Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Abril 5, 2012

Maritoni at Lexi mag-inang parehong sobrang landi

Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro


 TINANONG si Maritoni Fernandez kung sino ang mas magaling kina Lovi Poe at Heart Evangelista na lead female stars rin ng “Legacy.”
“Para sa akin, sorry ha pero talagang parang tunay na isang ina, pinakamagaling talaga sa kanilang tatlo? Ang anak ko!”
Speaking of anak, kumusta na si Lexi Fernandez?
“Okay very busy ayun, kakaumpisa niya lang ng ‘Just One Summer’ (movie ng GMA Films).
“Siya yung kontrabida dun. Tinanggap ko siya, kontrabida kasi kinausap ako nina Miss Annette (Gozon-Abrogar of GMA Films), sabi nila, ‘Ton alam ko na ayaw mo siyang magkontrabida pero sobra ang ganda ng role!’
“Pinramis nila sa akin na yung role niya sa ‘Just One Summer’ talagang mamahalin siya ng lahat ng bakla sa Pilipinas! Ganung tipo.
“Alam mo bakla yan (Lexi)! Para siyang, ang dating niya kasi para siyang si Marian (Rivera), pag hindi mo kilala di ba parang santa-santita, di ba?
“Pero pag bumuka na yung bibig bakla pala di ba? Ganun e, ganun si Lexi. Pag nakilala ninyo, kuwelang- kuwela yun.”
Nakakagulat naman ang mga sagot ni Maritoni ng kumustahin namin ang lovelife ni Lexi…
“Wala na, zero na, goodbye! The end. Iyon na yun. Alam na naman ninyo yun, hindi ko na ire-reiterate kasi papatayin niya ako, sa totoo lang.  Off the record, kilala ninyo na, di ba?”
Galit ba siya doon sa guy or may bitterness ba siya dito?
“Hindi naman ako galit, wala hello, ayoko lang sa pandak,” at tumawa si Maritoni.
Nung nalaman niyang tapos na relasyon, ano ang naging reaksyon niya; nagalit ba siya?
“Hindi, not at all. Actually kasi puppy love pa lang naman yan, e… ano yan, holding hands.”
Hindi ba siya naapektuhan para sa anak niya?
“Hindi, kasi siya yata nakipag-break,” ang tumatawang sabi ni Maritoni.
“Sabi ko nga sa kanya, ‘Anak, hindi ka ba nahe-hurt? Wala, wala ngang… ni wala ngang kissing-kissing, holding hands (lang).”
Sure ba siya?  Kasama ba niya ang anak niya 24 hours, 7 days a week?
“Naku, bestfriend ko anak ko! Unang tatawagan niyan ako believe me.  Sasabihin niyan ‘Mom, I got kissed na!’
 “Ganun siya, sobrang landi ng anak ko, katulad ko ‘yan e.”
Bakit daw nag-break? Impluwensiya ni Maritoni?
“Wala, ako pa?  Pinapaakyat-bahay… pinapatuloy ko pa sa bahay namin yan, everything. Mabait naman, mabait siya talaga.”
So bakit nag-break?
“Na-boring yata sila sa isa’t-isa, e. Kasi trabaho nang trabaho, trabaho nang trabaho, tapos di ba parang…”
Mga bata pa kasi?
“Hindi… kasi yung guy naman medyo may edad na e, di ba, twenty na ata, si Lexi kase-seventeen lang.”
E sino nga ba yung guy na tinutukoy niya?
“Hindi ko alam! Kaya nga… hindi ko nga alam, e. Ang alam ko lang sa kanya, maliit siya at tsaka mabait,” sabay-tawa ni Maritoni.
“Actually ako yung na-affect kasi sabi ko sa anak ko, ‘Are you okay?’ Kasi di ba, first break-up niya ever?
“Ako yung worried, ganyan.”
Pero never umamin ang dalawa na nagkarelasyon sila…
“Hindi nga, kasi wala nga talaga, as in nagho-holding hands lang, nag-batting- batting eyelash…”
Ano ang sagot sa kanya ni Lexi ng tanungin niya kung hindi ba ito nasaktan?
“Sabi niya ‘No!’, hindi. Friends pa rin naman daw sila e, very good friends and they work together, di ba?”
Gaano katagal inabot ang relasyon ng dalawa?
“Walang… walang one year, less! Pagkaalam ko ha, yung alam ko, siguro mga six months.”
Noon pa natsitsismis na boyfriend ni Lexi Fernandez  si Jake Vargas. Pero patuloy na nagdi-deny ang dalawa.n Kahit kinumpirma na ng kanyang ina na si Maritoni Fernandez ay patuloy pa rin sa pagtanggi si Lexi.
“’Yung ni-label niya na nag-on kami (ni Jake), never talagang nangyari na naging mag-on kami,” aniya pa. 
Ano ‘yung tsikang lagi siyang dinadalaw ni Jake sa bahay nila?
“Dumadalaw talaga siya dati.  Hindi ko itatago ’yon, ’di ba?  Pero hayun, parang never naman naging official na nag-on kami.  Kasi, focused din siya sa trabaho.  Focused din ako sa trabaho. 
We’ve remained friends na lang.  Mas okey kasi may loveteam kami ni Derrick (Monasterio) at meron silang Jake-Bea.  Okey na lang na maintain namin ’yung friendship namin,”  sey pa niya.
Kaya pala may balitang hindi siya masyadong pinapansin ni Bea sa set ng show nila, huh!
“We’re close friends talaga.  Pero never umabot sa point na naging mag-boyfriend-girlfriend kami,” diin ng aktres.
‘Yun na!
* * *

SPEAKING of Jake Vargas, crush daw niya si Kris Bernal.  Nagagandahan daw kasi siya sa
mukha ng dating ka-loveteam ni Aljur Abrenica.
Wish lang ni Jake na makasama niya sa trabaho o sa isang serye si Kris.  Naku, hindi kaya magselos si Bea Binene kapag nakarating sa kanya ang paghanga ni Jake kay Kris? At gusto pang maka-partner?
* * *

WALA pang bagong show si Jillian Ward sa GMA 7 pagkatapos magwakas ang “Daldalita,” ang serye na pinagbidahan niya.
Aba, dapat nang mabigyan ng bagong show ng Kapuso network ang child wonder dahil marami kaming nakakausap na fans niya ang sabik na silang mapanood ulit si Jillian na umaarte sa telebisyon.
Besides, kapag may show si Jillian ay lagi namang panalo sa rating, di ba?
Tungkol pa rin kay Jillian, nag-graduate siya sa pre-school sa ODB Montessori School.
Congrats.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.