Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Pebrero 13, 2012

Khalil ng ‘PGT’ maagang nagkasungay


Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan  Castro


BUMUBULA na ang posts ng kaibigang Jobert Sucaldito at Ernie Enrile sa kanilang Facebook Account dahil sa pambibitin ng produkto ng “Pilipinas Got Talent” na si Khalil Ramos sa  show sa Zirkoh, Morato nu’ng Sabado.
Ayon kay Jobert: “ It's not enough na guwapo ka for you to make it in this business - it takes so much talent, hard work and luck, Khalil Ramos plus a little pakisama para marating mo ang dapat mong marating, ganoon iyon.
“Good luck sa career mo, Khalil!  If i were you, mag-aral na lang ako sa school kesa mag-showbiz.  You don't deserve a space in this industry. Cruel this may sound pero sa isang batambata pang katulad mo ay maaga kang nagpakita ng sungay.
“Lesson learned, Khalil and parents? Pag nag-text, siguraduhing hindi naliligaw ang message para hindi mapahiya. Ayan tuloy -  kayo ang tampulan ng joke!  Ke bagu-bago niyo pa lang sa industriya, nagpaka-SERA na kayo - mga echo-SERA!!!!!
“Kaya huwag kayong umasang tutulungan namin ang batang ito - NEVER! NEVER! NEVER!  Baka akala nila siya lang ang artist!!!
“Starlet pa lang siya, mga Ineng! wala pa siyang napapatunayan.  Marami pa siyang kakaining bigas at asin!!!!!! ay ang ALAT!
“Pag-aralan nilang makisama nang konti, lalo na sa mga taong tumutulong sa kanila. Tulad nitong nangyari kina Khalil and Lito Alejandria ng Zirkoh - grabe kung ipaglaban ni Lito itong si Khalil pero balewala naman pala siya sa pamilya ng batang ito.
“Simple nga lang ang dapat nilang ginawa - diniretso na lang sana nila si Lito na hindi puwede o ayaw ni Khalil mag-perform.
“May nagsabi sa aming hindi raw talaga naggi-guest itong Khalil Ramos na ito sa mga shows or invitations pag maliit ang bayad, kaya wala tayong magagawa kung hindi ganoon kalaki ang budget natin for newcomers like him.
“Ganoon talaga.  When you're not yet big, makuntento ka muna sa small budget.  Tsaka ka na mag-command ng malaking TF pag sikat ka na. ‘Di ba na-seminar ang batang ito at mga magulang niya?
“Mag-invest muna sila nang konti bago mag-reap ng maaaring nilang ma-harvest.  Not too soon, honey!
“Mabuti na lang mga big stars ang dumating - samantalang itong Khalil Ramos na ito, no name na, nang-isnab pa.
“Isang text ng momi niya kay Lito Alejandria, masama raw ang sore throat ni Khalil at baka magkalat lang daw sa stage.
“Ayaw raw mapahiya ng bata pero kakanta raw ito sa ASAP nang live - di siya natakot magkalat sa ‘ASAP’ when the whole world is watching.  kilala niyo si "SERA"? Mga etcho-SERA silang mag-ina kamo! ha! ha! ha!
“Nakakahiya silang mag-iina dahil para makapagdahilan lang kay kafatid na Lito ng Zirkoh (na malaki ang naitulong sa kanyang career dahil nakita namin kung papaano ito ipaglaban ni Lito many times already) nang kunin nito si khalil Ramos for a guesting sa Zirkoh last night (Sat), may naligaw na text ang nanay ni khalil sa celfone ni Lito at sabi ay "Pag tumawag si Lito, sabihin mong may show ka sa Davao."
“Malas niya at kay Lito pumasok ang text niya.  Wrong send?  Then biglang bawi at sinabing ok na si Khalil for the guesting pero early morning ng Saturday ay nag-text finally kay Lito para sabihing may sore throat ang anak niya.
“Nakakahiya silang mag-iina.  Mabuti na lang at hindi nanalo sa ‘PGT’ dahil kung nag-win siya, baka mabilis lumobo ang ulo. hay...”
“’Wag nang mag-ilusyon itong Khalil  na ito to make it big sa showbiz with this kind of attitude.  Simple lang naman ang batas namin sa buhay - kung ayaw mo, diretsahin mo - huwag nang paeklay na kesyo may sakit gayong wala naman makaiwas lang.
“Baka tuluyang magkasakit iyan - kayo rin.  Alam niyo naman ang KARMA ngayon, digital na. ha! ha! ha!”
Sey rin ni Ernie sa FB:  “Nakakaloka itong KHALIL RAMOS something.  Wala pang name sa industriya, pero hindi matinong kausap.
“Siya lang bukod tangi ang hindi sumipot kagabi sa show sa Zirkoh, Morato.  Yung ibang kasama sa show ay agad nagpaunlak tulad nina Wally Bayola, Sex Bomb Dancers, Duncan Ramos, Patrick Garcia at Aljur Abrenica... at pinalakpakan ang kanilang performance like real pro's.  Pero kung sino pa ang walang name ay siyang nang-indiyan.  
“Oh, well, wala naman naghanap sa kanya, kaya okay na rin siguro... Sana lang, ang tinatahak nitong career ay ‘wag sanan madiskalil, este, madiskaril.
Pakkkk!”
  * * *
 Actress-TV host usap-usapan ang paglaki ng boobs

Guess mo ko may one thou  ka
 SA ISANG umpukan ay pinag-uusapan ang paglaki ng boobs ng magandang actress-TV host. Kitang-kita raw ang pagbabago ng size ng boobs niya sa bagong pictorial.
Kasama kaya ito sa pagrerebelde ng actress-TV host sa ex-boyfriend niya para sabihing isang malaking ‘kawalan’ siya?
Ewan lang dahil sabi nga niya, iba ang  hinahanap ng ex niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.