Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Mayo 3, 2012

Ryan ayaw papigil sa ‘panggigigil’ kay Juday


Right Timing
By: nora v. calderon





NAGKAROON ng press presentation ang “Talentadong Pinoy” ng walong napiling best talent ng reality show para tanghaling third Talentadong Pinoy Ultimate Talentado sa dalawang gabing battle of the champions sa May 5 and 6. 
Ang mga Hall of Famers ay sina Ayegee, Melbelline, Dancing Is Fun, Craig and Samantha, Astroboy, Sustantivo, Monica and Rhyzza
Among the eight contenders, gusto naming manalo ang 15-year-old na si Melbelline dahil naiiba ang contest piece niya, ang pag-awit niya ng mga kundiman. 
Napansin namin na buung-buo ang boses ni Melbelline kahit medyo itinataas niya ang tune.  At para sa amin, siya ang tamang-tamang isali sa WCOPA (World Championship of Performing Arts) na ayon sa host na si Ryan Agoncillo, ay isa na sa mga tatanggaping premyo ng mananalo, kasama ang P 1million at isang brand new car.
            Ang Battle of the Champions ng “Talentadong Pinoy” ay live na mapapanood sa Sabado, May 5, at ang announcement ng winners ay sa Linggo, May 6, mula sa Quezon Memorial Circle. 
Ang reality show ay nasa ikaapat na taon na at dinidirek ni Rich Ilustre.  Ilan sa ini-expect na judges ay ang wife niyang si Judy Ann Santos at si Nora Aunor
Wala raw lamang siyang alam pa kung sinu-sino talaga ang magiging judges ni

  * * *

 MUKHANG hindi napalambot ni Ryan Agoncillo ang puso ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo dahil sandali pa lamang silang nag-uusap na nagso-sorry si Ryan kay Alfie, umalis na ang huli sa presscon. 
Nagtampo si Alfie na sa iba pa niya nalamang nag-honeymoon ang mag-asawa sa Maldives noong third wedding anniversary nila dahil hindi sila nagpaalam sa kanya. 
Hindi raw naman alam ni Ryan na hindi nagpaalam ang asawa sa manager nito.  Umalis sila noong April 23 at bumalik dito noong actual wedding anniversary nila, April 28. 
Ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho ay iniwan nila sa pag-aalaga ng dalawa nilang mommy. 
Sa tanong kung totoong hindi na si Alfie ang manager ni Juday at pumirma na ito ng contract sa ABS-CBN, wala raw siyang alam na pumirma ang asawa, at sa palagay niya never maghihiwalay sina Alfie at Juday
Since nasa TV5 siya, hindi kaya lumipat na rin si Juday doon para magkasama na sila?  Kung lilipat ang asawa, hindi raw siya makikialam. 
Hindi raw naman humihingi ng advice si Juday, nagtatanong lamang ito kaya biro ni Ryan, okey lamang kung lilipat si Juday basta hindi raw lamang ito lilipat ng bahay, iyong aalis sa bahay nila. Kung saan daw masaya si Juday, doon siya.
Wala pa bang kasunod si Lucho who is now one and a half years old na?  Hindi raw naman nila pinipigilan, kung meron, salamat, kung wala pa, naniniwala raw sila ni Juday na dapat masundan si Lucho kapag two and a half years old na ang anak. 
Kaya sa ngayon daw, ayaw nilang i-miss ni Juday ang mga bagong development na nakikita nila kay Lucho
At siya naman, ini-enjoy niya ang kaseksihan ni Juday.  Kahit daw marami siyang nakikitang sexy girls, iba pa rin ang kaseksihan ng asawa niya.

                                                            * * *

 SA “MY Beloved” mamayang gabi, patuloy ang pagtitiis ni Sharina (Marian Rivera) sa mga pahirap ng Tiya Elsa (Chanda Romero) at Ginella (Saab Magalona) at para kumita, mapipilitan siyang pumasok sa isang spa, hindi niya alam, pag-aari din pala iyon ni Emmie (Katrina Halili) at sa unang araw ng trabaho, hindi siya pinasahod ng amo niya, panggigipit pa rin ni Emmie
Taxi driver na si Benjie (Dingdong Dantes) at minsan, nakita niya si Sharina na akala niya ay namamalikmata lamang siya, hindi niya alam buhay talaga si Sharina
Pinagseselosan pa rin ni Emmie si Sharina nang mabanggit ito ng asawa na akala niya ay si Sharina ang nakita niya kaya nag-away sila. 
Nag-away din sina Sharina at Nelson (Mikael Daez) nang malaman niyang sinisiraan siya ng asawa sa anak niya, pero hindi lumaban si Sharina, tiniis lamang niyang lahat iyon. 
  Muling nagkaharap sina Sharina at Emmie nang nagtangkang mangutang si Sharina sa amo niya, at si Emmie ang nakaharap niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.