Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 2, 2012

Michelle football player ang bagong bf?


Mula sa pahayagang Aksyon

RIGHT TIMING

By: nora v. calderon


WALA raw naman siyang boyfriend, kaya hindi worried si Michelle Madrigal na muling mag-pose, for the third time sa summer issue ng FHM mag, at ito na raw ang pinaka-sexy cover na gagawin niya. 
First cover niya ay in 2007 na 17 or 18 years old siya noon.  In 2010, sila ng sister niyang si Ehra Madrigal ang kasama niya sa cover and this time, 2012, pumayag siya sa isang madaliang pictorial with PJ Pascual (hindi po si Piolo Pascual) sa Camaya Beach in Olongapo, arranged by her good friend Raymond Gutierrez.
            Thankful si Michelle na tuluy-tuloy ang workout niya at ang crossfit na hard core exercise, dahil after ng taping niya ng “Kung Aagawin Mo Ang Langit,” nabo-bore siya kapag wala siyang ginagawa. 
Kaya to prepare for the pictorial, hindi na lamang siya kumain ng rice, bread and pasta.  Hindi raw kasi siya naniniwala na para pumayat ka, gugutumin mo ang sarili mo.  Kumakain siya, but in moderation.
            Ang medyo nag-aalaala lamang si Michelle sa daddy niya na may pagka-conservative, hindi raw naman siya kagagalitan nito, kaya medyo nahihiya rin siya.  When asked kung kasunod nito ay pwede na siyang mag-nude, never daw niyang gagawin iyon, siguro raw sa movie, pwede, pero depende pa rin ito sa role at sa story. 
            Nag-aaral ngayon si Michelle para makakuha siya ng PEP test sa April 18 para siya makapag-college.  Pero culinary arts ang kukunin niya at itutuloy pa rin niya ang kanyang pag-aartista. 
Gusto niyang makaipon para makapasok sa French Culinary Institute sa New York.  Mahal daw talaga doon  kaya magtatrabaho muna siya at kapag nakaipon na siya, mag-aaral siya roon ng six to nine months at gagastusin niya roon ang naipon niya.
            Nag-deny si Michelle na mayroon siyang football player boyfriend na Jonas ang pangalan.  Ayaw na raw muna niyang makipag-boyfriend, ayaw niyang magkamali sa pagpili ng boyfriend, akala raw niya kung matanda ang boyfriend niya, aalagaan na siya pero hindi rin pala. 
Sa ngayon, wala na raw silang communications ng dating boyfriend na si Jon Hall.  Work at classes na muna siya ngayon dahil sabi ng manager niyang si Annabelle Rama, after the Holy Week ay may meeting na siya sa GMA Network ng isang project for Michelle na lead actress na raw ito.
            Wala namang balak magbakasyon ngayong Holy Week si Michelle.  Last year daw ay nasa Boracay sila nina Solenn Heussaff pero nagkaroon pa sila ng issue. 
Kaya ngayon, gusto raw niya pumunta na lamang sa beach na malapit lamang sa Manila.  Sa April 13, magkakaroon si Michelle ang autograph signing sa Robinson’ Galleria Movie World.

                                                            * * *
NAGKAROON ng survey sa isang website kung sinu-sino ang Top 5 most-liked showbiz personalities.  Lumabas sa survey na number one si Robin Padilla, number two si Coco Martin, number three si Marian Rivera, tie sa number four sina Angel Locsin at Kim Chiu at number five si Sarah Geronimo.

                                                            * * *

 NAG-PANIC pala si JC de Vera nang sukatan siya ng prosthetics na ilalagay sa right side ng face niya bilang nasunog na Gardo sa “Valiente” ng TV5. 
Wala raw kasi siyang nakikita at naaamoy, kaya pakiusap daw niya sa gumagawa sa kanya, huwag silang titigil ng kasasalita. 
Iyong twenty minutes na pagka-cast sa kanya ay parang ang tagal-tagal daw.  Ayaw na lamang mag-comment ni JC nang malaman niyang nalipat pala ang timeslot nila pagkatapos pa ng “Nandito Ako.” 
Hindi raw naman sila binitiwan ng mga manonood kaya ngayong bumalik na sila sa 9pm timeslot, mas natuwa na sila.
            Medyo nahirapan si JC nang pareho na niyang kasama sa eksena ang dalawang mahuhusay na actor na sina Michael de Mesa at ang special guest na si Tirso Cruz III
Ang huhusay daw kasi ng dalawa kaya pabiro siyang pumapalakpak kapag nati-take two ang dalawa na kung minsan, hindi naman nila kasalanan. 
Madalas daw, nagpapaturo siya ng dapat niyang gawin sa dalawa sa eksena nila na madali namang pumapayag at tinuturuan siya.
            Kahit pala break na sila ni Danita Paner, nanatili silang friends at madalas na lumalabas o nanonood sila ng sine na sila lamang dalawa. 
Hindi niya alam kung magkakabalikan ba sila ni Danita, pero ini-enjoy daw nila ang friendship nila na mas maganda raw at hindi sila nag-aaway di tulad noong sila pang dalawa. 
Wala pa ring plano si JC kung saan sila magho-Holy Week ng family niya na nagiging bonding time nila.  Baka raw sa La Union sila pumunta dahil last year, nasa Palawan sila. 
Pero gusto raw niya, kapag natapos na ang taping ng “Valiente,” magbakasyon muna siya.  Gusto niyang bumalik sa Australia at gusto rin niyang pumunta ng States at India.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.