Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Mayo 7, 2012

Sari-saring Bikini Open

 Bambang Bikini Open Part 1



                                
                               



 Bambang Bikini Open Part 2

                                                   
                            



Peulay bikini Open 2012


                                


                puelay bikini open 2012 male



                             

               Dagupan City Bangus Festival : Bikini Open 2012



                               



                 pres roxas capiz bikini 2


              

bikini open 2012 cavite 

              

          

            PADIS POINT MARIKINA BIKINI OPEN 2012 

 

              

Huwebes, Mayo 3, 2012

John Lloyd dawit sa hiwalayang Derek-Angelica


XKANDALO|
ROLDAN CASTRO


 MAKAHALUGAN ang tweet ni Derek Ramsay kay Angelica Panganiban habang matunog ang tsismis na merong pinagdadaanan ang relasyon nilang dalawa.
“Be strong @IamAngelicaP.  We all know who you are and that there is no truth to what's being said.  I'm here for you if ever you need anything.”
Puro tanong at walang konkretong kasagutan sa taping ng Cafe PMPC (magsisimulang mapapanood sa launching ng PMPC Website sa May 5) habang pinag-uusapan.
Karamihan ay hindi makapaniwala kung hiwalay na ba talaga ang dalawa dahil sa tagal na rin ng relasyon nila.
Pati pangalan ni John Lloyd Cruz ay nadadawit na sa isyu at iniintriga ang Vietnam shooting nila ni Angel.  Pero kung ibabase ito sa tweet ni Derek parang hindi naman siya naniniwala sa tsismis.
Nag-text kami sa manager ni Derek na si Joji Dingcong pero wala pang kasagutan.
Nataon pa na may movie si Angel with Piolo Pascual.
Kailangan talagang pag-usapan ngayon si Angelica dahil nga siya ang leading lady ni Piolo sa "Every Breath U Take” na showing sa May 12.
Puwedeng gimik din ito para pag-usapan  si Angel at dahil nga wala na si Derek sa ABS.
Anyway, naniniwala kami na tatayo ang pelikula nina Angelica at Papa P on it’s own merit.  It’s a romantic comedy kaya mag-e-enjoy ang mga manonood.  Sa trailer pa lang ng movie ay super kilig na ang chemistry na namamagitan  sa dalawa.
Karugtong pa ng tsismis yung pati raw si Shaina Magdayao ay nagwala at tuluyan ding nakipag-break kay John Lloyd.
True nga ba ito?


* * *


TULOY na tuloy na ang pagpunta ng “Wil Time Big Time” ni Willie Revillame sa Amerika.
            Na-interview kahapon sa US Embassy ang mga kasama at approve lahat.  Kaya tuloy na tuloy na ang tour nila sa May 26 sa Los Angeles at June 2 sa San Francisco.  Lahat ng staff at dancers daw niya ay kasama at maiiwan ang mga pasaway.
Talbog
* * *
MARAMING sikretong nabunyag sa Wonder Gays.  Dahil may malaking birthday concert si Lito de Guzman, sa Zirkoh Morato sa Mayo 10, 2012, ayun, muling pinaharap sa press people ni Madir Lito ang mga alaga niyang bading.
Natural, dahil sa maraming tanong ang mga reporters, naging makatotohanan ang sagot nila sa mga tanong tungkol sa kabaklaan nila.
Did you know, na kahit bading pala ang lahat ng member ng Wonder Gays, yung iba sa kanila ay may experiences na sa mga babae.
Yung isang member, si White, may anak pa, at si Blue naman ay umaming nakaapat na girlfriends na.  Lahat daw ng mga babaing ito ay tinikman niya.
Kaya pala kumukulog at kumikidlat kahit summer, hehehe.
Pero sa bandang huli, sinabi naman ni Blue na mas nasisiyahan pa rin siya sa mga lalaking nakatalik niya, kung ikukumpara sa mga babaing nagdaan sa kanyang mga kamay.
By the way, isang reporter ang nakapansin na talaga raw nag-evolve na ang mga bading ng Wonder gays.  Naging maganda na raw silang magbihis at nawala yung tsipipay image nila.
Oo nga pala, isang fundrasing show pala ang birthday ni Madir kaya ang proceeds ng concert ay ibibigay nang buo sa My Father’s Orpanhage, ang paboritong charity organization ni Madir. 
Anyway, puno at star-studded ang show na ito dahil tatampukan ito ng mga kaibigan ni Mother Lito,  gaya nina Troy Montero, Patrick Garcia, Kris Lawrence, Rowell Quizon, Valerie Concepcion, Stef Prescot , Denise Laurel at Glaiza De Castro.
Bukod sa kanila, lahat ng mga alaga ni Madir ay joined din gaya ni Blanktape, Raia Quiroz, Paolo Rivero, Kiko Pacquiao at ang Baywalk Bodies.
Buong-puso ring nagpasasalamat si Lito de Guzman sa kanyang mga sponsors na sina Mommy Tess Palado, Annabelle Ledesma, Rolly Estrella Pawnshop, Rep. Guillermo Romarate, Jr. ng 2nd District ng Surigao Del Norte, Dr. Raul Guanzon, QC Councilors Raquel Malangen and Ranulfo Rannie Ludovica, Ms. Juvy Parungao, Ms, Jenny Pangilinan at Ms. Gelai Hernandez.
For ticket reservation and inquiries, tumawag po lamang LDG Talent Management Services sa tel. nos. 4411276/41367912.  Hanapin lang po si Icon Cabalejo.

