Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 16, 2012

Heart at Daniel kumpirmadong hiwalay na


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  

 HALOS dalawang taon na rin sana ang relasyong Heart Evangelista at Daniel Matsunaga pero nauwi rin ito sa paghihiwalay.
Kumpirmado na ito at pinag-uusapan na.
Hindi naman daw maikakaila ang mga pangyayari sa mismong Tweets ni Heart sa kanyang account.  Madali namang nasabi nito ang kanyang saloobin.
“Being single is embracing growth…Breakups don’t always mean the other one was bad or we didn’t love each other…it could just be…we were too different.”
At sa nasabing pangyayari, mukhang ang Brazilian model-actor pa nga raw ‘ata ang hindi ma-take ang nangyari sa kanila ni Heart o sa kinahantungan ng relasyon nila.  Nagtu-Tweet din daw ito pero with a sad face na icon na nga sa mga nasabi niya.
And he even asked God why dahil he tried naman daw.  Kaya sa mga sandaling ito, bakasyon muna raw siya sa Twitter dahil sad siya o masama ang loob.

Sigurado, masasaktan din ang pamilya ni Daniel sa nangyari. Naipakilala na niya si Heart sa mga ito nang magbakasyon sila in Brazil some months back.
Anyayare ba?  At mukhang ang mga anak ni Eba ang siya ngayong nakikipagkalas sa kanilang mga karelasyon? 
Kahit nung una eh, panay ang deny ni Heart na nag-split na sila ni Daniel, dahil matagal na itong lumabas, she did her best para maitago pa rin ito.
Pero sa ngayon, taglay na raw ni @heart021485 ang different mindset. Dagdag pa niya, “When the end comes, a new chapter begins.  Its hearts time again.” Pero kung si Daniel eh, sad ang emoticon, happy na ang kay Heart.
April 14, 2012 nang maglabasan ang Tweets ng dalawa sa estado ng kanilang relasyon.
Halos kasabay ng anibersaryo ng paglubog ng “Titanic” noong April 15, 1912.
May hope pa kaya para sa pagbabalikan nila? Mukhang si Daniel lang ang tanging makaka-solve nito.
Kung dahilan ang uusisain, mukhang silang dalawa lang talaga ang nakakaalam.
* * *

SIGURADONG may bago na namang kagigiliwang palabas ang mga suki ng ABS-CBN sa pagsisimula sa Primetime Bida ng “The Princess and I” ngayong gabi na tatampukan ni Kathryn Bernardo with Gretchen Barretto, Albert Martinez, Lara Quigaman, Dominic Ochoa at ang tatlong binatang napapalapit ang puso sa dalaga maski off-screen na sina Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla.
Sa trailer pa lang, impressive na ang mga eksenang ipinapakita na mula sa direksyon ni Dado Lumibao at Francis Pasion -- at na-capture nila ang ganda ng bansang Bhutan.
Kahit hanggang ngayon eh, patuloy pa ring pinagbabangga sina Kathryn at Julia Montes, hindi naman nagpapaapekto rito ang isa sa masasabing prinsesa nga sa ngayong ng Kapamilya na si Kathryn.
Kahit na nadulas ito sa kanilang press conference sa pagsasabing pang-matanda na ang roles na itinotoka kay Julia, na kinorek naman niya sa pagsasabing mas mature na ang mga ginagampanan nito, hindi naman daw siya nagmamadali.
Thankful nga siya dahil sa pagdating ng nasabing proyekto.  Pati na nga ang pagbili ng bahay ni Julia eh, ikinumpara rin sa katayuan ngayon ni Kathryn.
Pero sabi ng dalaga, may bahay na sila.  At nakabili na rin naman daw siya ng personal niyang sasakyan.  At kung may iba pang mga bagay siyang aasaming makamtan sa pagdating ng mga blessings sa buhay niya, these are things na sasagot sa pangangailangan ng pamilya niya.
At sa lovelife naman, kahit na sinasabing si Daniel ang pursigido ngayong mapalapit sa kanya, hindi pa rin daw ito ang magiging prayoridad ng dalaga.
It’s her time to shine.  Let’s see what she has to offer!  








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.