Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Marso 14, 2013

Paulo posibleng mabawian ng award ng ENPRESS


Mula sa pahayagang Police Files Tonite
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 PAGKATAPOS ng GMA 7 at ABS-CBN 2 ay ang pamunuan naman ng TV 5 at “Wowowillie”
ang ipinatatawag ng MTRCB para sa meeting regarding gender sensitivity and decorum.
            Ang pulong ay gaganapin sa March 13 kung saan pag-uusapan ang Feb. 28 episode ng
“Wowowillie” at over-all decorum and depiction of women in the show.
            Gusto raw mapakinggan ng MTRCB ang panig ng lahat ng sangkot sa nabanggit na
episode ng nasabing programa kung saan inilabas ng main host nitong si Willie Revillame ang
kanyang galit at sama ng loob sa mga co-hosts niyang sina Ethel Booba at Ate Gay matapos
kuno siyang masigawan ng mga ito dahil sa pagkatalo sa segment ng kanilang show na “Mini
Concierto.”
            Again, tulad ng provocative number and outfit ni Anne Curtis sa Feb. 24 episode ng
“ASAP 18, sa pamamagitan din ng social media ay pinutakti rin daw kasi ng mga reklamo ang
MTRCB dahil sa paglabag ng noontime show ng TV 5 sa GMRC o Good Moral and Right
Conduct.
* * *

MATINDI ang naging impact sa mga miyembro ng ENPRESS ng ginawang pagbibiro kuno ni
Paulo Avelino sa stage mismo ng Teatrino kung saan ginanap ang 2013 Golden Screen TV 
noong Biyernes ng gabi, March 1.
            Kahit nagbigay na ng statement ang manager ni Paulo na si Leo Dominguez na humihingi
ng paumanhin hinggil sa nasabing biro ng kanyang alaga ay mahihirapan na silang pakalmahin
ang damdamin ng mga na-offend na miyembro ng ENPRESS.
            Tama lang ang naging agarang aksyon ni Paulo at ng kanyang manager but what he
(Paulo) has done is something that cannot be repaired in one day, one week,
one year or even ten years.
            Maraming-maraming taon ang bibilangin bago tuluyang makalimutan ng mga taga-
ENPRESS ang ginawang yun ni Paulo.
            Now he has to face the consequences of his action. 
As of press time ay hindi pa nagmi-meeting ang naturang samahan ng entertainment
press.  Sa meeting na ito kasi tatalakayin kung anong aksyon ang gagawin nila sa di
nakakatuwang biro ni Paulo na ikina-offend ng marmai sa kanila.
            Pero according to a very reliable source ay malamang na bawiin ng ENPRESS ang Best
Supporting Actor na ipinagkaloob nila kay Paulo.
            Tsk! Tsk! Tsk!  Medyo mabigat ang parusang ito para sa young actor pero nararapat lang
ito para maturuan ito ng leksyon  at masampulan na rin ang ibang artista diyan na mahilig
magbiro nang wala sa lugar.
            Sabihin ba namang, “Mahirap magtrabaho kung napilitan ka lang,” bago siya nag-
present ng award dahil pinakiusapan lang siya ng ENPRESS, e, sino ba naman ang hindi mao-
offend, to think na nanalo pa siya ng award.
            Ang kapal mo rin ‘no, Papa Pau!
* * *

