Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 16, 2012

Sexy Actress akala mo kung sinong pulubi pag walang pera


Mula sa pahayagang Aksyon
My E-net
By Gas Gayondato


 “Akala mo kung sinong mayaman pag may pera… pero pag walang pera akala mo kung sinong
pulubi,”  masamang-masamang loob na tsika ng isang talent manager patungkol sa alaga niyang
sexy actress.
            Galit-bati ang drama ng talent manager at ng alaga niyang sexy actress.  Kapag wala
kasing datung ang alaga niyang sexy actress ay ang bait-bait daw nito sa kanya kaya
magkasundung-magkasundo sila.
            Pero once raw nakahawak ng malaki-laking halaga ang naturang sexy actress ay nag-iiba
na raw ang ugali nitey -- dinidedma-dedma na lang siya.
            Katulad na lang daw nang magkaroon sila ng show sa isang malayong probinsya.   
Nakaraket daw ang sexy actress ng ekstrang one hundred thousand peso-pesoses pero ni
singkong duling ay di raw siya nitey binalatuhan.  Dinidedma-dedma na lang daw siya nitey.
            Ayaw naman daw niyang manghingi dahil tiyak na mura lang ang aabutin niya ditey.
            Ang gusto ng nabanggit na talent manager ay magkusa ang kanyang alaga na anggihan
naman siya ng kahit konting datung, tutal malaki naman daw ang kinita nitey but it seems the
sexy actress has already mastered the Art of Dedmatology, ha-ha-ha!
            Clue?  Huwag na kayong humingi ng clue at baka kati-katihin pa ang dila ko ay
mabanggit ko pa ang name ng nasabing sexy actress.
            Look na lang kayo sa sky, whew!

* * *

Aktor nilimas ng kasambahay ang bahay?


KAMAKAILAN lang ay ninakawan diumano ang isa sa mahuhusay na character actors ng bansa na si Mike Lloren ng kanyang kasambahay na nangngangalang Renajoy Badoy, tubong Negros Oriental.
Ayon pa sa tsika ni Ms. Troy Catan (talent manager and show producer) malaking halaga raw ang nilimas ng nasabing katulong sa bahay ng aktor.
Mahigit kumulang kalahating milyon daw ang tinangay nito.  Agad naman daw itong pinaalam ni Mike sa ahensiyang pinagkuhanan niya sa katulong, sa St. Luciene Epmloyment Agency sa JP Rizal Makati.
Sad to say, dedma lang ang natanggap ng nasabing aktor sa nasabing ahensiya.  Wala raw silang magagawa at hindi daw nila responsibildad ang kanilang mga aplikante pagdating sa mga bagay ng pagnanakaw.
“Naku ha, may ganun?  Baka naman kasabwat ang nasabing ahensiya na St. Luciene Employment Agency?
“Hindi kaya isa lamang itong modus operandi ng mga ahensiya na mega dedma sila sa impormasyon sa nasabing katulong  pero ang ending kasabwat sila,” duda pa ni Ms. Catan.
In fairness naman sa nabanggit na ahensiya,  wala naman siguro silang ganung klaseng modus operandi, kaya huwag mo silang agad-agad husgahan, bruha.
Anway, kung sino man ang nakakakilala kay Renajoy Baduy at kung saan siya matatagpuan ay ipaalam niyo lang daw kay Mike.
Just call or text sa cp no. niya na 09178566453....
So, alam niyo na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.