Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Marso 18, 2012

Jake handang makipagkaibigang muli kay Melissa


SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR


 HINDI ine-expect ni Jake Cuenca na mananalo siyang Movie Supporting Actor of the year sa “28th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies” na ginanap last Wednesday night.
Ka-tie niya si Baron Geisler para sa “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” habang siya naman ay para sa pelikulang “In the Name of Love” na pinagbidahan nila nina Aga Muhlach at Angel Locsin.
        Ayon kay Jake, alam daw niyang mabibigat ang kalaban niya kaya wala sa isip niya na mananalo siya at ang nasa isip niya that night ay ang production number niya with Gab Valenciano, Ciara Sotto, Paullen Luna, Rodjun Cruz and Maja Salvador.
        Kaya laking gulat niya nang tawagin ang pangalan niya bilang one of the winners para sa Best Supporting Actor category.
        Ito ang kauna-unahang acting award ng aktor kaya naman thankful siya sa PMPC sa pagkaka-recognize sa kanya.
        Natanong namin kay Jake kung may special someone ba siyang pinaghahandugan ng kanyang award at say niya ay wala raw.
        “Dine-dedicate ko ito sa Star Cinema, kay Direk Olive Lamasan kasi binigyan niya ako ng oportunidad talaga.  Kaya nagpapasalamat ako,” pahayag ng aktor.
        After Melissa Ricks ay wala pang ini-introduce na bagong girlfriend si Jake sa publiko.  Aniya ay happy naman daw siya sa pagiging single although kung may makikita naman siya ay ready naman daw siyang magmahal ulit.
        Matagal na raw siyang naka-move-on sa break-up nila ni Melissa and okay naman daw silang dalawa ngayon.
        Ano ang reaksyon niya sa panliligaw ni Paul Jake Castillo kay Melissa?
       “Oo nga, ang dami nang nagtanong sa akin niyan.  Okay lang.  Parang for me, there’s no problem at all.  Ang akin, masaya lang ako na masaya na si Mel (tawag niya kay Melissa).  Kung sila ba o ano, hindi ko alam.
        “Pero ‘yun lang, masaya ako basta masaya si Mel.  So kung sino mang lalaki ‘yan, kung si Paul Jake, basta alagaan lang niya si Mel, okay na,” say niya.
        Sa nakaraang panayam namin kay Melissa ay nabanggit ng young actress na hindi pa siya ready na maging friends ulit kay Jake. Ano ang reaksyon ng aktor dito?
        “Pag ready na siya, ready ako.  Ako naman, anytime, ready naman akong makipagkaibigan sa kanya. Take her time.  Sa akin naman, she can take her time.
        “Siya ‘yung babae and she can take all the time she wants and sana lang talaga maging magkaibigan kami soon.”
        Ayon pa sa aktor ay nagbabatian naman daw sila ni Melissa kapag nagkikita sila at wala raw problema sa kanya at all.
        “Basta, she can take her time,” say pa niya.
* * *
NAKAUSAP din namin si Baron Geisler na ka-tie ni Jake sa pagka-Best Supporting Actor.  Para namang pinagtiyap ng pagkakataon na magka-tie pa sila ng dati niyang nakasamaan ng loob.
        Matatandaang nagkaroon ng hidwaan ang dalawa two years ago dahil sa diumano’y hindi magandang comment ni Baron about Jake.  Pero naayos naman agad ito kaya okay na okay na sila ngayon.
         In fact, ang higpit ng yakapan nila nang tawagin ang pangalan nila.
“Oo, noon pa kami okay,” say ni Baron nang makausap namin after the awards night.
        “Magka-tweet kami 3 days ago or 4 days ago not knowing na mananalo kami.  Kanina sa labas, bago kami nanalo, nagbatian pa kami. Walang problema at all, noon pa,” say ni Baron.
        Sa pagkakapanalo ng aktor, masasabi ngang nakabalik na naman siya sa showbiz.  Matatandaang nag-lie-low siya for a while para magpa-rehab dulot ng pagiging alcoholic niya.  
Nakalabas na siya late last year pa at ngayon ay aktibo na naman sa pag-aartista.
        In fairness kay Baron, kahit anun’g pagdaanan niya, mahal na mahal pa rin siya ng showbiz at lagi siyang tinatanggap simply because napakahusay niyang umarte at kailangan talaga ng industriya ang mga aktor na katulad niya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.