BUONG ningning na inamin ng “PGT Season 3” 2nd placer na si Khalil Ramos na crush niya
ang dalagita nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barretto nang ipakilala sila
(ni Julia) at sampung iba pa as members of  Star Magic Circle 2013 sa entertainment press
kamakailan.
            Sa totoo lang, first time niya raw naging vocal sa babae.  Tutal malalaman din naman
daw ni Julia ang totoo kaya inamin niya na din.
            First time pala silang nagkakilala ni Julia sa Star Magic Ball last year.   Nagkatsikahan
lang daw sila hanggang sa naging magkaibigan na.
            Bukod kay Khalil ay tila may gusto rin kay Julia ang binata ni Sen. Jinggoy Estrada na si
Julian Estrada na ka-batch din nila sa Star Magic Circle 2013.
            And take note, mukhang super close rin sina Julian at Julia.  Duda nga ng ibang intrigera
ay may “something” nang namamagitan sa dalawa.
            Ang tanong, hindi ba siya nagseselos?
            “Hindi naman po.
“Wala pa naman dun sa level na pagseselosan ko.
“I just like her.”
Tama yun.   Huwag munang magseryoso sa tawag ng pag-ibig, huh!
 Gawin niyo lang inspirasyon ang mga crush ninyo dahil ang babata pa ninyo.  Love can
wait at the back seat naman, e, di ba?
            Eniweys, bukod kina Khalil, Julia at Julian ay kasama rin sa Star Magic Circle 2013 sina
Jerome Ponce ng “Be Careful with My Heart,” na aminadong maraming nagsasabing kahawig
daw siya ni Thai Superstar Mario Maurer: Janella Salvador na anak nina Jenine Desiderio at
Juan Miguel Salvador; Kit Thompson ng “PBB Teen Edition:” Michelle Vito na gumanap na
kontrabida sa”Aryana,” Liza Soberano, na ka-love triangle nina Kahtryn Bernardo at Daniel
Padilla sa peliklang ”Must Be Love,” Alex Diaz, Ingrid Dela Paz,  Jane Oineza at Jon Lucas.

Sabado, Marso 9, 2013

Young actor itinatago sa parents na may anak na sa non-showbiz gf!



Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 NANG muling humarap sa entertainment press si Gov. ER Ejercito ay hindi naiwasang mulingMaungkat ang nakaraang MMFF 2012 kung saan sa ikalawang pagkakataon ay natalo siya niDingdong Dantes sa pagka-Best Actor, siya para sa pelikula niyang “El Presidente” at siDingdong for “One More Try.”
            Naiintindihan ko ang naging sentimyento ni Gov. ER about this pero wala akongmaikokomento tungkol dito dahil  parehong hindi ko naman napanood ang kani-kanilangpelikula.
            Naniniwala akong both are competent actors kaya mahirap mag-judge kung hindi namantayo judge.  It’s just a matter of choice and all we have to do is respect the judges’decision.
            Pero para ibigay ng mga hurado ng MMFF Awards chorva ang FPJ Memorial Award sa“One More Try” ay hindi talaga katanggap-tanggap dahil may maliwanag namang criteria nasinusunod.
            Sabi nga ni Gov. ER, “Medyo na-disappoint ako doon sa FPJ Memorial Award dahil ang
Linaw e, binasa pa (yung criteria), narinig pa ni Tita Susan Roces at ni Grace Poe.
“Ang FPJ Memorial Award, ang sabi doon historical film that inspires national
patrimony, tapos hindi naibigay sa El Presidente.  Doon ako nasaktan.”
            You see, hindi pwedeng magsinungaling ang criteria, kitang-kita ang ebidensya ng
kapalpakan ng mga naggawad ng FPJ Memorial Award  sa “One More Try.”
            Well, para maiba naman ay kinumusta ng entertainment press ang sex life ni Gov.
ER.  kung active pa rin ito hanggang ngayon.
            Malalaki na kasi ang apat na anak ng dakilang  gobernador ng Laguna na ang panganay
ay 26 years old samantalang ang bunso ay 10 years old na.
            Anim raw sana lahat ang mga anak nila kung hindi lang daw dalawang beses nakunan
ang misis niya, una noong 204 at pangalawa nung 2010.
            Ang tanong, wala na raw ba silang balak ng kanyang kabiyak na si Mayor Maita Sanchez
na bumuo ng isa pa?
            Ani Gov. ER gusto pa raw nilang dagdagan ang mga anak nila.   Ang problema lang ay
masyado silang stressed sa dami ng trabaho.   Halos jingle na lang daw ang kanilang pahinga.
            “Nagpa-sperm test ako okey pa, e.  Pwede akong maging sperm donor,” dagdag pa ni
Gov. ER.
Nga pala, mag-uumpisa na sa March 8 at magtatapos sa March 17 ang ikatlong La Laguna
Festival, na tinagurian ding Festival of Life.
Buong ningning na ipinagmalaki ni Gov. ER na magiging mas malaki at star-studded ang pagdiriwang ng La Laguna Festival sa taong ito
“Well, La Laguna is celebrated for ten long days with seventy two events.
“Kaya’t La Laguna the Festival of Life, ito’y pagbibigay pugay sa ating pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas, ang Laguna Lake.
“Kaya itong La Laguna, ang ibig sabihin po niyan the lake or the lagoon and sa Tagalog naman ang ibig sabihin niyan ‘lalago na’ o ang pag-usbong ng bagong Laguna, una sa lahat ng bagay.
“Kaya star-studded po ito, marami tayong mga artista, singers, performers and entertainers na inanyayahan para i-grace ang ating ten-day occasion na celebration ng La Laguna Festival: The Festival of Life—pinakamalaki, pinakamakulay, pinaka-exciting, pinakamagastos na festival sa buong Pilipinas.
“Pinarangalan ito ng Department of Tourism (DOT) at ng Association of Toursim Officers of the Philippines (ATOP) bilang Outstanding Festival at Best Tourism Event for the years 2011 and 2012.”
Ilan sa 72 events ng nasabing festival ay ang Street Dancing, Paralympics, Trade Fair, Dragon Boat Race, Talentadong Lagueno, Ginoo and Binibining Laguna Beauty Pageants, Miss Gay Laguna, Cook Fests, Motor Bike Show, Modern Dance Showdown, Fireworks Competition, Fluvial and Land Float Parades, Brass Band Competition at marami pang iba.
* * *
HANGGANG ngayon ay wala pa rin palang kamalay-malay ang mga magulang ng isang young actor na meron na pala silang apo sa kanilang binata.
            Pumutok na a few years ago ang tsismis na nakabuntis ang young actor pero nung kumprontahin siya ng kanyang mother dear tungkol dito ay agad naman niya itong itinanggi.
            Dahil may tiwala si madir sa kanyang pinakamamahal na binata ay pinaniwalaan niya ito. Ang siste ay nagmumukhang tanga ang pamilya ng young actor.
            Ang pagkakaalam nila ay girlfriend lang talaga nito ang laging kasa-kasama kapag merong pagtitipon sa kanilang pamilya pero ang totoo ay ito ang ina ng kanilang di pa nakikilalang apo.
            Ang tanong, hanggang kailan kaya itatago ng young actor at ng kanyang non-showbiz gf ang tungkol sa bagay na ito?
Pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak?
           

