Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Mayo 3, 2012

Grace hiniwalayan ni PNoy dahil may sex video raw


My E-net
By Gas Gayondato





MAY kumakalat sa text na kaya raw nag-break sina PNoy at Grace Lee ay dahil may sex video
raw na lumabas ang huli sa isang website na di ko na babanggitin coz di ko pa naman din
napupuntahan para i-check kung true nga ang tsism.
            Pero knowing this particular internet site na naglalabas ng mga ganyang mga sex videos,
malamang sa hindi ay kamukha lang ni Grace Lee ang babae since it’s an Asian site.
            Kung mahilig kayong manood ng mga Korean at Taiwanese dramas, mapapansin ninyo
na ang daming Korean at Chinese actresses na may mga ka-look-alike na Pinay stars.
            Maraming kamukha si Kris Aquino, si Kim Chiu at marami pang iba.  Kaya hindi na
ako magtataka na yung sinasabing si Grace Lee raw sa sex video ay kamukha lang pala ng bruha.
            Pero teka muna, sabi sa balita break na raw sina PNoy at Grace.
            Ang tanong, nagging sila ba talaga?  Well…

* * *


 Miriam ang dapat sa iyo ay ibitin nang patiwarik at ipako sa krus







DAPAT lang kastiguhin ng LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) Community si
Miriam Quiambao sa tweet niyang “Homosexualtiy is not a sin but it is a lie from the devil.  Do
not be deceived.  God loves gays and wants them to know the truth.”
            Naturingan pa namang beauty queen, e, hindi naghihinay-hinay sa kanyang mga sinasabi.   
Unang-una, hindi talaga kasalanan ang pagiging miyembro ng third sex.  Pangalawa, hindi
kasinungalingan mula sa diyablo o demonyo ang pagiging bakla o tomboy.
            Ewan ko ba naman kay Miriam kung saan niya pinagpupulot ang mga ganitong walang
kakuwenta-kuwentang ewan, tapos ang lakas pa ng loob na i-tweet sa buong mundo.
            O loko, di nakatikim ang bruha ng panlalait sa LGBT.
            Ano ba ang truth na pinagsasabi ni Miriam, e, yun na nga ang katotohanan – na ang mga
bakla at tomboy ay tulad din ng mga straight o heterosexuals na anak din ng Diyos.
            So, what is she trying to prove?  Na ang mga miyembro ng LGTB ay hindi totoong nag-
e-exist dahil isa lang silang kasinungalingan mula sa diyablo?
            Uber ka ha, Miriam!
            Ang dapat sa iyo ay ibitin nang patiwarik at ipako sa krus, hmp!

* * *

TULAD ng naunang “PBB” na si Slater Young ang tinanghal na big winner, ay naadik na
naman ako sa panonood ng “PBB Teen Edition.”
            Kung sa naunang “PBB” ay si Papa Slater ang bet ko, this time ay feel na feel ko ang
masunuring son ng Tarlac na si Yves Flores.
            Korek!  Feel ko ang kasimplehan at kaguwapuhan ni Yves.   Hindi ko masyadong type
si Keith Thompson, although let’s face it malakas talaga ang arrive ng bruho kahit na sobrang
kulit at playful lalo na sa mga girls.
            Kilig na kilig ako nung magtapat si Yves ng nararamdaman niya para kay Myrtle
Sarrosa pero di pa man ay binasted na siya nito.
            Pero consistent pa rin si Yves sa pagpapa-cute kay Myrtle.  Pero consistent din ang bruha
sa pagsasabing ayaw niya munang magka-boyfriend sa loob ng bahay ni Kuya.      
            Ang totoo ay si Ryan Boyce ang crush ni Myrtle, kaso mas napapalapit siya kay Kit.
            Ewan kung sinasadya ni Kit na maging close kay Myrtle para pagselosin si Karen Reyes
na sa umpisa pa lang ay pinormahan na niya.
            Excited ako kung ano ang magiging ending ng mga housemates sa bahay ni Kuya. 
Magtagumpay kaya si Yves sa panunuyo niya kay Myrtle? 
            Sina Kit at Karen kaya ang magkatuluyan in the end?
            Let’s wait and see na lang.  Basta ako, Yves forever kahit sino pa ang magustuhan niya sa
loob ng bahay ni Kuya, whew!

           
           
           


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.