Lloydie at Shaina split na?


SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR





NAKATSIKAHAN  namin sa presscon ng “Aryana” ang leading man ni Ella Cruz sa serye na si Paul Salas na unti-unti nang sumisikat ngayon at mukhang magiging another matinee idol in the future.
        Ang gusto raw niyang sundan ang yapak at idol daw niya ay si Dingdong Dantes na tito niya in real life.  Pinsan ng nanay niya ang aktor kaya kung mapapansin n’yo ay kahawig din niya ito.
        “Kasi noon pa, sinasabi niya sa akin na “nakikita ko, may future ka, huwag maging mayabang, ganyan.”  Tapos sabi niya, andito lang ako as tito mo, ganyan.”
        Maraming pangarap si Paul kaya gustung-gusto raw niya talagang magtagumpay sa kanyang karerang pinasok.  Dream niyang makabili ng Porsche kapag malaki na ang kanyang kinikita.
        Paul is only 14 kaya kung magtutuluy-tuloy ang maganda niyang career ay hindi malayong mabili niya ang dream car in no time at all.
        Dahil partner niya si Ella sa Aryana, ngayon pa lang ay marami na ang tumutukso sa kanila lalo pa nga’t araw-araw silang magkakasama at hindi malayong ma-develop sa isa’t isa.
        Pero say ni Paul ay mga bata pa raw sila, si Ella ay 15 lang daw at wala pa raw sa isip nito ang pakikipag-boyfriend at ganu’n din naman daw siya.
        “Friends lang po kami ni Ella, simula pa nung bata kami, magkaibigan na kami,’ nakangiting sabi ni 
 Paul. 
                                                                             * * *

 INAMIN daw ni Derek Ramsay sa ilang entertainment press na nag-interview sa kanya last Sunday pagkatapos siyang koronahan bilang Box-Office King sa “43rd Box-Office Entertainment Awards” ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc na may problema sila ng girlfriend na si Angelica Panganiban.
        Ayon sa aktor ay may pinagdadaanan sila ni Angelica at inaayos nila ito ngayon.
        Kasabay naman nito ang tsismis na nagkakamabutihan daw sina Angelica at John Lloyd Cruz na kasalukuyang nasa Vietnam ngayon at nagsu-shooting ng movie.
        Kasabay pa rin nito ang balitang split na rin daw sina Loydie at Shaina Magdayao.
        Wala pang pahayag sina Angel, Shaina at Loydie sa issue and for sure,sa pag-amin ni Derek na may problema nga sila ng girlfriend, mas lalong lalaki ang intriga.

 * * *
KASAMA rin sa “Aryana” si Pokwang at ginagampanan niya ang role na ina ng sirenang si Ella Cruz.  Ayon sa komedyana, sobrang nakaka-relate siya sa kanyang papel dahil in real life ay naranasan din niya ang mawala sa kanyang anak.
“Sobrang lapit sa akin ng role, isang nanay na nawalay sa kanyang anak.  May mga linyang pag binabasa ko pa lang, nadudurog na ako,” she said.
            May eksena nga raw siya rito na muntik na niyang hindi kayanin dahil sa sobrang sakit.
    “’Yung hindi kami kinikilala ni Tonton (Gutierrez na gumaganap na kanyang asawa), kung baga, umiiwas na si Tonton sa akin, hindi niya kinikilalang anak namin si Aryana, ayaw niyang maniwalang anak namin.
“’Yung sa akin kasi, di ba, ‘yung mga anak ko, parang abandoned child (sic) din, so, ang sakit naman ng ganito, di ba?” pahayag pa ni Pokwang.
Natanong din si Pokey kung bakit blooming siya ngayon at say niya, “Sa make-up.”
            Wala bang love life?
“Wala,” sagot niya. “Pero masaya naman ako sa buhay ko.  Eh kasi, lagi lang naman ako sa bahay.  Pag walang trabaho, sa bahay lang ako kaya paano ako makakakilala ng Papa?”
Hindi naman daw siya nalulungkot kahit wala siyang Papa dahil may anak naman daw siyang nagmamahal sa kanya.  Okay lang daw sa kanya kung nakatalaga siyang maging single forever.
            Samantala, sa May 7 na magsisimula ang “Aryana” sa primetime slot ng ABS-CBN.





