Mga Kabuuang Pageview

Martes, Abril 24, 2012

Kris, James at Bimby mistulang happy family


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR

MISTULANG happy family sina Kris Aquino, James Yap at Baby James Yap noong nakaraang April 19 kung saan ay nagdiwang ng kanyang ika-5 kaarawan si Bimby.
        Nagkaroon ng party si Bimby na Ben 10 ang theme na parehong dinaluhan nina Kris at James at base sa ipinakitang selebrasyon sa “Kris TV” last Monday, parang napakaayos naman ng relasyon ng dating mag-asawa.
        Sa interview ay sinabi ni James ang kanyang pasasalamat kay Kris sa pagpayag nitong mahiram at makasama ang anak nilang si Bimby.
        Very private ang naturang b-day party na dinaluhan lang ng mga ninong at ninang na sina Boy Abunda, Cory Vidanes, Deo Endrinal at Lucy Torres-Gomez, gayundin ng Aquino family including the President Noynoy Aquino.

       * * *
 Valerie tinanggihan ang alok na kasal ng bf 

 INAMIN ni Valerie Concepcion sa interview niya sa “Kris TV” aired last Monday na nag-propose na ng kasal ang long-time boyfriend niyang PBA player na si Dondon Hontiveros sa kanya pero tinanggihan niya ito dahil hindi pa siya ready.
        Pero bago ito ay inamin din niyang dumaan sila sa cool-off period ni Dondon at kaka-reconcile lang.
        "Bago kami nagkabalikan, 'yun ang kinukulit niya sa akin, 'yung kasal.  Kaso ako naman 'yung natupe.  Hindi pa ako ready.  Hindi ko alam kung sinabi niya to win me back o gusto na niya, hindi ko pa alam," say ni Val sa panayam.
"Pero sinabi ko sa kanya na hindi pa ako ready.  Kung magbabalikan tayo, tingnan natin kung mapupunta doon. Pero sa ngayon hindi pa," say pa ni Val.
Ini-reveal din ng aktres na siya raw ang nag-initiate ng cool-off sa kanilang relasyon na tumagal ng three months, from November 2011 hanggang February this year.
Ayon kay Val, kinailangan lang daw niya ng space sa kanilang relasyon kaya nakipag-cool-off siya for a while.
Well, feeling namin ay may trauma pa talaga si Val sa nangyari sa kanya in the past kaya up to now ay parang napapaso pa siya sa pagpapakasal.
        Anyway, pagdating naman sa kanyang career, happy si Val na magiging regular pinch-hitter siya sa “Umagang Kay Ganda” which will start soon kaya abangan.
* * *

DINAGSA ng hindi lang ng mga taga-San Jose del Monte kundi ng mga karatig lugar ang bagong-bagong P15-B halaga ng Starmall na binuksan noong Linggo (Abril 15) sa San Jose del Monte, Bulacan.
Kasabay ng pagbubukas ng Starmall San Jose del Monte ay ang  “Valiente” mall tour nina JC De Veraat Nina Jose noong 2:00 p.m., Album tour ni Erik Santos, 6:00 p.m., at ang  San Miguel Beerpresent, Jovit Baldivino and Aiza Seguerra.
Mayroon ding mall tour si Bryan Termulo na ginanap noong April 20 , Jimmy Bondoc mall tour noong April ,  Batibot mall tour last  April 22 , Luke Mejares mall show Presented byKalsada Juan sa April 25, @4:00 p.m.; at ang Bugoy Drilon & Liezel Garcia mall tour sa April 28, @4:00 p.m..
Ang naturang Starmall ay ang ika-anim na ipinatayo ni Sen. Manny Villar at ng Starmall Group at pinaglaanan ng P15-B over the next five years para sa nationwide expansion nito kasama na ang pagtatayo rin sa Visayas at Mindanao.
Ito ay mayroong three-level at may total lot area na 52,522 square meters, na may combined area of the group’s malls to 400,000 square meters.
Ang bagong Starmall ay matatagpuan sa San Jose del Monte, malapit sa Quezon City at sa planong main Northern terminal para sa proposed light rail project gayundin sa proposed loop highway na magkokonek sa North at South expressways. 
Ang limang malls pa ng Starmall ay matatagpuan sa Las Pinas City, EDSA Shaw,  Alabang, Las Pinas and Worldwide Corporate Center.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.