Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Pebrero 24, 2012

Nakabalik na ng bansa: Nora nanumbalik na ang golden voice


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Ni Pilar Mateo   

NAKABALIK na ng bansa ang Superstar.  At ayon sa mga malalapit dito, gumanda na raw ang paos na boses nito, dahil na rin sa therapy na sinailaliman niya nang tumungo siya sa Boston, Massachussetts para ito patingnan.
Kaya ang tanong, ngayon daw kayang nanumbalik na ang Golden Voice ng Superstar eh, kung kakalimutan na rin daw kaya nito ang pagdedemanda niya sa isang clinic sa Japan na siyang naging sanhi para nga panandaliang masira ang kanyang boses?
Matatandaang nang unang dumating dito sa bansa ang Superstar, ito ang agad-agad na pinagtuunan niya ng pansin.  At kumuha pa nga siya ng mga abugado na doon mismo sa Japan nagmula para asikasuhin ang kasong isasampa sana niya laban sa nasabing clinic.
Pero kung agad-agad na mabibigyan ng mahaharap niyang mga proyekto sa TV5 ang Superstar, malamang na maisaisantabi na niya ito at tuluyan nang kalimutan.
Ang importante, hindi pa rin tuluyang binawi sa kanya ang boses niya.  At magagamit pa rin nitong muli ang talento niya -- lalo na sa pagkanta.
Mas maganda if she can try singing songs of praises -- for the Lord!

* * *

PAPAAKYAT na ngang talaga sa nextlevel ang pagtitinginan nina Bianca Manalo at John Prats.
Very happy si Bianca sa pagkukuwento sa mga nakasama niya sa launching ng isang endorsement niya ang ginawa niya for John sa pagse-celebrate nila ng Valentine’s at ng kaarawan nito.
Magaling pala gumawa ng surprise si Bianca.  At talagang pinagplanuhan niya para hindi mahalata ng kanyang boyfriend.
Du’n niya ginawa ito sa bahay niya.  At para hindi rin mag-leak ang plano niya, doon nito pinapunta ang mga mahal sa buhay ni John.
Ang masasabing pinaka-sweet na ginawa ni Bianca para sa kanyang nobyo eh, nang magawa pa nitong paghandaan ang mga wishing lanterns na sabay-sabay na pinalipad nang pinatingin niya sa itaas si John.
Pinabulaanan naman nitong ang next stage na eh, ang paglagay nila ni Pratty sa tahimik. Marami pa raw silang gustong gawin sa mga buhay nila, lalo na nga sa kanilang mga career.
‘Kainggit lang, ‘di ba?  Masasabing super sweet ang natagpuang babae ni John sa buhay niya ngayon.
* * *

Kris si Apl De Ap ng Blackeyed Peas ang bagong partner


MAY bago na namang ii-endorso ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
And this time, may partner siya in the person of Blackeyed Peas’ Apl. De.ap
Magsasama ang dalawa sa isang commercial ng SMB (San Miguel Beer)!
Ang hirit nga raw agad ni Kris sa pagkikita nila ni Apl.de.ap (Allan Pineda) eh, ang pagtatanong sa nasabing artist kung single ito dahil single na nga si Kris ngayon.
Syempre, that just broke the ice sa pagitan nila sa harap din ng mga tao sa likod ng SMB.
Sa totoo lang, flattered si Kris sa proyektong pagsasamahan nila ng isa sa maipagmamalaking artist ng bansa.
Hindi rin daw makapaniwala si Apl.de.ap na magkakasama sila ng Queen of All Media sa proyektong ito.
No, hindi naman makikita si Kris na umiinom ng beer sa nasabing commercial. 
Ang goal ng nasabing proyekto eh, suportahan ang nasimulan na ni Apl.de.ap na “We Can Do Antyhing” campaign sa kanyang Foundation.
Kaya aabangan natin kung paano itong ire-relay ng SMB sa buong sambayanan. Pagdating naman kasi sa pagkuha nila ng mga endorsers, lalo na at mga celebrities, talagang nakukuha nila ang atensyon ng kanilang mga target consumers.
Up to now, hindi ko pa rin makalimutan ang isang commercial ng Hari ng Pelikulang Pilipino’ng si FPJ.
 Isa ‘yun sa pinakamagandang ad na nagawa ng SMB.  Pinoy na Pinoy!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.