Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Pebrero 26, 2012

Echo si Kim ng ‘ETC’ ang bagong labs


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo 


HINDI na pala “Padre de Pamilya” ang titulo ng soap na sasalangan ni Jericho Rosales sa Kapamilya kasama ang premyadaong aktor na si Christopher de Leon kung saan bida rin si Piolo Pascual with Maricar Reyes.
Last year pa, nabanggit na ito ni Echo sa ilang panayam sa kanya.  At excited nga siya na magsimula na ito ng Enero ng taong kasalukuyan.
Pero may mga bagay pang kinailangang asikasuhin, gaya sa availability ng mga involved sa cast kaya ngayon lang ito nagsusunud-sunod na sa mga dapat na nilang asikasuhin sa soap na magiging “Dahil sa Pag-Ibig” na.
Nagkaroon na sila ng promo shoot at malamang na mapanood na ito sa Marso.
Happy naman daw si Echo sa patuloy na pagbibigay ng mga proyekto ng Kapamilya Network sa kanya.  At hindi rin naman matatawaran ang mga proyektong ipinagkakatiwala sa aktor ng nasabing istasyon.
Muli kayang maging taon ni Echo ang 2012?  Mukhang masuwerte siya sa maraming bagay ngayon, including his love life.  Na halos isang taon pala nitong nailihim sa publiko -- at sa media.
“Masaya lang.  Tahimik.  And we share a lot in common.  Lalo na sa sports na gusto ko. Like surfing.”

Ang on-the-scene host ng “ETC” (Etcetera sa RPN-9) na si Kim Jones ang tinutukoy ni Echo na 24-year old lady na malapit sa puso niya ngayon.
Minsan na naming naipakilala sa pitak na ito si Kim, na may dugong Briton at one fourth na Pinoy blood din na lumaki sa Australia.
Ang kapatid na modelo ni Kim ang humikayat sa dalaga na tumungo rito sa bansa.  At kahit na nakatuntong ito ng third year sa kursong Interior Architecture,  kumuha rin siya ng kurso on Banking and Finance.
At love niya talaga ang beach.  Pwede ring maging modelo si Kim sa angkin niyang kagandahan pero mas prayoridad daw nito ang hosting.
Ilan lang ito sa mga katangian ng dalagang nagustuhan sa kanya ng aktor na si Echo - dahil may pagka-kalog din daw si Kim.
At ang mahalaga, mahal na ng pamilya ni Echo si Kim kaya ganu’n na lang ang pasasalamat niya nang sa pamamagitan ng dalaga ng mga Valencianong si Kiana eh, nakilala niya ang dalaga.
Pinaghahandaan na nga ni Echo ang pagpapakilala sa dalaga sa media sa tamang panahon.  ‘Yun eh, kung hindi siya mauunahan ng ilan sa amin na makasalubong na o makita ang dalagang nagsisimula na ngayong bantayan ng mga matang nanonood sa network where she works together with Patti Grandidge.
May twinkle sa eyes ni Echo when he talks about Kim.  Kung ang tamang direksyon ng panliligaw sa dalaga ang dinadaanan ni Echo sa mga panahong ito - hindi magtatagal at malamang na ang tamang daan na nga ng pagmamahalan ang daanan nila.
And eventually, end up with each other.
* * *

Celebrity misis bagets na ang laging ka-date

HINDI pa nga raw kumpirmadung okay na okay na ang on and off na pagsasama ng couple na ito, hayan at may nagbabalita na naman na magiging dahilan na namang sigurado ng pagkakagalit ng mag-asawa ang nakitang ka-date raw ni misis na isang mas bagets sa kanya na non-showbiz guy.
Sa isang salon daw namataan ang dalawa.
Pero sabi naman namin sa nagkukuwento, baka naman nakababatang kaibigan lang naman ito nung tinutukoy na lady celebrity.
Ang tsika raw kasi, madalas nang nakikitang ito ang kasa-kasama ng nasabing celebrity na laging nagiging controversial, lalo na kung ang pagsasama nila ng kapwa niya celebrity na aktor ang pag-uusapan.
Tinukoy pa na William diumano ang pangalan ng kasama ng nasabing celebrity.
Hindi naman kaya pamangkin niya ito kaya mas bata sa kanya at sumasama-sama lang sa mga lakad nito.
At saka, bakit sa parlor o salon sila nakikitang magkasama?  Baka naman sinasamahan lang ng nasabing William ang celebrity sa mga lakad nito.
Pero oo nga, bakit hindi si mister ang kasa-kasama ng nasabing celeb?  Sige, tuklasin pa natin!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.