Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Abril 28, 2012

Pagso-sorry ni Sharon dinidedma ng Tita Helen niya


Mula sa pahayagang Aksyon
 RIGHT TIMING
 By: nora v. calderon
          
ILANG beses napaluha si Sharon Cuneta sa presscon ng first show niya sa TV5, ang “Sharon, Kasama Mo Kapatid” na magsisimula na sa May 7, pero ayaw pa nilang sabihin kung ano ang timeslot, baka raw may biglang tumapat na show.  
Maraming nagsa-suggest na bakit daw hindi sa umaga ilagay ang show dahil sa hapon, mga drama series ang makakatapat niya.  
So far, nakapag-tape na sila ng more than fifteen episodes, kaya may naka-ready na silang three weeks na ipalalabas sa show na mapapanood daily, na ang bawat episode ay matatapos ng Friday.  
Kaya lamang, hanggang sa ngayon, wala pang napipili kung ano ang ipalalabas nila sa pilot week at pinag-aaralan pa ito ng mga TV5 executives na sina Atty. Ray Espinosa, Mr. Bobby Barreiro at Perci Intalan, Head ng TV Entertainment.  
Kaya wait na lamang tayo kung alin sa mga ikinuwentong ilang eksena ng show ang mapapanood natin sa pilot week nila.
            Lahat ng pag-iyak ni Sharon, tungkol pa rin sa hindi nila pagkakasundo ng kanyang Tita Helen (Gamboa) kahit nagri-reach out na siya sa tiyahin na ilang ulit niyang sinabi na mahal na mahal niya ang Tita Helen niya, si Sen. Tito Sotto na itinuturing na rin niyang ama at ang mga anak nila na parang mga tunay na rin niyang kapatid.  
Madalas nga raw, dahil, friends naman sila ni Richard Gomez na kasama sa teleserye sa ABS-CBN si Helen, na pinaaabot niya rito ang paghingi niya ng sorry pero hindi raw kumikibo ang tiyahin kaya wala ring maisagot sa kanya si Goma.
            Ipinaliwanag na lamang ni Sharon na ngayong may sarili na siyang pamilya, foremost na sa kanya ang mga ito  kaya hindi maiaalis sa kanya na mas malamang ang pagrespeto niya sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan na nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan nang hindi siya sumuporta sa kanyang Uncle Tito dahil that time ay kapanalig ng administrasyon.
            Naitanong din kay Sharon kung pwede ba niyang i-guest sa kanyang show ang anak na si KC Concepcion, o si Piolo Pascual, sagot ng Megastar:
“Gusto kong i-guest si KC, but I don’t see why I should guest Piola pa.  Kasi kapag ganoon, bibigyan na naman ng ibang kulay ng ibang tao, saka I don’t really need Piolo to guest here.”
            Meanwhile, Happy 16th Wedding Anniversary to Sen. Kiko and Sharon Pangilinan today, April 27.  Happy 15th Wedding Anniversary naman to Richard Gomez ang Rep. Lucy Gomez, today din, April 27.
                                                            * * *

 NA-MISS ang showbiz, after three years, bumalik ang dating Viva babes na si Gwen Garci last April, 2011.  Sa isang pocket interview sa Viva office, hindi inilihim ni Gwen na may baby na siya, si Naima from her Italian father, Nicola, isang executive chef in a top hotel in Beijing. 
Sa June 16, Naima will turn two years old.  No regrets si Gwen na pansamantala niyang iniwan ang showbiz dahil sa boyfriend of four years at nag-stay siya sa ZsenShen and Beijing, China.  
Doon, na-experience niya ang pagiging full-time mom kay Naima.  Mahirap daw ang nag-iisa, malungkot, kaya nag-decide siyang bumalik sa bansa.  
Mahirap din ang long-distance love affair kaya tuluyan na silang nagkahiwalay ni Nicola, pero nagpapadala ito ng support sa anak at may communications sila na madalas kinukumusta ang baby nila.  
Pero nasa mommy niya sa Baguio si Naima at ayaw na raw isoli ito sa kanya , kaya basta may time, umaakyat siya ng Baguio.
            Balik-modelling si Gwen, hindi muna sa showbiz, at madalas siyang pumunta ng Dubai at Singapore para sa photo shoots niya ng mga magazine covers doon.  
Sa Singapore pwede raw siyang mag-pose in two-piece swimsuit pero sa Dubai, sa fashion modeling shoot siya.  
Nako-contact daw siya for photo shoots sa kanyang facebook.  Bago siya magsimula sa shooting ng horror movie na “Basement” sa GMA Films under Topel Lee, babalik siya ulit sa Dubai at Singapore for photo shoots ng top magazines doon.  
She hopes na mababawasan na ang pagpapa-sexy niya sa mga gagawin niyang movies at Viva na ang ulit ang magma-manage sa kanya.
                                                            * * *
LAST Sunday, wagi na naman ang “Reel Love Presents Tween Hearts” sa audience share ng AGB ng rating na 35.2 laban sa katapat nila na nakakuha lamang ng 23.2 percent.  
Sa episode ng youth-oriented show bukas, April 29, magtutulung-tulong na ang buong barkada para muling magkabati sina Bambi (Barbie Forteza) at Josh (Joshua Dionisio).  
Nagtagumpay naman sila at sinabi na ni Josh ang sorpresa niya kay Bambi, ang romantic plane ride for two.  Pero kung maligaya ang dalawa at ang ibang kabarkada nila, nagkaka-labuan naman sina Jacob (Jake Vargas) at Belinda (Bea Binene) na kagagawan ni Lucy (Rhene Escano) na gustong paghiwalayin talaga ang dalawa.  
Napapanood ang “Tween Hearts” after ng “Party Pilipinas.”


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.