           

Anne deadma lang sa negatibong komento tungkol sa kanyang provocative outfit sa 'ASAP 18'


Mula sa pahayagang Police Files Tonight
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

 DEADMA lang daw si Anne Curtis sa mga negatibong komento tungkol sa kontrobersyal na
outfit na  sinuot niya during her “wet birthday” production number sa “ASAP 18” last February
24.
            Para sa mga hindi nakapanood, she was wearing a strapless black gown with  
nakakaintrigang very high slit which made us all wonder kung meron ba o walang suot na panty
ang bruha.
Kung tutuusin more than reavealing ang naturang outfit dahil cleavage kung cleavage din
ang drama nito.
            Sabi raw ni Anne sa isang interview, natatawa na lang daw siya na pinag-uusapan ng
madlang pipol ang kanyang outfit at okey lang daw yun sa kanya.
            Ang mahalaga ay umipekto raw ang ginawa nilang ilusyon na wala siyang suot na
underwear or whatever, dahil ang totoo raw niyan ay meron siyang suot na hidden tan na
swimsuit.
            Para kay Anne ay okey ang suot niya pero hindi niya isinaalang-alang ang kanyang
audience in general.
            Ang tanong, bakit naman niya kailangang bigyan ng ilusyon ang televiewers na wala
siyang suot na panty considering the fact na maraming nanonood na kababaihan at kalalakihan
na pawang mga menor de edad sa Sunday musical-variety show ng Kapamilya network na
“ASAP 18?”
            Yun ang dahilan kung bakit ipinatawag ng MTRCB ang management ng “ASAP 18” 
para sa isasagawa nilang ‘gender-sensitivity investigation.’
            Nangako naman daw ang “ASAP” na magpapadala sila ng representatives para dumalo sa
meeting na itinakda ng MTRCB sa March 5 para talakayin ang nasabing issue.      
            Going back to Anne, hindi naman yata maganda ang pagiging deadma niya hinggil sa
issue ng pananamit whether its going out of bounds or not.
            Sana ay matuto rin si Anne, o ang iba pang artista riyan, na ilagay sa lugar ang pagpili ng
outfit na kanilang isusuot. 
Sana ay maging sensitibo rin sila sa sasabihin ng publiko dahil sila ay mga public figures
na hinahangaan at tinutularan ng marami.
            Para sabihin ni Anne na deadma siya sa mga negatibong komento ng madlang pipol about
her outfit ay para niya na rin sinabing she’s an insensitive and irresponsibe individual, whew!

