Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Jaclyn matindi pa rin ang galit sa ama ng anak ni Andi



Jacklyn:  Sa ginawa niya sa anak ko, sobra nang pang-aabuso ‘yun

Mula sa pahayagang Aksyon
What’s The Point
Ni Pilar Mateo 

NAPANSIN agad ng mga naanyayahang entertainment media sa Hacienda Leviste sa Lipa, Batangas ang kakaibang ngiti sa mga labi ng gumaganap na Donya Trining Braganza, sa muling ibinabalik sa ere ng TV5 na “Valiente,” na si Jaclyn Jose.
Kaya nga ang usisa sa kanya, eh, kung may bago ba siyang love life at parang naka-plaster na sa kanyang mga panga ang nasabing mga ngiti.
Say naman ni Jane (Jaclyn’s real name), mukhang nakasanayan na raw niya ang palagian na lang na ngumiti ngayon.  Kung mapapansin daw sa trailer ng nasabing teleserye, kahit na nagtataray at nagmamaldita siya sa mga eksena niya, eh, lagi siyang may ngiti.
“Yun kasi ang sinabi ni Direk Joel (Lamangan) na gawin ko sa character ko this time.  Na kahit galit na galit na magiging trademark niya ‘yung nakangiti pa rin, sarcastic man ‘yun o hindi.
“Sumasakit na nga ang panga ko.  Kasi, may times na nakakalimutan ko kaya ipinapaalala sa akin lagi ni direk.”
Hindi naman ang ex niyang si Mark (Gil) na gaganap na asawa niya sa serye ang dahilan?
“Yun? Hindi nga ako kinakausap nu’n.  Inaaway lang akong lagi. ‘Pag may mga itinatanong sa kanya, gaya kanina, ako ang pinagdidiskitahan,” natatawa nitong wika.
“Dagdag pa niya, “Wala naman problemang magkasama kami sa work. Nung tinanggap ko naman ito, alam ko na I’ll be working with him.  At saka mamamatay naman siya agad,” at tumawa na naman ito nang tumawa.
So, hindi naman pala lalake ang dahilan ng nasabing mga ngiti?
“Ang inspirasyon ko ngayon, eh, ang apo ko!  Siya ang nagpapangiti sa aming lahat!  Doon kay Adrianna Gabrielle nakatuon ang pansin naming lahat.
“Siya ang aming anghel.  Mana’ng-mana sa nanay. ‘Merkanang-Merkana ang ganda niya.”
And how is Andi (Eigenmann)?
“She’s perfectly fine.  Sabi ko naman sa kanya, gawin pa rin niya ang mga pangarap niya at nandito lang kami sa tabi niya.  Naintindihan ko na ‘yun na nagmahal siya.  Pero ang abusuhin pa siya ang hindi ko na maia-allow na gawin pa sa kanya.”
Nagkaroon na ba ng chance na makasalubong man lang niya o makita ang sinasabing ama ng anak ni Andi?
“Naku, hindi mangyayari ‘yun.  At sinabi ko talaga na huwag na lang siyang magpakita lalo na sa akin.  Sa ginawa niya sa anak ko, sobra nang pang-aabuso ‘yun.
“Oo, ina lang ako ni Andi.  Pero nararamdaman ko ang sakit na inabot ng anak ko sa mga nangyari.  Kaya ‘pag siya naman ang nakakita sa akin, umiwas na lang siya.
“Malaki atraso niya sa anak ko.  ‘Yun pa lang ikalat niya sa Twitter na sumasama sa iba-ibang lalake ang anak ko, eh, mas sobra pa sa iba pang pananakit na nagawa na niya sa anak ko.”
So, alam mo na…
* * *
 Aiko ini-enjoy ang pagiging single 







NGAYONG natapos na ang “Reputasyon,” kinumusta ko si Aiko Melendez kung ano na ba ang kasunod niyang proyekto sa Kapamilya, matapos nga ang palabas nila ni Cristine Reyes sa Primetime Gold ng ABS-CBN.
Agad-agad naman palang nagkaroon ng offer si Aiko sa Kapatid network sa TV5.  At sa pagkakataong ito, makakatrabaho pa niya ang “American Idol” runner-up na si David Archuleta, sa "Nandito Ako" with Jasmine Curtis-Smith and Eula Caballero.
Kasama na rin si Aiko sa listahan ng mga artistang blessed na makakapagtrabaho at makakaikot sa sari-saring network basta nakatapos na sila sa mga nauuna nilang commitments sa kung saan man sila may assignment.
Nakapag-storycon na raw sila at nagte-taping na nga siya kasama ang heartthrob ng mga “American Idol” followers, na pinapanay na rin ang pagsalang sa kanyang taping before he embarks on a two-year missionary work para sa kanilang church sa The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ‘pag-uwi niya sa Amerika.
Samantala, marami ang pumupuri sa new look ng aktres ngayon at ‘sangkaterba nga ang comments sa kanyang Facebook account.
“It feels good whenever I hear people say that I look good.  That means all my dieting and tiis ganda program is working:) More!!! More!!! More!!!"
But on a bad day, may mga komento o sagot si Aiko sa mga nang-iintriga sa kanya.
“Some people can be so damn rude.  Clarification.  Just because I’m single that doesnt mean that I’m not happy?!!  I can be happy in many ways. Not just by having a partner.
“Dba its nakakainis for them that i can be happy on my own.  Now that’s real happiness.  Who needs a partner when I have my kids to share my love with.
“Pls wag mainip for me that im still single because im enjoying every inch of being one:)."
Kaya ang song niya raw ngayon, eh, ang “The One You Love” ni Glenn Frey. Mmm…


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.