Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 20, 2012

Gabby okey lang na makatrabaho si Piolo


Xkandalo
Ni Roldan Castro

WALANG masamang tinapay kay  Gabby Concepcion.  Okey lang sa kanya na makatrabaho si Piolo Pascual!
Sa kabila ng break-up nina Piolo at ng anak ni Gabby na si KC Concepcion, walang nakikitang masama si Gabby kung makakasama niya sa isang project si Piolo.
“Dati ko pang… noon, noong wala pa sila ni KC, sabi ko it would be nice na gumawa kami ng… kasi nasa Star Magic din ako noon, meron akong idea na maganda sana na magsama-sama yung mga boys sa pelikula, sa Star Magic.
“Si  Piolo, kasama si Diether Ocampo, may time na naging close kasi ako sa kanila e, sina John Lloyd  (Cruz), si Coco  (Martin),” umpisang pahayag ni Gabby nang makatsikahan namin siya sa presscon ng pelikulang “The Mommy Returns”  ng Regal Entertainment Inc.  na showing on May 9.
 “Okay lang naman sa akin, trabaho lang e, walang personalan, di ba? Ang sa akin lang is yung project. Kung may project sana na puwedeng gawin na ganoon, at least yung kakaiba siya.”
Kaya niya na makaharap at makasama si Piolo sa kabila ng mga nangyari.
“Ano yan e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan e, wala naman tayo dun.  Ang akin lang nasaktan lang yung bata.  But everybody goes through a relationship na nasasaktan ka.  Sabi nga, you live and learn.
“After that, life goes on.”
Hindi siya nagalit?
“Well siyempre nagalit ako dun sa kahit na sinong manakit sa anak ko, just like any parent would feel pag nasaktan ang anak nila.
“Pero iyon lang yun, walang personalan.  Unang-una hindi ko naman siya kilala, hindi naman ako yung may relasyon.  It is a general feeling, bilang tatay.”
Hindi pa raw nakikita ni Gabby si Piolo matapos ang nangyari kina KC at Piolo.
“Hindi, walang pagkakataon, e.  Kasi wala na ako ngayon sa Channel 2, well noon, wala naman akong mga shows sa studio, wala naman akong pelikula, walang pagkakataon na magkita kami.”
Kung nasa harapan niya si Piolo, ano ang sasabihin niya dito?
“Wala naman akong sasabihin sa kanya because tapos na yung naging feeling ko nung nasaktan si KC.  At that moment kasi, siyempre hurting siya, umiiyak siya, sasamahan  ko yung anak ko. ‘Ano ba problema, ano nangyari?
“Nabangga ka? Sino yung sasakyang bumangga sa iyo?  Bakit ka binangga?  So nagkaayos na ba kayo?  Ano ang naging problema?  
“Punta kayo sa korte, inayos kayo ng pulis, o di ayos na? Okay na, hindi na masakit ang katawan mo, hindi na? Okay na, magaling ka na?’
“O e di tapos na yun!”
Anyway, bukod kay Gabby ay lead stars rin ng pelikula rin sina Ruffa Gutierrez, Pokwang, John lapus, Jillian Ward, Kiray Celis at si Miss Gloria Diaz.
Directed by Joel Lamangan and showing on May 9 sa mga sinehan, kasama rin sa pelikula sina Kerbie Zamora, Yaya Moi, Hiro Magalona at si Ervic Vijandre.
Tsuk!
* * *

WALANG pagsubok na inaatrasan si Aga Muhlach.  Lumangoy na ang tanyag na aktor kasama ng mga butanding sa Sorsogon at nilabanan niya rin ang matinding lamig ng Alaska.
Pagdating sa paghahatid ng mga mga kapanapanabik na mga adventure, si Aga ang maaasahan ninyong kasama.
Ngayong Linggo sa “Pinoy Explorer,” panibagong adventure ang gagawin ni Aga sa pagpunta niya sa Batanes.  Dito ay papasukin niya ang Torongan Cave sa Itbayat Island -- ang pinakahuling isla sa hilaga ng Pilipinas na may naninirahang mga tao.
Matapos ang nakakapagod na paglalakbay sa Torongan Cave, mararanasan naman ni Aga ang manirahan sa isang tahanan sa Itbayat.  Wala ang mga kaginhawahang
nakasanayan niya sa siyudad gaya ng aircon at kuryente, mag-survive kaya si Aga sa lugar na ito?
Mula sa Itbayat Island, tutungo si Aga sa isla ng Sabtang.  Dito makikilala ni Aga si Noli Gabilo, isang dating mangingisda na ngayon ay isa nang tanyag na photographer.  
Expert si Noli sa pagkuha ng travel photos at ang mga kuha niya ng Batanes ang madalas na nakikita natin sa mga websites at magazines. Dadalhin ni Noli si Aga sa bayan ng Savidug kung saan marami pang nakatayong stonehouses -- ang tipikal na tirahan ng mga Ivatan.
Bago matapos ang kanyang adventure sa Batanes, isang pagtatanghal ng sayaw na palo-palo ang gagawin ng mga kabataang Ivatan at hindi pahuhuli si Aga sa mga ito!
Siksik na kasayahan at impormasyon ang hatid sa inyo ng “Pinoy Explorer.” Abangan ang kakaibang paglalakbay ni Aga sa Batanes Islands ngayong Linggo, Abril 22, 6:30pm sa TV5.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.