Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Pebrero 8, 2012

Shalani iniyakan ang pagkakatsugi sa show ni Willie


Mula sa pahayagang Aksyon

XKANDALO
ROLDAN CASTRO

 BABU na talaga si  Shalani Soledad bilang co-host ng  “Wil Time, Big time.”
Kinausap daw ng Executive Producer na si Jay Montelibano si Coun. Shalani at ipinaliwanag  ang mga dahilan kung bakit hindi na siya makakabalik sa numero unong game show sa primetime.
Iniyakan daw ni Shalani ang balitang hindi na nga siya magiging bahagi ng show ni Willie Revillame.
Isa sa dahilan na sinasabi ay hindi na nila mapapakilig ang mga fans ni Willie at hindi na siya mabibiro dahil may asawa na siya.
Bukod dito, magiging abala na rin si Shalani sa nalalapit na pangangampanya sa darating na eleksyon.
At least, magkakaroon   ngayon ng maraming oras si Shalani para makabuo sila ng pamilya ni Rep. Roman Romulo
* * *

Aiko posibleng balikan si Jom

 LOCAL elections next year, kaya tinanong si Aiko Melendez kung may plano ba siya na tumakbong muli sa pulitika?
Dating konsehal si Aiko sa District 2 ng Quezon City.
“Hindi ko pa alam.  Kasi I’m waiting for a sign.  Sabi ko nga kung this year ibibigay sa akin yung sign na yun then dun ko malalaman kung tatakbo ako o hindi,” pahayag ni Aiko.
Ayon pa sa kanya…
“Pero hindi ko sinasarado yung possibility na tumakbo ako kung kakailanganin naman ng QC pa, why not?”
Ano ang sign na hinihintay niya?
“Hinihintay ko na yung sign na meron akong gawin na kontrata, iyong big contract na hinihintay ko for this year.  Pag nangyari yun then definitely magpo-focus ako sa showbiz more.”
Kontrata ng?
“Baka maudlot, e, basta network and pelikula.”
Kapag raw natuloy ang naturang kontrata ay magko-concentrate sa pag-aartista si Aiko.
Kapag hindi natuloy, baka tumakbo siya…
“Kumbaga may possibility kasi dun sa ano, part ng kontrata na hinihintay ko kasi is I cannot run, e.
“So pagka ano, natuloy talaga yun… and hina-haggle ko naman na sana puwede kong pagsabayin di ba?  Kaya ko naman, I mean I did it for nine years.  Kung mapakiusapan tatakbo talaga ako.”
Ganun niya kamahal ang Quezon City.
“Sobra!  Kasi nine years akong nasa pulitika and kahit ngayon na wala na ako sa politics ang dami pa ring humihingi ng tulong, hanggang ngayon, as in !
“Tumatawag yung mga kapitan ko dati na mga natulungan, siyempre kumbaga ang public service, once na nandiyan ka, forever nandiyan ka na, e.”
Hindi ba niya hinangad na mas mataas na puwesto ang takbuhin? Tulad ng pagiging senador?
“Ay, hindi pa ako ready sa ganun!  Hindi ko pa kaya ang ganun. “Kasi ngayon pa lang nga na I’m going back to showbusines, yung time ko sobrang hindi ko na maayus-ayos.
“Pag kasi mas mataas na posisyon mas ang demands and responsibilities mo, mas lumalaki so baka hindi ko kakayanin yun.”
Ang manager ngayon ni Aiko ay si Tito Boy Abunda.
“Backroom ako, magpa-five years na.”
What if sabihin ni Tito Boy na ie-exclusive na si Aiko sa ABS-CBN?
“Kung maganda naman ang offer ng Channel 2 and magkaka- compromise kami sa mga lahat ng hinihingi ko, then why not?”
Nasa ABS na rin si Carmina Villarroel
“Yeah oo, si Ruffa naman na, nandito sa TV5.  Sana nga e magkatraba-trabaho kami.”
Magkaka-batch sina Aiko, Ruffa at Carmina noon na nakilala bilang Underage Girls at mga Regal Babies.
At hanggang ngayon ay may communication silang tatlo.
“Oo naman.  In fact si Ruffa before she left for Brazil magka-BBM kami.  And then nung mga times na yun nga, yung nagkaroon  ako ng court case… you know I’m  really blessed na kahit na matagal kaming hindi nagkita, nagkita kami nung time na yun, we had dinner, nagkuwentuhan, she assured me na andiyan pa rin yung friendship.
“And now that you know, her family, si Tita Annabelle (Rama) is going through a controversy ngayon, pinagdadasal ko sila.”
Thirteen years old na ang anak nina Aiko at dating karelasyon niya na si Jomari Yllana na si Andrei.  Nag-model nga ito for a Bench fashion show for kids.  Hanggang pagmomodelo lang ba niya papayagan si Andrei?
“Actually there was an offer from Channel 5 na parang gagawa ng kiddie show.
“Sabi ko kanya, ‘Do you want to do it?’ Sabi niya ‘Yeah, I can try doing it.’ So hopefully kung maayos yung ano na ‘yan, baka.”
Si Tito Boy rin ang manager ni Andrei.
Si Marthina naman ay five years old na, na anak naman nina Aiko at dating asawang si Martin Jickain.
Mag-aartista rin ba si Marthina?
“E bawal sa school e,  Poveda kasi siya so bawal ang mag-artista.”
Paano kung gusto rin ni Marthina?
“Siguro puwede pero ano, studies talaga ang priority dapat.”
With Andrei, meron silang constant communication ni Jomari.
“Oo!  In fact si Jomari visited us here sa set (ng Nandito Ako). Dinalaw niya ako tapos si Gelli (de Belen), si G (Toengi), nakita din niya, kasi di ba mga naka-work rin ni Jom.
“Okay kami ni Jom.  Everything naman is…. ang usapan namin lagi, if it concerns Andrei, he’ll always be part of it.
Loveless rin si Jomari, at loveless rin si Aiko.  Pareho silang loveless, hindi kaya may posibilidad na magkabalikan rin sila eventually?  Na love is sweeter the second time around?
“Could be kaya lang ano siguro, mas kailangan pa namin ng a little connection. Na talagang pag-uusapan namin and eventually siguro pag mas nagkaedad pa kaming pareho, that’s the time siguro na baka puwede naming mai-consider.
“Nothing is impossible naman, di ba,” pagtatapos na pahayag ni Aiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.