Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Mayo 3, 2012

Nora: National Artist award ibigay muna sa mas deserving


WHAT’S THE POINT?”
Ni Pilar Mateo  

GOOD vibes!
Natapos as scheduled ang unang full-length movie ng Superstar na si Nora Aunor under Director Brillante Mendoza sa Tawi-Tawi at isang araw in Cebu, ang “Thy Womb.”
Ang next na paghahandaan naman daw ng Superstar sa pagpasok ng buwan ng Mayo eh, ang Mother’s Day at syempre, ang kanyang 58th birthday.
Una nang inilahad ni Aunor sa get-together ng kanyang NOW (Noranians Worldwide) ang parang plataporma niya sa muli niyang pagiging abala in the industry.  And so far, nasusunod ang mga pinaplano niya.
Natutuwa siya sa pag-consider sa kanya para maging National Artist.  Pero, kung mas may deserving pa raw eh, mas mabuting doon na muna ito ipagkaloob.  
Ang sa kanya, ang maipagpatuloy na gampanan ang mga bagong pangakong kanyang binitawan sa pakikipag-usap niya sa kanyang mga tagahanga at miyembro ng entertainment media.

* * *

GOOD luck!
How is Sam Milby’s life in the city that never sleeps, sa New York, USA?  Sabi ng malalapit sa aktor, nakatakda naman itong umuwing muli sa bansa.
In fact, tuluy-tuloy pa rin ang endorsements niya rito at hindi naman ito naaapektuhan. Napag-usapan naman noon na kapag kinailangan din naman niyang bumalik at wala pa naman siyang pinagkakaabalahan sa bayan ni Uncle Sam at may proyektong nakahanda para sa kanya rito gaya ng teleserye eh, uuwi pa rin daw ito.
Kung kukumustahin ang buhay ngayon doon ni Sam, masaya naman daw although syempre, mas marami siyang nami-miss dito sa ‘Pinas.
He’s been spending a lot of time with his mom and dad.  Panay lang daw siya networking.  And going to auditions.  At kapag may mga shows doon ang mga kapatid niya sa Star Magic eh, kasama pa rin siya.  At join din siya sa tour ng mga ito.
Natagpuan na nga rin ba ni Sam doon ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya?
Sabi sa balita, nae-enjoy naman niya ang everyday routine ng buhay niya doon.  Single pa rin daw ito.
Pero oo, may na-meet na siyang nakilalang isang modelo roon na one-quarter Pinay, German, Dutch, and Irish.  Pero, friends pa lang daw sila nito at madalas lang na mag-chat sa Twitter at text.
Isama kaya ito ni Sam pag-uwi niya soon?

* * *

 GOOD natured!
Ibinalita nga sa akin ni Aiko (Melendez) na sa muli niyang pagsalang sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya) na sa Sabado na matutunghayan, ni-request niyang ang ex-husband niyang si Jomari Yllana ang kanyang makasama.

Mukhang madugo ang nasabing taping dahil tatlong araw silang kinunan ni Direk Don Cuaresma -- sa San Jose del Monte, Bulacan, sa Novaliches at balik sa Bulacan in Norzagaray.
According to Jom, istorya ng true love ang matutunghayan natin sa Sabado.
“Magdyowa pero, hindi nagkatuluyan.  Nag-asawa ako ng iba pero true love namin ang isa’t isa.  Namatay ‘yung asawa ko.  Hinanap ko siya and nalaman ko na ‘di siya nag-asawa after so many years.
“Nagpakasal kami na late 40s na ang edad namin.  Simple lang pero nakakaantig ng puso ang mga eksena…”
Joining the cast are Bernadette Allyson, Debraliz and Ms. Daria Ramirez.
Tinatawanan lang ako ni Jom kapag tinutukso ko sila sa isa’t isa uli ni Aiko.  Eh, para namang istorya rin sila ng “MMK.”  In the end, who knows, baka sila pa rin pagdating ng panahon!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.