Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Abril 29, 2012

Marian di pa raw buntis


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  

NOONG Biyernes ng gabi, muling naglunsad ng bagong scent ang Bench. Ito ang Deo Cologne na Gutz and Glory na si Richard Gutierrez ang endorser.
Ginanap ang bonggang launch sa SM-Mall of Asia at sinugod ng kanyang mga tagahanga ang nasabing lugar sa kabila ng napakabigat na traffic, patungo sa nasabing mall.
Naroroon din ang pamilya ni Richard to support him -- mula sa kanyang ama’t ina.  Alas sais ang imbitasyon for the said launch.  At mukhang si Ruffa lang ang hinintay para masimulan ang muli na namang pagpapasabog ng direktor ng mga Bench launch na si Robbie Carmona.
Galing pa raw sa dubbing ng kanyang pelikula kasi si Ruffa at sa tindi nga ng trapiko kaya naantala ito sa pagdalo sa launch ng pabango ng kanyang kapatid.
Tinitiyak ng Bench na isa na namang best-seller sa kanilang line ng mga pabango ang masusubukan ng mga mamimili.

* * *

AFTER ng Gutz and Glory launch, sugod na uli kami sa trapiko para naman umabot sa special screening ng “The Avengers” ng Marvel sa EDSA-Shang Cinema 2.
Proyekto naman ito ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes.
Ito ang nasimulan ng dating Marine reservist at isa nang matagumpay na aktor ngayon na si  Dingdong (Jose Sixto G. Dantes III in real life) na ang misyon nga is to make nation building a way of life by empowering the Filipino Volunteer Sector through the institution of permanent initiatives that engender collaboration and communication.
Nakakatuwa ang mga tao sa likod ng nasabing Foundation dahil kahit na nasa Malaysia si Dingdong that time, naasikaso nila to the fullest ang kanilang special screening.
Dahil napakaraming screenings na kasabay nito mismo sa lahat ng sinehan sa EDSA-Shang.
Maraming celebrities ang nagsidalo sa nasabing event.  At sa nasabing sinehan namin nakita ang mag-asawang Jolina Magdangal at Marc Escueta, si Angelu de Leon at ang gumulat pa sa aming mag-amang Jomari Yllana at Andre.
Sulit na sulit sa katuwaan ang pelikulang idinirihe ni Jhoss Whedon at pinagbibidahan nina Robert Downey, Jr., Chris Evans, Mark Ruffalo, Chris Hemsworth, Scarlett Johansson, Jeremy Renner, Tom Hiddleston, Clark Gregg, Gwyneth Paltrow, Samuel Jackson at marami pa.
Sulit na siya pero uulitin namin ito in 3D.
Ayon sa publicist ni Dingdong na si Rose Garcia, nasa Malaysia si Dingdong para i-promote ang “Endless Love” nila ni Marian Rivera. Na hindi naman nakasama dahil may presscon ito para sa bago niyang sitcom.
That day eh, um-attend ng presscon niya in Malaysia naman si Dingdong at nagulat nga raw ito sa tanong ng press doon dahil in na in sila sa mga uusisain dito.
Kaya naman hindi rin nakatanggi ang aktor nang i-request ng mga media roon na kumanta siya.  Kaya, humirit siya ng “Bakit Ngayon Ka Lang”.
Sumalang din ito sa interview sa number one woman talk show doon, sa “WHI” nina Fiza and Rina.
Meron ding meet and greet ang aktor sa Ipoh Perak (Carnival Jom Heboh) na nasa Northern state ng Malaysia na dalawang oras ang layo sa Kuala Lumpur.
Kahit ikalawang pagtungo na ito ni Dingdong sa nasabing bansa (una eh, nang i-promote nila ni Marian ang “Marimar”), marami rin daw bagong natuklasan ang aktor sa kanyang memorable trip na naman doon.
 Na-miss niya lang syempre ang kanyang lady love na siya rin niyang ipinaliwanag sa mga naghanap sa aktres sa kanya doon.
* * *
AT HABANG abala naman si Dingdong sa presscon niya in Malaysia, nasalang naman ang kanyang lady love sa pag-uusisa ng press sa kumalat na balitang diumano’y nagdadalantao ito.
Kaya, hirit ni Marian sa mga nakaharap na press na, “Hindi pa!”
Actually, si Dingdong pa nga raw ang nag-text sa kanya na may lumalabas na balitang buntis siya.  At ang sabi pa nga raw nito sa aktres eh, “How I wish!”
Nilinaw ito ni Marian by saying na ang kapatid ng aktor na si Trina ang buntis.
Bunga ito ng mga tweets kay Dingdong ng ilang malalapit na kaibigan.
Ang sabi nga lang daw ni Marian, hindi siya papasok sa isang bagay na hindi niya paninindigan.  Kaya kung magkatotoo raw ito eh, ibu-broadcast niya talaga.
Kaya, maghintay na lang daw tayo. At ang focus niya eh, nasa trabaho niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.