Derek at Angelica hiwalay na


WHAT’S THE POINT?
Ni Pilar Mateo     

HINDI nga gaanong nausisa kay Derek Ramsay ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban noong interbyuhin siya ng ilang press sa mga bago niyang proyektong gagawin sa TV5.
            Kami pa nga ang nagbanggit sa kanya na that night, may press conference naman ito para sa “Every Breath U Take” nila ni Piolo Pascual para sa Star Cinema.  ‘Di naman namin nahalatang ‘di pa ‘ata nagkakausap ang dalawa that day.
            Abala rin naman kasi si Derek sa ilang interviews niya on cam that day-‘yung isa para sa interview sa kanya ni Lourd de Veyra for “Wasak.” Na hinintay pa naming matapos kaya nasaksihan namin ang tilian ng mga girls na naghintay din kay Derek para magpa-picture dahil nagpakita ito ng abs niya du’n sa nasabing interview.
            Kung bakit naman, inisip ko lang na biro lang ‘yung sinabi ni Derek na “Ikumusta mo ako kay Angel!” nung paalis na kami du’n sa Annabel’s.  
Na siya namang sinabi ko kay Angel after ng presscon nila ni Piolo.  Na kumusta raw sabi ni Derek nung palabas na ito ng Dolcelatte.
Smile lang ang Angelica.  Sabi ko sa kanya nakita ko that afternoon ang Papa niya.
            Hindi ko na-gets agad, ha?  May something na palang nagaganap.

Dahil may lumabas na item na linking na Angelica to John Lloyd Cruz na nagsama sa Vietnam para magtrabaho.  Nilagyan ng kulay ang komento ni John Lloyd na they found so many things in common ng dalaga.
            Nang mag-taping ang dalawa sa Vietnam, that was the time naman pala na nasa Australia si Derek para um-attend sa birthday ng isang kaibigan kung saan din niya nakalaro ng golf si Zac Ephron.
            Kaya nang tanggapin na ni Derek ang kanyang Box-Office King title sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards at ‘yun na ang tanungin sa kanya ng press, nakiusap na lang ang aktor na kung pwede eh, bigyan naman siya ng moment na ma-enjoy ang kanyang panalo.
            Sa isang banda, naamin nito na meron nga silang pinagdadaanan ng kanyang nobya.  Pero, hindi naman daw siya maniniwalang ito ang klase ng babaeng maglalaro.
Kung saka-sakali naman daw na dumating ang pagkakataon at ang inaasahan ng marami ang mangyari, na magkalayo sila eh, hindi naman daw niya bibitawan ang pagiging magkaibigan nila nito.
            Nasa cool-off stage nga ang kanilang inalagaan at iningatang anim na taong relasyon.
            Let’s just wish na maging maayos ang pagsali ni Derek sa Frisbee competition niya in Boracay.  Dahil pagdating pa lang daw niya roon eh, hindi na tumigil ang mga text messages sa kanya at ang sinasabing break up nga nila ang inaalam.
            Kasi nga, sa presscon naman nina Angelica at Piolo, panay na kilikili ni Piolo ang namutawi sa labi ng dalaga.
            Nakakapanghinayang naman!  Na isa na naming couple ang naghiwalay.  At magiging dalawa pa kung affected nga uli sina Lloydie at Shaina Magdayao.

Kung nag-a-agree sina Derek at Angelica na sa ibang pagkakataon na mag-usap-makakatulong din sa isang banda sa mga kanya-kanya nilang hinaharap na trabaho sa ngayon.
            Hindi naman siguro itatapon ang six years sa walang kuwentang dahilan, na sinabi nga ni Derek na hindi third party!



Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.