Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Abril 25, 2012

Angel di kapani-paniwalang babalik sa GMA 7


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Ni Pilar Mateo

KUMALAT ang balitang diumano’y pipirma ng kontrata sa GMA-7 ang aktres na si Angel Locsin! Kaugnay ito ng nalalapit na pagtatapos na ng kontrata niya sa ABS-CBN.
Nakakausap kami ng may access sa Kapuso at pinabulaanan ang nasabing balita. 
Hindi raw totoo na nagtungo si Angel sa GMA-7 para umupo for a meeting.
Unfair din naman ito kay Angel.  Dahil alam naman ng lahat na umalis siya sa GMA-7 at ngayong matatapos na ang kontrata niya with ABS-CBN eh, babalik siya sa inalisan niyang bakuran.  Nakakatawa lang.
Ang nakarating sa amin, may proyekto ngang gagawin si Angel sa Star Cinema.  At ito na nga ‘yung proyektong makakasama niya si Angelica Panganiban.  At ang 
magiging leading man nila eh, si Dingdong Dantes.
Hindi pa naman ito kinumpirma ni Dingdong na na-interview na tungkol doon.  At ang sinabi na lang ng aktor eh, hangga’t wala pa ang proyekto at hangga’t hindi pa nagro-roll ang camera at siya na ang nasa harap nito eh, wala pa nga raw siyang makukumpirma.
Nakakapagtaka lang kung bakit may lumabas na ganitong balita about Angel. 
Kung matatapos na ang kontrata nito with ABS-CBN, hindi ba ang dapat na itanong sa kanya eh, kung magre-renew na ba siya uli?
Kung ang balita eh, sa TV5 siya lilipat o makikipag-meeting eh, baka mas kapani-paniwala pa.  Pero GMA-7?  Umalis nga siya du’n, eh!
* * *

ANG “PBB Unlimited” Big Winner na si Slater Young ang kasama sa mapapanood na episode ng “MMK” (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (April 28) ng gabi sa ABS-CBN.  Gagampanan niya ang papel ni Andrei.
Love story ito na tatalakay sa annulment.  Si Dimples Romana ang bida sa papel ni Michelle na may tatlong anak at maybahay ng isang iresponsableng asawa (Lloyd Zaragoza).
Being a battered wife, gusto na niyang makipaghiwalay sa kanyang asawa.  At makikilala niya ang isang lawyer (Ian de Leon) na eventually eh, makakahulugan niya ng loob.
Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan?  At makamtan kaya ni Michelle ang nais niyang pagkalas na sa pagsasama nila ng kanyang asawa?
Mula sa pananaliksik ni Matet Balanay at iskrip ni Joan Habana, idinirihe ito ni Nuel Naval at tatampukan din nina Madz Nicolas, Soliman Cruz, Kaye Miranda, Charles Christianson at Alyanna Angeles.
* * *
IN FAIRNESS, malakas pala talaga si Jason Francisco, ha?
Maybe it’s because he truly has a good heart at lababel ngang talaga sa kanyang mga tagahanga!
Sa “1M to 1M” campaign ng Bench, siya ang unang celebrity endorser na naka-earn ng 100,000 votes.  At ang katumbas nito eh, ang cash prize para sa pipiliin’g charity ng celebrity na aabot sa nasabing mark o votes.
Naungusan ni Jason ang mga kapwa niya Bench endorsers na sina Jake Cuenca, Enchong Dee, Dingdong Dantes, pati na si Shaina Magdayao.
Kaya naman kahit pa sabihing nursing a broken heart ang Jason dahil sa break-up nila ni Melai (Cantiveros), may saya pa rin daw sa puso niya dahil sa nangyari, na makakapagbigay tulong siya sa mga lola sa pinili niyang charitable institution.
Ipinagkaloob ni Jason ang P100,000.00 sa Mother of Mercy Home for the Elderly and Abandoned na matatagpuan sa San Pedro, Laguna.
Ang wish ngayon ni Jason eh, to take a vacation.  Aminado naman itong may mga pagkakataong nagugulo pa rin daw ang isip niya dahil sa nangyari sa kanila ni Melai.  Kaya nga minsan daw eh, okay siya at minsan eh, hindi.
Hindi pa naman daw niya gustong isiping tuluyan nang natuldukan ang lahat sa kanila ni Melai dahil may mga pagkakataon naman palang nakakapag-communicate pa sila.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.