikula.
        Masaya si Neil na napasama siya sa malaking pelikulang ito at excited na rin siya sa bago niyang serye sa Dos.
        Bukod sa shooting, busy rin si Neil sa pag-aasikaso ng kanyang bagong nabiling bahay. Sobrang saya ng young actor at hindi siya makapaniwala na mayroon na siyang napundar na sariling bahay sa Capri Oasis sa may Pasig.
       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.