* * *
OUT of desperation na makitang muli ang anak ay biglang nabuhay ang nananahimik na
controversial sexy star na si Rajah Montero.
            Eight months na mula nang mawalay kay Rajah ang two years old na anak na si
Josephine Claire.
            Kinidnap daw ito ng sariling ama na si JC o Juan Carlos Cheng, 26 years old.
            Kahit hiwalay na raw sila ni JC ay malaya naman daw itong nakakapunta sa kanilang
bahay para makita ang anak.
            Ang siste, nung minsang dalawin nito ang anak nila ay wala raw silang kamalay-malay
na itinakasna nito ang bata.
            Nung una’y nanahimik lang daw muna si Rajah.  Pilit niyang itinago sa press ang tungkol
sa bagay na ito.  Instead ay hiningi niya ang tulong ni Tulfo at ng DSWD pero wala rin daw
nangyari.
            Ang lalong ikinawindang ni Rajah ay nang sabihin daw ni JC na huwag na silang hanapin
ng anak niya dahil magpapalit na itong sim card at pupunta na sila ng Hong Kong.
            Ano ba ang ikinawindang ni Rajah, dahil ba hindi siya isinama sa Hong Kong, charing!
            Nag-file na siya ng mga kasong child custody at kidnapping pero hindi naman daw uma-
attend ng hearing si JC, na kasalukuyang merong warrant of arrest.
            Ang masaklap pa nito ay kinukuwestiyon pa rin ang kakayahan niyang magpalaki ng
anak bilang isang ina, kung kaya niya raw bang bigyan ng magandang kinabukasan ang anak nila
ni JC at kung hindi na raw siya babalik sa pagbo-bold sa kanyang mga pelikula.
            Hindi naman ikinakaila ni Rajah na nagpakita siya ng laman sa pelikula pero trabaho lang
daw yun at hindi nangangahulugang isa siyang masamang babae.
            Pakiusap niya sa pamilya ni JC na mababa ang tingin sa mga katulad niyang bold star,
pati na rin sa publiko, na huwag naman daw siyang husgahan dahil ang ginawa niyang pagbo-
bold sa pelikula ay bahagi lamang ng kanyang trabaho.
            Ang tanging hiling ni Rajah sa ngayon basta maibalik lang ang kanyang anak ay
ititigil na niya ang kaso.
            Gusto na rin ng bruha na mawala ang kanyang sexy image.  Kung gagawa raw siya ng
pelikula ay babawasan niya na ang pagpapa-sexy.
            Kung dati ay dalawang boobs ang ipinapakita niya, this time ay isa na lang, chos!
            Actually meron daw siyang gagawing pelikula with Marian Rivera na ang title ay
“Batang Lagalag.”
            Very ‘unMarian’ ang title ng pelikulang ito na ito kaya marami ang di makapaniwala
pero malay din natin matuloy ang proyekto, di ba?
           
           

