Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Abril 29, 2012

Sharon pinagalitan si KC sa pagpapa-sexy


Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO|


ANG daming isyu na sinagot ang megastar na si Sharon Cuneta sa grand presscon ng kanyang daily show sa TV5 na “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” na magsisimula sa May 7.
Labis na nasaktan si Sharon sa paratang sa kanya na balimbing at walang utang na loob sa pag-alis niya sa ABS-CBN 2.
“Ako pa ba ang sasabihan ng ganyan, e, ako ang may values ng ganyan.  Kahit si Derek (Ramsay) na ang tino, isa pa…nu’ng lumipat dito.  Sabi ko nga, ang dami namang nagsilipat, wala namang reaksyon ‘yung iba.  Hindi kaya tayong dalawa, may konting importansya tayo,” reaksyon ni Shawie.
Paano kung tapatan din ng kabila ang bago niyang show?
“Siyempre, pag ganoon, wala ka nang magagawa dahil ano ba naman ang bottomline, nandito na ako,e!  Kasama ‘yun sa network wars nila..hahahaha.  Hindi naman ako kasali.”
Maapektuhan kaya ang friendship niya  sa mga executives sa kabila?
“Kung anuman ‘yung itatapat sa akin, wish ko lang ‘wag naman ang anak ko.  Pero kung sino man ang itatapat  sa akin, wala akong isyu.  Trabaho ito. Magpakitaan lang ng respeto,” tugon niya.
Paano kung si KC Concepcion talaga ang itatapat sa kanya?
“Masasaktan ako kasi anak ko ‘yun.  Parang bastusan naman ‘yun pag anak ko.  Pero
kung iba okey lang.  Huwag sana anak ko.  Kung si Juday( Judy Ann Santos), maiintindihan ko. Kung sinuman maiintindihan ko pero ‘wag ni KC,” deklara niya.
Kinumusta namin si KC kay Sharon.

“KC is fine. You know what, I’m happy to tell you that she is very, very happy now.  You will see naman,e!  Nagpatawad na siya at nag-move-on sa Piolo (Pascual) issue.
“My prayer also ay mag-move-on na rin ‘yung mga sumama rin ang loob siguro dahil sa break up.  Pati ako ay nag-move-on na rin dahil nag-move-on ‘yung anak ko.
“Anuman ‘yung feelings ko noon… Alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ, e! Winelcome ko siya with open arms.  Pero na-forgive na siya ni KC, ako pa?
“Ang akin lang is, sana man lang ay nag-text siya or nagpakita siya.  Kasi  alam mo ba since na  naging official girlfriend niya si  KC,  hanggang sa nag-break sila, hanggang sa araw na ito, nag-uusap  tayo, never siyang nagpakita sa akin.  Never!
“Parang hindi kami sanay sa ganoon.  Di ba  nu’ng officially boyfriend na siya, di ba dapat, the decent thing dapat sana para mag-bonding ay magpakita ka sa bahay.  Nu’ng lumiligaw ka naman, welcome ka dito,e!
“Pasensya na rin po kung may mga nasabi ako afterwards pero siyempre anak ko ‘yun. Kasi pinapasama pa ng ibang tao ‘yung anak ko.  
“Walang ganunan…kasi pag ganun magsasalita ako.  Hindi naman ako ‘yung type na makipagbangayan pa sa hindi naman kailangan.  Nirerespeto ko ang lahat ng tao na nagta-trabaho lang, di ba?
Nili-link ngayon si KC sa isang foreign singer?
“Naku, tawang-tawa ako diyan.  Si KC..after ng relationship with Piolo, hindi naman sa na-trauma pero maingat.  Ingat na ingat siya.  So, ang feeling niya is Diyos ko lalo na ito… Bristish…ano ito..hahahaha.
“Mukhang napakabait naman nu’ng bata..yung lalaki nagte-text, nagti-tweet.  Pero my God, kung saan-saang bansa magpe-perform ito.  Kung ‘yung Filipino nga, nakakatakot, e kagagaling lang niya dito kay Piolo… baka ma-one million times ang pain niya pag sakali,” sambit pa ni Mega.
Hindi pa raw ready ngayon si KC na umibig ulit.
Natuwa ba siya sa pagpapa-sexy ni KC sa mga pictorial nito sa magazine?
“’Yung totoo, hindi.  Ha!ha!ha!  Nu’ng unang-una kong kita sa cover.  Sabi ko, ay naku anak, kitang-kita puwet ko ‘yan. Ha!ha!ha! Tapos sabi ko, kumusta naman ‘yung inside pages. 
“Nu’ng  makita ko, pinagalitan ko siya pero aanhin mo, e, disente pa rin naman ‘yung anak ko, nakatakip pa naman ‘yun.  Wala namang balak mag-bold star.  
“At saka, hindi niya ginawa ‘yun dahil nasiraan siya ng ulo at nag-break sila.  Hindi totoo ‘yun.  Ginawa niya ‘yun dahil super work-out siya  nu’ng mga panahong ‘yun.  
“So, after Cosmo, sabi niya mama may isa pa po ‘yung Cosmo.  Ang tanong ko, ano ang suot mo?  Sabi niya,’ two piece.’ A, hindi bale dream ko naman ‘yan.  Isuot mo na.  Mauna ka na, ha-ha-ha, tapos sinabi last na ‘yun,” kuwento pa ni Mega.

* * *

PINABULAANAN ni Marian Rivera nang makatsikahan namin siya sa dramedy show niyang “Tweets For My Sweet na siya’y buntis.
Pero paano niya dadalhin kung bigla siyang mabuntis?
            “Paano ko iha-handle?  Siguro hindi naman kasi ako.  Natuto na ako.  Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang paninidigan. Kapag ginawa ko yun, kapag nangyari yun sa akin, ibu-broadcast ko ‘yan,” sambit niya.
So willing  na rin ba siyang magka-baby?
 “Oo naman.  Sino ba namang babae ang hindi gusto magkaanak, di ba?  Gusto ko magkaanak.
Balang-araw, ako ang dancing lola, why not?  Di ba?  So, okay lang ako sa ganung bagay.”
Kailan niya  gustong mabuntis?
“Gusto ko magka-baby?  Hindi ko alam.  Bahala na… bukas?  Wala naman siya (Dingdong) dito,” tumatawa niyang sambit.
“Hindi ko alam… siguro darating din, siguro may mga signs din naman.
“May mga bagay-bagay na napag-uusapan kung paano, kailan… kusa na lang dumarating na hindi pinaplano.”
Pero wala pa sa plano niya na magpakasal sila ni Dingdong.  Marami pa raw siyang gustong gawin.
Bukod ditto ay tinanong din siya kung okey na sila ni Katrina Halili.
“Wala.  Maayos ang lahat.  Okay kaming lahat.  Since day one naman, sinasabi ko, okay ako.
 “Kahapon, nagkaroon ng chance na… sa wakas, nagkaroon kami ng chance na magkaeksenang dalawa at hindi pa kami nag-usap… salisi lang.
“So, lumapit naman kami, naglapitan kami sa isa’t isa—as in naglapitan kami.
 “’Hi,’ ganun naman kami. Walang problema.
“Masaya lang.  Work lang tayo.  Positive na lang muna," aniya pa.
Sa linggo May 6 magsisimula ang “Tweets for My Sweet” ng GMA 7.  Kasama rito sina Roderick Paulate, Sheena Halili, Chef  Boy Logro, Elmo Magalona,Barbie Forteza, Mikey Bustos at Ms. Nova Villa.  Ito’y sa direksyon ni Uro dela Cruz.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.