Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Pebrero 6, 2012

Kris ia-adopt sina Josh at Bimby


Mula sa pahayagang Aksyon
Showbitz & Pieces
Ni Vinia Vivar


Si Tetay at ang kanyang mga ampon, choz!
IT’S surprising to know na kailangan pa palang i-adopt ni Kris Aquino ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Baby James para maging legal ang pagiging ina niya sa mga ito.

Ito ang ini-reveal ni Kris sa kanyang taped interview sa “The Buzz” last Sunday.
“There are legal steps that I must take to protect both Josh and Bimby.  Ang next step kasi rito, I need to adopt my children,” Kris stated.
Si Joshua ay anak ni Kris kay Phillip Salvador and as we all know ay hindi sila kasal.  Si Bimby (Baby James) naman ay anak niya sa dating asawang si James Yap pero dahil nga sa annulled na ang kasal nila, this makes her youngest child illegitimate.
"So, kailangan for me to legitimize my own children, kahit na biologically niluwal ko sila.  Parang lesson in law talaga itong nangyari sa akin.  I need to adopt them para no question of inheritance later on,” pahayag ni Kris.
            Pero kahit annulled na raw sila ni James, ini-request daw 
niya sa dating asawa na Yap pa rin ang gagamiting apelyido ni 
Bimby.
"I am requesting that legally, baby James will be using Aquino Yap.  Pinakiusap ko kay James yun at sinabi niya, wala namang problema,” Kris said.
Siya naman daw, ang legal name niya ngayon ay Kristina Bernadette Cojuangco Aquino.
Ang isa pang revelation ni Kris, at this point in time, natanggal na raw talaga ‘yung desire niya to be in a relationship.
"Totoo.  Ito yung from somebody na for the past 20 years, sinubaybayan n'yo ang makulay na buhay pag-ibig.
"Alam n'yo, Boy (Abunda), kung tatanungin mo ako at this particular moment talaga, na I am grateful for the chance to be single and to have the chance to love again.  But if you're going to ask if I want to love again, not really.”
 Okay na raw siya ngayon on her own at hindi raw siya natatakot na tumanda nang nag-iisa.
Sa bandang huli ay napakaganda ng mensaheng iniwan ni Kris para sa best friend niyang si Kuya Boy.
"The big truth, as far as I'm concerned, you know who your friend is kapag nandiyan with you through the ups and down.  Well, you're the additional brother that God gave to me and yun ang the big truth.
"Na kung naging lalaki ka lang talaga in every sense of the word, sana tayo na lang dalawa ang nagkatuluyan.  At least magkasundo talaga tayo,” say ni Kris sa kanyang best friend/manager/confidante.
        Another thing na napag-usapan ay ang financial support ni 

James kay Bimby.  Ayon kay Kris ay hindi raw niya inoobliga ang 

dating asawa na magbigay.
“I've waived all right to ask for fraternal support kasi sinabi ko na kumikita ako, and it would be voluntary on James's part if he would want to share.  Pero hindi ko siya inoobliga."

* * *

Erich at Enchong umaatikabo ang bed scenes


Panggulat ang maiinit na eksen
PANGGULAT ang sunud-sunodna maiinit na eksena kamakailan ng mga karakter nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa top-rating "Maria la del Barrio."
Mula sa mga malalagkit na tinginan at mapanuksong 

pagkikita, kapwa hindi na 

nagawang pigilan pa nina Maria (Erich) at Luis (Enchong) ang labis na pagmamahal para sa isa't isa kung kaya't matapos ang mahabang taon na pagkakawalay muling may nangyari sa kanila.
Umaatikabo talagang bed scenes ang napanood mula sa dalawang bida last week na for sure ay labis na ikinatuwa ng followers ng serye.
Tuluyan na nga bang magkakabalikan sina Maria at Luis? O kapwa rin sila babalik sa piling nina Vladimir (Aaron Villaflor) at Sabrina (Jewel Mische)?
Huwag palampasin ang mas mga umiinit na tagpo sa “Maria la del Barrio,” bago mag-“TV Patrol,” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.



   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.