Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 23, 2012

Cristine bait-baitan na sa Twitter


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  

NATAWA na lang ako sa reaksyon ng katotong Ogie Diaz sa mga pinaggagagawa ngayon ng idinemandang kapatid ni Ara Minang si Cristine Reyes.
Kasi nga, pawang Bible verses na raw ang nababasa ngayon doon.  Na hindi ginawa ni Cristine sa panahon ng Semana Santa.  Dahil sa panahong ‘yun nito kinatkatan ng kung anu-anong kasiraan sa kanyang mga text message ang Ate niya, pati na ang mga taong malalapit dito.
Kaya, ang say ni Ogie, baka naman daw na-hack ang account ni Cristine kaya pawang mga salita ng Diyos na ang ibinabahagi nito sa kanyang Twitter account.
At sa kasagsagan naman ng usapan sa nasabing pagsasampa ng reklamo laban sa kanya ng nakatatandang kapatid, mas minabuti nito ang maglunoy sa pristine waters of Boracay.  Kasama ang mga itinuturing daw nitong mga kaibigan.
Kaya panay ang padala ni Cristine sa kanyang Instagram ng mga kaganapan sa lakad na ‘yun with a certain Ricardo Miguel Jacinto Lopez na kamag-anak ng tagapagtanggol niyang si Jade Lopez.

May nagtangka naman ‘atang mediang habulin si Cristine sa kanyang lakad pero hindi naman daw ito nagpaunlak na makapanayam.
Since she’s sharing to all and sundry her days and nights in Bora-panoorin na rin natin kung ano ang ini-enjoy niya habang wala siyang pakialam sa kung ano nga ba ang kahahantungan ng alitan nila ng kanyang Ate.
Naloloka rin ang mga nakabasa ng isang recent interview nito sa isang babasahin kung saan inako lang niya ang pagbili ng bahay para sa kanilang ina ni Ara (Mommy Frances Klenk).
Sana nga sa saglit na bakasyon na ito ng tinatanggap na naman (base na rin sa kanyang text messages kay Ara) niyang pasaway siya eh, may nabuksan naman sa sinasabi niyang matalino niyang utak sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya.
* * *
Anne nag-MRT ang byuti 

 NAKAKATUWA ang bagong Box-Office Queenna si Anne Curtis.
Para lang hindi siya ma-late sa show niya sa ABS-CBN, at nagkasunod nga ang pagtapos niya sa taping niya, sumakay ito ng MRT.
Na-late pa rin si Anne sa “It’s Showtime” pero mga ten minutes lang naman na hindi raw mangyayari kung sinugod pa rin ng sasakyan niya ang trapiko.
Marami nga ang ginulat ng dalaga sa kanyang ginawa.  Kaya, nang pumasok siya sa lugar para sa kababaihan, medyo shocked ang mga nakakita sa kanya.
Kaya nang may magsimula nang magpakuha ng picture sa kanya, nagsunud-sunod na ang mga naroroon para itutok na sa kanya ang kanilang mga cell phone cameras.
Kahit na may dugong banyaga si Anne, isinasa-buhay pa rin nito ang pagiging Pinay at ginagampanan ang papel niya para lalo pang idolohin ng mga tagahanga nila.
Kaya nga tuwang-tuwa rin sa kanya ang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis Smith -- dahil ang pangaral sa kanya ng Ate niya eh, ang magtapos ng pag-aaral.  Dahil puwede pa rin naman daw niyang ituloy ang pag-aartista dahil bata pa naman siya.
Mga banyaga sila pero ang paggalang nila sa kanilang mga magulang eh, hindi matatawaran.
Naikuwento na namin nang magtungo rito ang butihing ina nina Anne at Jasmine.  At sa halip na mag-spend si Jasmine ng pera para sa sarili niya noong nagdaang birthday niya, she opted to give her mom a shopping spree, pagkatapos na mag-donate muna siya sa mga ulila sa CRIBS.

Siguro naman ngayon, matatauhan na tayo sa mga artistang dapat nating ilagay sa pedestal. ‘Yung una, may pagmamahal sa Panginoon, ikalawa, sa mga magulang at ikatlo, sa kapwa-tao.
Pasok dito ang magkapatid na Curtis-Smith!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.