Mga Kabuuang Pageview

Martes, Pebrero 28, 2012

Marian no. 9 sa ‘2012 Top 10 International Beauties’


Mula sa pahayagang Aksyon
RIGHT TIMING
By: nora v. calderon

            

 MARAMING kinilig sa pahayag ni Dingdong Dantes tungkol sa pagpili sa girlfriend na si Marian Rivera sa 2012 Top International Beauties. 
Number 9 si Marian sa Top 10 at siya lamang ang tanging Pilipina na nakapasok sa website ng TopTenz.net. 
Hiyang-hiya si Marian dahil wala raw siyang alam doon kaya nagpasalamat na lamang siya kung sinuman ang gumawa ng website na iyon. 
Pero ito ang sinabi ni Dingdong: “Matagal ko nang alam kung gaano kaganda si Marian, kaya it’s high time na malaman ng buong mundo na may isang Marian Rivera sa Pilipinas.”
            Maraming nagsasabi na ang ganda-ganda naman talaga ni Marian sa bago nilang soap ni Dingdong, ang “My Beloved.”  And siyempre, ang guwapo naman ni Dingdong. 
Ngayong gabi sa “My Beloved,”  sinugod ni Emmie (Katrina Halili) si Sharina (Marian) at sinabunutan ito dahil ito raw ang bagong girlfriend ng boyfriend niyang si Benjie (Dingdong). 
Aawatin niya si Emmie at makikipag-break na siya rito dahil ang alam niyang mahal niya ay si Sharina.  Hihingi ng tawad si Benjie kay Sharina pero magagalit siya dahil nagsinungaling ito sa kanya. 
Walang maisagot si Benjie dahil kahit siya ay hindi niya alam kung sino siya talaga.  Isang pangyayari ang masasaksihan niya nang may mamatay na lalaki at sinundo ito.  Maaalaala niya na isa nga pala siyang sundo.
                                                            * * *

 PURING-PURI ni Aljur Abrenica ang leading lady niya sa “My Kontrabida Girl” na si Rhian Ramos.  Second time nila itong nagtambal, nauna sa telefantasiyang “Ilumina” at first time sa movie. 
Ganoon pa rin daw si Rhian, very professional, very energetic, lively at kung minsan daw sinusuportahan siya sa eksena, like kung he needs na kunwari ay may kausap siya, hindi umaalis agad si Rhian, she will stay kahit hindi naman siya makikita sa camera. 
Naiiba raw ang role niya rito, ayaw lamang niyang ikuwento pa, dapat daw ay panoorin ang movie na dinirek ni Jade Castro, para malaman kung ano ang role niya as Chris Bernal.
            Kahit matagal na, ilinaw pa rin kay Aljur ang issue na umiyak si Kylie Padilla dahil hindi siya nakarating sa birthday nito, na break na sila at noong Valentine’s day, nakipag-lunch siya kay Rich Asuncion dahil nagkabalikan na sila, pero nakipag-dinner naman siya kay Sam Pinto dahil ito raw ang pinupormahan niya ngayon. 
Kung sinuman daw ang nagsulat noon, dapat daw ay tinanong muna siya kung totoo dahil noong Valentine’s day, ang ka-lunch niya ay sina Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films at pagkatapos ay pumunta na siya sa San Fernando, Pampanga dahil may show siya sa Marquee Mall. 
As to Kylie, ipinalam daw niya na may work siya noong birthday nito at hindi siguradong makararating.  Very late na raw siya natapos at nakakahiya na raw tumuloy pa sa party dahil halos umaga na siya na-pack-up. 
Everyday ay nagti-text at nag-uusap sila ni Kylie dahil pareho rin silang busy sa kani-kanilang work.  Siya nga sa “My Kontrabida Girl” na showing na sa March 14, at daily napapanood si Kylie sa “The Good Daughter.”
                                                            * * *

WISH granted kaya masayang-masaya and thankful si TJ Trinidad nang malaman niyang isa siya sa dadalo sa premiere night ng horror movie  na “The Road,” ang first Filipino movie na ipalalabas commercially in the mainstream sa may 50 theaters in the US and Canada simula sa May 11. 
Nang malaman daw ni TJ na tuloy na ang showing ng movie na dinirek ng international director na si Yam Laranas, nagparamdam na raw siya na gusto niyang maka-attend nito. 
Being a filmmaker himself, gustong maranasan ni TJ ang pagdalo sa mga ganoong premiere showing lalo pa at gagawin ito sa LA Live, ang theater na siyang pinagdausan ng Grammy Awards kamakailan, sa May 9.
Tamang-tama na final week na ng “Kokak” na pinagbibidahan nila ni Sarah Labhati, na napapanood pagkatapos ng “Eat Bulaga.” 
Ayaw pang sabihin ni TJ kung ano ang susunod niyang soap sa GMA-7, pero kung hindi kami nagkakamali, makakasama si TJ sa bagong soap na gagawin ni Richard Gutierrez, ang “Rancho” with Carla Abellana and Sarah Labhati.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.