Provocative number at outfit ni Anne sa' ASAP 18' pinalagan ng MTRCB

Para sa pahayagang Police Files Tonight
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 HINDI pa nga natatapos ang isang buwan nang isailalim ng MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) ang “Party Pilipinas” ng GMA-7 sa six-month probation,  at pinag-public apology pa dahil sa anila’y sexually-charged scene na sexy dance number nina Lovie Poe at Rocco Nacino na inere last January 27, ay ang staff naman ngayon ng Sunday musical-variety show  ng ABS-CBN ang kanilang ipinatatawag dahil naman sa diumano’y provocative number ni Anne Curtis sa “ASAP 18” noong nakaraang Linggo, February 24.
            Dahil sa pangyayaring ito ay magsasagawa raw ang MTRCB ng gender-sensitivity
investigation hinggil sa provocative number kuno ni Anne kung saan nakasuot siya ng black
strapless dress na sobrang taas ng slit habang kinakanta ang latest hit song ni Rihanna na
“Diamonds.”
In fairness sa MTRCB, sumobra talaga ang taas ng slit ng skirt ni Anne na
magkamali lang ito ng galaw ay pwede mo nang masilip ang hindi dapat masilip.
            Idagdag mo pa riyan ang provocative performance ni Anne with matching ulan kaya
tuloy literally and figuratively ay nabasa ang ate (Anne) niyo.
            Ewan ko ba naman sa “Party Pilipinas” at “ASAP 18” kung bakit ang hilig-hilig nilang
maglagay ng mga pampalibog na production number sa kanilang show gayung alam naman
 nilang buong pamilya ang kanilang audience kasi it’s Sunday at noon time pa --  family bonding baga.
            The other Sunday rin napanood ko si Cristine Reyes na sobrang provocative rin ang dance number, mabuti na lang hindi masyadong sexy ang suot niya, kung hindi ay maraming malilibog na boys ang talagang magwa-water-water.
            But just the same, pampaelya talaga ang dance number ni Cristine with matching giling-giling and steps na tila nang-aakit ng kalalakihan.
            Sabi ko nga, e, ano ba naman ang staff ng “ASAP 18” at ng “Party Pilipinas,” bakit
parang gustung-gusto nilang sini-seduce ang male televiewers sa tanghaling tapat.  Feeling yata ng mga itey, e, walang mga bata at mga manang na nanonood sa mga oras na yun, huh!
            Puro na lang male audience ang pinapasaya nila, nakakasuya na kayo.  Tama na, sobra na!  Pwede ba, puro lalaki naman ang bigyan ninyo ng provocative production number, chos!
* * *
WALANG duda na malakas na talaga ang hatak ni Xian Lim sa mga fans, most especially sa kababaihan at kabadingan.
            It was very evident nang mag-show siya kasama sina Jose at Wally sa Zirkho-Morato last Saturday.
            Panalung-panalo ang nabanggit na show, punumpuno ng tao ang nasabing venue.
            Kahit pinakahuling isinalang si Papa Xian ay hindi agad nag-uwian ang madlang pipol.  Hinintay talaga nilang matapos ang performance ng guwapong aktor kahit hindi naman kagandahan ang singing voice nito.
            Kahit tapos na ang show ay nagtiyaga pa rin ang mga kababaihan at kabadingan sa paghihintay kay Papa Xian sa labas ng Zirkho.
            Pero sa totoo lang, bago pa isinalang si Xian ay nagkaroon kami ng ilang colleagues ko na makatsikahan ito sa VIP room.
            For arts sake ever ang pinag-uusapan ni Xian at ng isang may katarayang reporter nang isiningit ko ang tanong kung sariling idea ba ng aktor ang pagpapapunta kay Kim Chiu sa yate (Subic Yacht Club) sa Subic, Zambales noong Valentines Day na ikinasorpresa nito.
            Bale ito na ang pangatlong beses na  sinorpresa ni Xian si Kim.  Una nu’ng haranahin niya ang dalaga sa set ng dating teleserye nilang “Binondo Girl” at pangalawa nung bigyan niya ito ng tree of roses.
            Maikli lang ang sagot ni Xian. Idea niya raw yun and para happy lang.  Yun lang at tila umiwas nang maungkat pa ang tungkol dito kasi nga naman matagal nang tapos ang Valentine’s Day.
            Sus!
* * *
MAY BAGO na naman palang boyfriend si Katherine Luna.  Hindi na binanggit sa akin ng aking very reliable source ang name ng bagong papey ni Katherine pero bagets-bagets pa raw ito.
            So, ibig sabihin nito ay hiwalay na naman ang sexy actress sa kanyang guwapong jowa na taga-Frisco.            Bale pang-anim na raw ni Kat ang bago niyang boyfriend.
            Pero ang maganda nito, kahit bata pa ang newfound love ng seksing aktresa ay graduate naman daw ito ng kolehiyo at may bonggang trabaho.
            Take note, chef lang naman daw si lalake sa isang class na Italian restaurant.

            Pero ang tanong, hanggang kailan naman kaya tatagal ang relasyon ng dalawa knowing Kat na kung magpalit ng boyfriend ay para lang nagpapalit ng damit, whew!



Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.