Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Abril 19, 2012

Gabby pina-follow ni Jules na manliligaw ni KC


Mula sa pahayagang Aksyon

RIGHT TIMING

By: nora v. calderon


PINA-FOLLOW nga ako ni Jules Knight,” nakangiting kuwento ni Gabby Concepcion nang makausap sa presscon ng Mother’s Day presentation ng Regal Films sa May 9, ang “The Mommy Returns” sa direksyon ni Joel Lamangan.
            Sino si Jules Knight?  Ang member ng grupong Blakes na smitten sa anak niyang si KC Concepcion na may twitter account at gini-greet lagi ang mga Pinoy. 
Nagulat nga raw siya nang mag-tweet si Jules na “I’m following you now.”  Inamin ni Gabby na hindi pa niya nakakausap ang anak na nasa abroad noon at doon nag-celebrate ng birthday last April 7. 
Happy raw siya kay KC at masaya sa sinumang guy ang magpapasaya sa anak.
            Para kay Gabby, ang “The Mommy Returns” na raw ang pinakamasayang movie na nagawa niya.  Para raw lamang silang naglalaro nina Ruffa (Gutierrez), Pokwang at ang tatlong anak niya sa story, sina Jillian Ward, Gerald Pesigan at Kiray Celis sa set. 
Iba raw kasi kapag may kasamang mga bata tapos ay panay ang pakuwela ni Pokwang at biling-bili raw naman ni Ruffa ang mga patawa nila.
            Bakit ba “The Mommy Returns” ang title ng movie?
            “Love na love ko rito si Pokwang pero mamamatay ako dahil may cancer ako nang bigla siyang namatay sa aksidente.  Naghahanap ako ng babaing pag-iiwanan ko sa mga anak namin. 
            “During the wake, parang nakita ko ang isang babae na nakasakay sa kabayo, iyon pala palabas sa TV iyong “Pinakamagandang Hayop” ni Ruffa kaya siya ang hinanap ko para maging second mother ng mga anak ko. 
“Nalaman ko na wala pala akong sakit at pinakasalan ko si Ruffa.  Pero hindi makapayag si Pokwang na nasa purgatory na palitan siya ni Ruffa kaya tumakas siya sa Diosa ng Purga (John Lapus) at bumalik sa lupa pero ghost na lamang siya. 
“Dito papasok ang ilang nakakatawa at nakakatakot na eksena.  Pero hindi papayag si Ruffa na matalo siya ni Pokwang, may gagawin siyang maganda para sa mga anak namin at magugustuhan iyon ni Pokwang, kaya mananahimik na siya. 
“Ipinakita rito nina Pokwang at Ruffa bilang mga ina kung paano magmahal sa kanilang mga anak.”
            Viva artist si Gabby Concepcion kaya libre siyang lumabas sa tatlong network or any production company.  May sisimulan siyang teleserye sa ABS-CBN with Iza Calzado at Andi Eigenmann bago siya umuwi sa kanila sa San Francisco sa last week of June para sa pagsisilang ng wife niyang si Georgina sa July. 
Hindi pa pala alam ni Gabby kung ano ang gender ng magiging fifth child niya.  Okey daw lamang kung babae ulit ang isisilang ni Georgina para siya na raw lamang ang lalaki sa kanila. 
Kung lalaki raw ang isisilang ng wife niya, ibibigay raw niya rito ang dream name niya na “Gavin.”  Kung babae, biro niya baka raw ibigay niya ang dating name ng wife niya na Genevieve. 
Pinalitan daw kasi ng wife niya ang name nito na Genevieve to Georgina dahil iyon ang mas gusto nitong name.  Pero after two weeks, babalik na rin siya para sa taping ng kanyang teleserye.

                                                            * * *

BEFORE the presscon, nakausap na rin si Ruffa Gutierrez na katabi si Gloria Diaz at natanong siya kung wala ba silang ilangan after na nasangkot ang dating Miss Universe sa away ngayon ng mommy niyang si Annabelle Rama at Amalia Fuentes
Nagkaintindihan na raw ang mommy niya at si Gloria na ang kasalanan lamang nagawa kaya nadawit sa away ay dahil iniabot nito kay Amalia ang telepono para kausapin ang daddy niyang si Eddie Gutierrez at sinira-siraan dito ang kanyang mommy. 
Wala raw naman alam si Gloria na ganoon ang sasabihin ni Amalia kay Eddie.
            Kung sa movie ay ipagtatanggol at mamahalin ni Ruffa ang mga anak ng napangasawa niyang si Gabby Concepcion, sa tunay na buhay ay higit pa ang gagawin ni Ruffa para mapangalagaan ang pangalan ng kanyang mga anak laban sa mga taong gustong manira sa kanya at sa mga anak niya. 
Sabi nga niya, kaya niyang tanggapin ang mga sinasabi ng iba sa kanya, pero hindi niya papayagang sirain ng mga taong ito ang kanyang mga anak, ipaglalaban niya ito sa kahit anong paraan.
                                                            * * *
GUMUGULO na lalo ang mundo ng hindi magkakilalang magkapatid na sina Andrei (Dennis Trillo) at Roseanne (Roseanne Magan). 
Hindi natuloy ang kasal nina Andrei at Mik Mik (Glaiza de Castro) dahil sa isang taped conversation na sinadyang gawin nina Iris (Gwen Zamora) at D (Ryan Eigenmann) para sirain si Andrei. 
Nalungkot si Roseanne nang malaman niyang buntis na ang Nanay Remy (Angelika dela Cruz) kaya hindi na siya dinadalaw ng ina sa DSWD. 
Nakagawa na ng paraan sina Jo (Rich Asuncion) at Jerome (Yul Servo) para may maipakilalang ama ni Roseanne na nagpapanggap lamang, nang sa ganoon, mabawi na nila si Roseanne
Nawalan na ng pag-asa si Roseanne na mapupunta pa siya sa pangangalaga ng kanyang Nanay Remy at Tatay Eric (Neil Ryan Sese).


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.