Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Nora malinaw nang magsalita


Mula sa pahayagang Aksyon

My E-net
By Gas Gayondato



Nora:  May 'Plug and Play' device sa lalamunan?



GOT good news for the avid fans of Superstar Nora Aunor.   
Maganda na raw ang boses ng bruha ayon sa anak nitong si Matet de Leon sa interview ni Kaibigang Rommel Gonzales of PEP.
            Actually, hindi pa raw nakakausap ni Matet ang  mother dear niya, yung yaya lang daw nito ang nakakausap niya. 
            Sa totoo lang, hindi naman daw inoperahan ang mommy niya.   May ipinasok lang daw na parang camera or something sa lalamunan nitey.
            Ayun, after that ay gumanda na raw agad ang boses ni Nora, as in malinaw na raw itong magsalita, tila excited na kuwento raw kay Matet ng yaya ng bruha (Nora) nang makatsikahan niya itey over the phone.
            Ang hindi lang malinaw ay kung pati singing voice ni Ate Guy ay maganda na rin o bumalik na sa dati ang precious golden voice nitey.
            So hindi pa tayo nakasisiguro, kaya huwag munang masyadong ma-excite ang mga fans ng bruha para hindi rin kayo masyadong ma-disappoint if ever hindi umepekto sa singing voice ng inyong idolo kung anuman yung gadget na ipinasok ng duktor sa lalamunan nitey.
            Hindi naman sa nagpapakanega akey.   
            It’s just a reminder.
            Pero, pero, pero, baklang paruparo.  We should still be optimistic na magiging maganda ang kinalabasan ng tila ‘plug and play’ device na ikinabit sa lalamunan ng nag-iisang Superstar.
            Entiendes?  Si!
* * *


Hunk actor baklang-baklang-bakla pala

Guess mo 'ko may one thou ka!


I WASN’T surprised nang ikuwento sa akin  ng isang nurse na balikbayan ang kaberdehan ng dugo ng isang sikat na hunk actor noong nasa Amerika pa itey.
            OMG!  Baklang-baklang-bakla raw talaga si hunk actor.  Talbog daw talaga nitey si Facifica Falyfay alyas Fofonggay sa kalandian.
            Ang guwapu-guwapo raw ng boyfriend nitey sa Amerika, kaya raw maraming beki ang naiinggit ditey nang bonggang-bongga.
            Ngayon kapag napapanood daw nila sa TV ang hunk actor ay napapailing na lang daw sila.
            Da hu ang hunk actor na itey? 
            Guess mo may one thou ka!
            One thou na kurot, lokah!

* * *



Lee Dong Wook:  Ang lakas ng kilig factor




ISA sa mga paborito kong Korean actor si Lee Dong Wook na sumikat sa “My Girl” na pinagbidahan ni Lee Da Hae.
            Bumagay sa kakyutan ng bruho yung role niya sa nasabing Korean drama kaya naman maraming Asian girls and gays ang naging instant fans niya.
            Ilan sa mga napanood kong Korean drama ni Lee Dong Wook ay ang “Partner,” “Scent of a Woman,” (aka “Helena’s Promise” na pinalabas sa ABS-CBN kamakailan lang), at ang pinakauna niyang Korean drama way back in 2002, kung hindi ako nagkakamali, na “Loving You,”  kung saan gumanap siyang half-brother ng bidang si Park Yoong Ha.
            Ewan ko pero iba talaga ang dalang kilig factor ni Lee Dong Wook sa mga Korean drama na kasama siya.
            Dahil diyan, idol na kita.
            Eniweys, may bago na namang Korean drama ang bruho na tiyak aabangan ng kanyang  mga tagahanga.  Ito ang “Wild Romance” opposite Lee Si Young.
            Kaeere lang nito sa Korea last month kaya kahit sa internet ay hindi pa ito available.  So wait- wait na lang tayo, mga bru!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.