Mga Kabuuang Pageview

Martes, Mayo 1, 2012

Marian dedma sa pagsasama nina Dingdong at Angel


XKANDALO
Ni ROLDAN CASTRO

NO COMMENT si Marian Rivera sa napipintong proyekto na pagsasamahan nina Angel Locsin at Dingdong Dantes.  
Hindi naman daw siya kasali dun at dapat lang daw pag-usapan ay  ang bago niyang sitcom sa GMA 7 na “Tweets For My Sweet”  na kung saan ay kasama sina Roderick Paulate, Sheena Halili, Chef Boy Logro, Elmo Magalona,Barbie Forteza, Mikey Bustos at Ms. Nova Villa.  Ito’y sa direksyon ni Uro dela Cruz.
Hindi kaya siya magselos kay Angel?
“Ako na naman,” sey lang niya.
Balitang si Angelica Panganiban ang makakasama nina Dong at Angel sa direction ni Ruel Bayani.
Ang challenge ngayon ay kung maulit ang box-office success ng pelikulang “No Other Woman” nina Derek Ramsay, Anne Curtis at Cristine Reyes sa bagong ididirek ni Ruel Bayani?
Balita kasing ambisyoso ang proyektong ito na maulit ang kinita ng “No Other Woman”  kina Angel, Dingdong at Angelica.
Talbog!
* * *

NAOSPITAL pala ang bida ng “Bi-ag ni Lam-ang”  na si Rocco Nacino na kinunan sa Ilocos..
Namaga  raw ang kanyang mukha at nagkaroon siya ng mga pantal sa katawan matapos kumain ng tahong at  itlog ng malaking langgam.
Pero ayon sa line producer na  si Dennis Evangelista ay okey na ngayon ang aktor at puwede nang kunan dahil nag-subside  na ang pamamaga.
"Well, my face is swollen.  Pero doctor says I‘ll be fine basta ituloy ko yung gamot na ininom ko.  Eto puro pantal ang katawan.  Namamaga ang leeg at mukha," sey ni Rocco sa isang  panayam.
Last day nila kahapon para sa first leg shooting ng “Bi-ag ni Lam-ang” at  ngayong after lunch ang uwi nila.
            Si Rocco ang hinuhulaang magiging malaking artista ng Kapuso network basta’t mabuild-up lang siya nang husto at di mapabayaan.
Ang ganda ng takbo ng career niya ngayon, leading man sa teleserye, may title role  na pelikula na ginagawa at humahakot ngayon ng awards bilang baguhan.
Anyway,  isa si Rocco sa mapapanood  sa May 5 sa fundraising show ng PMPC  sa Zirkoh, Morato  9 pm  para sa medical assistance program na  pinamagatang “All For  The Love of Juan” na kung saan ay tampok din sina Jose Manalo , Wally Bayola, Toni Gonzaga, Albie Casino at Steven Silva.
Maghahandog din ng awitin sina Michael Pangilinan, DK Valdez, The Frontmen at Divalet.
Si Gov. ER Ejercito ang major sponsor ng show na ito at siya rin ang mangunguna sa launching ng PMPC Website sa Zirkoh.
Bongga!
* * *

GOOD karma ang Tween Star na si Ken Chan kahit kung anu-ano ang paratang sa kanya  nu'ng maghiwalay sila ng kanyang manager.  Hindi siya nawawalan ng project.  Super enjoy siya  sa serye nilang “Biritera” ng GMA 7.
“Tuwing nagti-taping kami ng ‘Biritera,’ pine-preview namin, nakaka-satisfy po,e.  Hindi nararamdaman ‘yung pagod at puyat pag nakikita mo ‘yung magagandang eksena lalo na’t kasama namin si Direk Maryo (J. Delos Reyes) na napakagaling na director,” sey  niya.
Nasigawan na ba siya ni Direk Maryo?
“Hindi lang po ako..kaming lahat.  Pag nasisigawan ka ni Direk Maryo, matututo ka,e!
Feeling ko po, pag nasigawan ka ni Direk, gumagaling ka bilang artista.
“Hindi  ‘yun dahilan para magtampo sa kanya o magalit sa kanya o isumpa ko siya...natututo po ako,” aniya.
Isang taon na si Ken sa  showbiz nu’ng March at kuntento siya sa nangyayari sa karera niya.
“Napakaganda ng unang taon ko.  Nagpapasalamat talaga ako dahil hindi ako pinapabayaan ng GMA at mga taong tumutulong sa akin sa industriya.  Sunud-sunod po kasi ‘yung projects ko kaya sana po sa mga susunod na taon ay ganoon  din,” aniya.
Kasama rin siya sa youth-oriented show ng GMA na “Tween Hearts.” Aminado siya na si Yassi Pressman ang pumukaw ng atensyon niya at crush niya sa naturang show.
“At saka si Barbie Forteza po.  Silang dalawa talaga.  Nu’ng una po tinutuksu-tukso kaming dalawa ni Yassi hanggang kami na po ang ginawang partner.
“Okey naman ‘yung samahan namin bilang loveteam.  Bago pa po ako pumasok sa showbiz, nakasama ko na si Yassi sa isang commercial.  
“Naging partner ko rin siya dun kaya hindi na kami nahirapan nu’ng i-partner po kami sa ‘Tweenhearts.’”
Puwede ba siyang makigulo kina Barbie at Joshua Dionisio?
"A, okey naman po kami,e!  'Yung  mga crush -crush na po 'yan ay tine-take namin bilang ...hindi 'yung nai-in love ka kundi hinahangaan mo talaga pagdating sa pag-arte, pisikal  at nagiging inspirasyon lalo na kung kaeksena ko sila," tugon pa niya.
Kasama rin si Ken sa Teenstars ng “Walang Tulugan,” “Party Pilipinas” at sa pelikula nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na “Just One Summer.” http://co122w.col122.mail.live.com/mail/clear.gif

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.