Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Abril 22, 2012

Boy 2 madalas awayin at sumbatan si Rufa Mae


Mula sa pahayagang Aksyon
Chizbiz
Ni Erlinda Rapadas

 HINDI pabor ang mga partidos ni Rufa Mae Quinto at ilan niyang amigo-amigosa karelasyon nitong  si Boy 2 Quizon.  Hindi raw patas at napaka-unfair sa sexy comediane na siyang may pera at kabuhayan.
            Hindi na nga raw gumagastos sa kanilang mga lakad ang bf na comedy actor, napakaseloso at demanding pa.  Ito pa raw ang madalas mang-away at manumbat kay RMQ.
At pansin ng kanilang friends, sobra ang insecurity ng comedy actor.  Kapag hindi ito nagbago ay tiyak sa paghihiwalay din mauuwi ang kanilang relasyon!
Samantala may malaking pasabog raw na ihahayag ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto next month (May) na itataon niya sa kanyang birthday.  Kaya aabangan ng lahat kung ano ang "big news" na ito.
Posible kayang wedding announcement, paglipat sa ibang network o bagong negosasyon sa GMA-7 ang ipapahayag na ito ni Pi-Chi?
Willing to work naman si Rufa Mae lalo kung isang sitcom ang kanyang gagawin. Hindi lang siya kumportable sa showbiz talk show na kailangan niyang mag-interview ng celebrities na may intriga at hot issues.
Gusto na ring mag-fulltime sa pagpo-produce ng pelikula at TV Shows ni RMQ.  At Gusto rin niyang harapin ang ilang negosyo na dati niyang binalak noon.

                                                                                * * *

SA KASO ng gap nina Marian Rivera at Katrina Halili ay lalabas na namang kontrabida si Marian kapag pinatulan ang buntis na si Katrina.  Lalabas na under under dog si Kat.
At siguro, tulad ng kahilingan ng sexy actress "patayin na lang ang karakter niya sa “My Beloved” para iwas intriga, gulo at para hindi na lumaki pa ang isyu nila ni Marian.
 Afterall, dahil obvious na nga ang kanyang pagbubuntis t nag-gain siya ng weight, karamihan sa kuha sa kanyang mga eksena ay top shots na lamang.
Marami ang nag-a-advice na dapat na maayos na ang isyu at problemang kinasasangkutan ngayon nina Marian at Katrina.  Hindi to makakatulong sa teleseryeng “My Beloved” dahil magiging nega ang dating sa publiko.
Buntis si Katrina at hindi makabubuti sa kanya ang ma-stress, magalit, magtampo at magkimkim ng anumang sama ng loob.  Makakaapekto ito sa baby na ipinag-bubuntis niya ngayon.
Dapat ay laging masaya at positibo ang nagbubuntis.  Kung hindi... magiging masungit, iritable at iyakin ang magiging baby nila ni Kris Lawrence.
Natural sa isang babaeng naglilihi ang hindi maipaliwanag na mood swings na mahirap espelengin at sensitibo.  Kaya dapat pagpasensiyahan na lang ni Marian si Katrina!

* * *

WALANG big party, at hindi rin mag-a-abroad sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ngayong birthday ng Asia's Songbird.  
Pero, may inihanda namang selebrasyon ang “Party Pilipinas” ngayon at babati/makikisaya ang malalapit na tao at special friends nila ni Ogie sa kanyang kaarawan.
Para kay Regine, ang makasama lang ang kanyang anak na si Baby Nate at si Ogie ay sobra nang blessing na maituturing.
Wala na siyang puwedeng hilingin pa.  At kahit busy lagi si Ogie sa shooting at teyping, alam niyang para naman ito sa kanilang future.  
May playdate na ang pelikulang “Boy Pick Up” ni Ogie na joint venture ng GMA Films at Regal Films. Kaya naman obligado si Ogie na tapusin ang kanyang mga eksena sa nasabing pelikula.
Bale dalawang pelikula ang sabay niyang ginagawa ngayon, ang “Boy Pick Up” at “I Dobido Bidoe.” Nakaka-two shooting days pa lang siya sa “Boy Pick Up” na mula sa direksyon ni Dominic Zapata.
Si Solenn Huessaf ang kanyang leading lady sa movie.  At special guests sa movie ang bumubuo ng “Bubble Gang” barkada sa pangunguna ng BFF niyang si Michael V.
Sa June 6 na ang showing ng “Boy Pick Up” at tiyak, magse-set ito ng trend sa kabataan.
* * *
PERSONAL:   Congratulations sa first solo exhibit ng kaibigan naming visual artist na si Ronna Manansala, Apo ng National Artist na si Vicente Manasala.
Isa si Ronna Manansala sa certified visual artist sa Obra ni Nanay Gallery owned by TV host/movie columnist Cristy Fermin.
Dating backup dancer ni Ms Alma Moreno sa TV show niyang “Loveliness” noon si Ronna pero, namana niya ang husay sa pagpipinta ng kanyang Lolo Enteng Manansala.
Nakapag-exhibit na rin sa Europe si Ronna Manansala, kasama ang iba pang Pinoy Visual Artists. Pero, ang kanyang first solo exhibit entitled Pamana ni Lolo ay gagawin sa April 23 hanggang sa May 12 sa Heart Lobby.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.