Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 20, 2012

Cristine sobra ang pambabastos kay Ara


SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR

AS WE go to press, talk of the town ngayon ang ginawang pagsasampa ng kasong libelo and grave coercion ni Ara Mina sa sariling kapatid na si Cristine Reyes noong nakaraang Miyerkules sa Quezon City Hall.
        Kasamang nagsampa ni Ara ang dalawa niyang publicists na sina Leo Bukas at Pilar Mateo na awang-awa sa aktres matapos malaman ang dahilan ng pagsasampa nito ng kaso.
        Sa 13-page-complaint affidavit na isinumite ni Ara sa piskalya, nakasaad doon ang pinagsimulan nila ng gusot ng nakakabatang kapatid kaya naisipan niyang magsampa ng kaso.
        Ayon sa affidavit ni Ara, noong taong 2009 ay bumili sila ng property na nagkakahalaga ng 3.3M para sa kanilang inang si Mrs. Francis Marie Klenk.
Napagkasunduan daw nilang magkapatid na si Cristine ang magbabayad ng down na 1M at si Ara na ang magpapatuloy ng balanse na 2.3M
         So, ganu’n nga ang nangyari base sa affidavit.  Natapos ni Ara na bayaran ang balaseng 2.3M noong 2011 pero nasa pangalan pa rin naman daw ni Cristine ang property hanggang ngayon dahil ito raw ang nakalagay na buyer.
        Pero nito raw Marso, nagsimula raw mag-demand si Cristine kay Ara na bayaran na ang utang sa kanyang 1M na ipinang-down nga niya sa bahay.
        Nakasaad pa rin sa affidavit ni Ara na tumanggi siyang bayaran ang 1M dahil ang alam daw niya ay wala naman siyang utang kay Cristine.  Pero naging mapilit daw ang nakababatang kapatid at dito na diumano siya nakatanggap ng sunud-sunod na pananakot at panlalait sa kanya sa pamamagitan ng text messages.
              Nakalagay lahat sa affidavit ang mga diumano’y text messages ni Cristine kay Ara at nakaka-shock talaga’t di mo ma-imagine na manggagaling sa young actress.
Ang term nga ng isang writer din na nakabasa, nakakalupaypay daw ang mga text messages ng batang aktres.
        Kilala namin si Cristine na prangka’t sinasabi at ginagawa talaga ang gusto pero yung mga nabasa kasi namin diumano’y text messages niya, parang galing sa isang taong walang pinag-aralan lalo na ang mga choice of words na ginamit.
        Kung totoong si Cristine ang nag-text, sobra nga ang pambabastos niya sa kanyang ate at maiintindihan mo kung bakit nagsampa ng demanda si Ara.
       Sa text ay paulit-ulit niyang tinatawag na bobita si Ara and the worst of it all, tinawag pa niya itong “po…k” at kung anu-ano pang panglilipusta sa pagkatao ng kapatid.
      “Kaya iyak nang iyak si Ara kasi para na raw siyang pinatay ni Cristine. Irespeto man lang sana niya si Ara bilang tao na lang, hindi na bilang kapatid,” sabi ng katotong Pilar na halos napapaiyak na sa awa kay Ara.
       Tulad ni Pilar ay napaiyak din si Leo B. habang nagsasampa ng kaso si Ara sa awa sa aktres.  Matagal na siyang publicist ni Ara at alam daw niya kung gaano kamahal ng aktres ang nakababatang kapatid.
       “Si Ara ang nagpaaral kay Cristine.  Pero anon’g text ni Cristine sa ate niya, magkano raw ba ang nagastos sa pag-aaral na ‘yun at hanggang kaylan daw ba siya magbabayad ng utang na loob,” kwento ni Pilar and Leo.
        Ang lalo pang ikinagalit nina Pilarsky and Leo, tinawag silang cheap reporters ni Cristine.
         “Nag-text si Cristine kay Ara at ang sabi, “Sige, siraan mo ako sa mga cheap reporters na kaibigan mo na sina Leo at Pilar!” Nakakaloka siya, ang taas na ng lipad niya, eh sino ba siya?” sabi pa ni Pilarsky.
          Say naman ni Leo B., kung pwede lang daw niyang luray-lurayin si Cristine ay ginawa na niya sa sobrang galit niya.
         As we write ay wala pang sagot si Cristine hinggil sa issue o ang kanyang kampo at napakaraming nagtatanong kung bakit nagawa niya ito sa kanyang ate.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.