Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Abril 12, 2012

Amalia di pa handang bumaba sa level ni Annabelle


Mula sa pahayagang Aksyon
My E-net
By Gas Gayondato


MAY bagong laban pala si Ms. Annabelle Rama, at ito ay ang laban niya with no less than the former
movie queen – Ms. Amalia Fuentes.
                Sa pagkakaalam ko hindi pa tapos ang laban ni Ms. Rama with Nadia Montenegro, so does it
mean their case will take the back seat muna to give way to the newest Twitter war in showbiz?
                Hindi pa malinaw sa akin ang puno’t dulo ng word war nina Annabelle at Amalia.  Pero maging si
Annabelle pala ay hindi rin alam kung bakit nagagalit sa kanya si Ms. Fuentes.
                Ang alam ko lang, lumala ang ‘away’ nila nang minsan daw mag-dinner ang mag-asawang Eddie
Gutirrez at Annabelle,  ay ipinasa ni Gloria Diaz (na nasa tabing table lang nila that time) ang phone kay
Eddie, kung saan maririnig sa kabilang linya si Ms. Amalia na nagsasalita laban kay Annabelle.
                Ang insidenteng ito raw ang nagtulak kay Annabelle para mag-tweet ng kung anik-anik  na
ikinapikon nina Ms. Amalia at Gloria.
                Ang isa pang pagkakamali raw ni Annabelle ay nang makati-katihan nitong dumaan sa burol ng
late husband ni Ms. Amalia, na si Joey Stevens, sa Santuraio de San Jose.
                Nilapitan daw si Annabelle ni Ms. Amalia at saka sinabihang lumayas sa naturang wake.
                Ang insaidenteng yun daw ang nag-trigger para magpalitan ng di magagandang mensahe ang
dalawang bruha sa Twitter.
                Sa panayam naman ni Korina Sanchez kay Ms. Amalia sa “TV Patrol” ay tumanggi ang huli na
magsalita tungkol sa ‘away’ nila ni Annabelle.
                Aniya, she’s not yet ready to deal with Annabelle on her level – yung salitang maiintindihan nito
(Annabelle) at ng kanyang followers.  It’s hard daw kasi to go down to her level.
                Ay,  ganun!  Taray!
* * *

Baguhang Sexy Star 170k per dyug, Sexy actress 20k na lang?


NAKAKATAWA naman yung tsika sa amin ng isang bugaw tungkol sa isang baguhang sexy star o si Sexy
Star no.1;  kalalaos lang na sexy star o Sexy Star no. 2 at  matagal nang laos na sexy star (puwede na ring
sexy actress) o si Sexy Star no.3.
                Ang tatlong nabanggit na sexy stars ay pare-pareho pala ng diskarte sa buhay, as in pare-pareho
daw nagpapabuking ang mga ito.
                Sa madaling salita, mga padyug – mga nagpapabayad para sa isang gabing kaligayahan.   Alam
niyo na…
                Magkakapareho man ng diskarte ang tatlong bruha, e, magkakaiba naman daw ng tf o talent fee
ang mga ito.
                Of course, dahil medyo sariwa pa si Sexy Star no.1, nakakapagpresyo raw ito hanggang 170,000
peso-pesoses.
                Bongga, di ba?
                Si Sexy Star no.2, dahil medyo kalilipas lang ng kanyang kasikatan at kasariwaan ay nage-gets pa
 naman daw sa halagang hanggang 150,000 peso-pesoses.
                Bonggacious pa rin kung tutuusin, di ba?
                Ang nakakaloka ay si Sexy Star no.3.  dahil sa kabila ng kanyang edad, na alam naman nating
pinaglipasan na ng panahon,  ay nagpapabuking pa rin pala.
                Hulaan niyo kung magkano ang presyo sa merkado, (presyo sa merkado?!) ng gurang nang sexy
Star -- it’s 20,000 peso-pesoses.
                Tsk, tsk, tsk, samantalang nung kasariwaan at katanyagan ng sexy star ay walang benesa (read:
sinabi ) ang 150 at 170 thou nina Sexy Star no. 1 and 2 ‘no!
                

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.