Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Pebrero 23, 2012

Richard kinasuhan ni Nadia



Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  


 NAGDAGDAG naman pala ng kaso niya si Nadia Montenegro laban sa anak ni Anabelle Ramang si Richard Gutierrez!
May kinalaman naman daw ito sa mga text messages ni Richard kay Nadia na pawang pangha-harrass ang nilalaman.
Nagkaroon ngang muli ng hearing ang dalawa at wala pa ngang linaw kung saan na ba aabot ang kanilang pagbabangayan, lalo pa’t nadadagdagan lang ang mga kasong ikinukulapol nila sa isa’t isa.
Kaya, let nature take its course.
Wala na ngang makakapigil sa gusto nilang dalawa.

* * *
 Aiko na-dismiss na ang kasong libel

 MUKHANG nagsusunud-sunod naman ang dating ng blessings sa buhay ng aktres na si Aiko Melendez.  Na-dismiss na ang kasong libel laban sa kanya ng dati niyang partner na si Patrick Meneses.
“Actually, noong November pa pala ito na-dimiss.  Pero ngayon lang kami ipinatawag ng DOJ (Department of Justice).  Pati ‘yung kay Ogie (Diaz), dismissed din.  
“Kaya, binasa sa amin ‘yung decision ng Malolos court na case dismissed.  No probable cause. God is so good!”
Ash Wednesday nang tumungo sa DOJ si Aiko kasama si Ogie.  Hindi naman daw niya nakita roon si Patrick.
Kasunod din ito ng pagpapa-bless niya ng kanyang bagong ‘bahay’ (a condo unit) kung saan nagsama-sama sila ng kanyang pamilya.  At ngayon eh, nagsimula na ang bagong soap na sinalangan niya sa TV5, ang “Nandito Ako”.
“I have always wanted to end things peacefully ‘coz I believe in the word diplomacy.  Syempre, masaya ako.  Sobrang gaan ng pakiramdam. Kasi nga, abala talaga sa oras ang mga hearing. Kaya masaya na ako nang bonggang-bongga! Kaya, ang masasabi ko lang, thank you, Lord for another victory!”

* * *


TOMORROW evening, Saturday, February 25, tunghayan ang isa na namang madramang tagpo sa “MMK (Maalaala Mo Kaya) kung saan ang ipi-feature ay si Vina Morales in the role of a nun.
Isang guro ang karakter ni Vina na sa kabila ng pagtutol ng pamilya eh, naisipan ang pasukin ang kumbento. Pero lumabas din siya at dito niya nakilala ang lalakeng nagpatibok ng kanyang puso.
Nagpatuloy siya sa pagtuturo.  Pero, dito rin niya natagpuan ang isang dagok sa buhay niyang hindi niya alam kung makakayanan niya.
Mula sa direksyon ni Raz dela Torre, research ni Alex Martin at script ni Joan Habana, makakasama ni Vina sa nasabing episode sina Mikylla Ramirez, Sharlene San Pedro, Menggie Cobarrubias, Tess Antonio, Almira Muhlach, Eda Nolan, Khaycee Aboloc, Patrick Sugui, Johan Santos, Mark Gil, Ms. Boots Anson Roa and Ms. Gina Pareno.
Tutok na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.