Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 20, 2012

Marian at Katrina nagkaayos na


Mula sa pahayagang Aksyon

RIGHT TIMING

By: nora v. calderon



INISIP na lamang ni Marian Rivera na pinaglilihihan nga siya ni Katrina Halili, nang makausap siya after ng guesting niya sa music video shoot ng “You Are My Everything,” ang carrier single ng debut album ng boy group na Down To Mars (DTM). 
Ayaw man ni Marian na palakihin pa ang issue, sinagot na rin niya ang mga tanong ng ilang showbiz press na nag-cover ng music video shoot ni Direk Treb Monteras
Isa sa tanong kay Marian, kung totoong pinagharap na sila ni Katrina pagkatapos ng balitang tinotoo raw ni Katrina ang pagsampal sa kanya sa isang eksena sa “My Beloved.”  At minsan naman, para hindi siya makausap ni Katrina, nagtatalukbong ito ng kumot sa set.
            “No, dapat po ngayon (Tuesday, April 17) pinapupunta ako ni Ms. Lilybeth (Rasonable) para mag-usap nga raw kami ni Katrina,” kuwento ni Marian.  “Pero sinabi ko na nakasagot na ako dito sa video shoot ng DTM. 
Hindi ko pwede tanggihan si Ate Geleen (Eugenio) na tinatanaw kong malaking utang na loob ang choreography niya ng “Sabay-Sabay Tayo” dance album ko for free, kaya for the love din itong paggi-guest ko sa music video ng DTM na ang babata pa pala kaya sabi ko sa kanila, Ate nila ako at hangad ko na maging successful ang music video nila. 
“Basta bukas (Wednesday, April 18), may taping kami ng “My Beloved” at promise ko kay Ms. Lilybeth na ako na muli ang unang lalapit kay Katrina.  Siguro po, ako na lamang ang iintindi sa kanya dahil mas malawak ang pag-iisip ko sa ngayon.  Alam ko rin mas mahirap ang pinagdaraanan niya ngayon, kahit hindi ko pa naman iyon nararanasan.”
            Biniro tuloy si Marian kung nakakaramdam ba siya ng antok dahil inaantok daw ang napaglilihihan?  “Ay, hindi ako pwedeng tablan, energetic kasi ako at halos lahat ng eksena ako ang nandoon,” natatawa na lamang sagot ni Marian.
            Bago umalis, nagpasalamat si Marian kina Geleen (dance director) at sa DTM boys na sina Sheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Jang, Kiro at Sky.  Nagpasalamat din siya kay Julius Tarog sa dalawang sexy outfit niya sa shoot, sa choreographer nilang si Ragan Cornelio at mga make-up artists na sina Nilo Cruz at Lola Bambino.
            Ang DTM naman ay thankful din sa suporta sa kanila ni Marian at iniimbita nila itong mag-join muli sa kanila sa formal launch ng kanilang debut album at ng music video sa “Party Pilipinas” sa May 27.
Sa May 22 ire-release ang album, distributed by PolyEast Records, kasabay ng pagsi-celebrate nila ng kanilang first anniversary sa showbiz.
            And the good news, nagkaayos na sina Marian at Katrina sa taping last Wednesday at wala na raw lamang banggitan sa nangyari.  Matagal-tagal pa rin kasi silang magsasama dahil kailangan talaga sa story si Katrina.
                                                            * * *

 BUKAS, April 22, last episode na ni Kiko Estrada sa “Reel Love Presents Tween Hearts.”  Last Sunday ay nakita nang namatay si Kevin (Kiko) pero ngayon ang confrontation ni Bambi (Barbie Forteza) kay Josh (Joshua Dionisio) na siyang nakakaalam ng tunay na kalagayan ni Kevin at sa kanyang mga parents (Sylvia Sanchez at Emilio Garcia). 
Bakit daw hindi ipinagtapat sa kanya na may sakit pala at may taning na ang buhay ng kaibigan at kinakapatid? 
Mabubuking na ba ng barkada na may relasyon na muli sina Heidi (Kylie Padilla) at Rick (Derrick Monasterio).
At ang pinakahihintay na halik na hinihingi ni Kris (Kristoffer Martin) sa girlfriend na si Aya (Joyce Ching), ibibigay na ba ni Aya? 
            Mapapanood ang “Tween Hearts” pagkatapos ng “Party Pilipinas” na may special celebration ng birthday ng Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid
Hudyat na ba ito nang pagbabalik ni Regine sa show, after giving birth to their son ni Ogie, si Nate?
                                                            *  *  *

 WALANG pakialam si John Lapus kung after daw naging bida siya sa “Moron 5 and The Crying Lady” ay support na naman siya nina Gabby Concepcion, Pokwang at Ruffa Gutierrez sa “The Mommy Returns” ng Regal Films. 
Hindi raw siya namimili ng projects, ang mahalaga sa kanya may work siya at naniniwala rin siyang darating muli ang project na siya naman ang bida. 
Happy siya sa role niya bilang Diosa ng Purga (purgatory) sa movie at siya ang tutulong kay Pokwang para makababa muli sa lupa at makasama nito ang mga naiwanang anak na ngayon ay may bago nang ina, si Ruffa. 
Kaya todo-todo raw na namang katatawanan ang ibibigay nila sa “The Mommy Returns” nang bumalik nga si Pokwang ay isa nang multo. 
Thankful din si Sweet dahil may bago siyang action-drama series sa GMA-7, ang “Makapiling Kang Muli” kasama sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Sarah Labhati, Phillip Salvador, sa direksyon ni Ricky Davao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.