Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Marso 24, 2012

Carla na-insecure kay Heart?


Mula sa pahayagang Aksyon
Chizbiz
By Erlinda Rapadas

  NAPAKA-SUPPORTIVE na girlfriend ni Carla Abellana at dapat lang na alagaan at mahalin siya (at huwag nang pakawalan) ni Geoff Eigenmann.
Si Carla A. ang special guest ni Geoff  noong kanyang birthday party na bigay ng fans. Nagdala pa ng napakaraming giveaways si Carla para sa mga games na inihanda.
At game na game rin si Carla na sumamang magpa-picture sa iba't-ibang grupo ng fans kasama si Geoff.  At ayon kay Carla wala pa siyang naihanda/nabiling b-day gift sa poging bf.
Pero para sa kanila, hindi lang naman pag Pasko o birthday sila nagbibigayan ng regalo. At kahit hindi pa sila muling pinagtatambal ni Geoff at wala silang bagong project together sa Siyete, hindi naman sila nagkukulang ng oras sa isa't-isa.
 Focus muna si Carla sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na star-studded ang cast.  Nag-uumpisa na siyang magteyping dito, kaya excited siya sa kanyang role.
Happy rin siya sa magandang direksyon ng career ni Geoff at kahit na pinag-uusapan ang kissing scene nina Heart Evangelista at Geoff sa “Legacy” ay never na nagselos at na-insecure si Carla.
Katwiran nito its part of the job na dapat gampanan ni Geoff.
  * * *
 HINDI na connected sa GMA network ang Tita Ida Henares ni Rhian Ramos.  Kamakailan ay nag-resign na ito para magampanan ang pagiging fulltime mom. Sa halip na malungkot at mag-alala si Rhian sa nangyari ay natuwa pa at nakahinga siya nang maluwag.
Matagal na panahon na niyang alam na marami ang nagbibigay ng kulay sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.  
May isyu kasi na malakas daw siya (Rhian R.) sa Siyete dahil isa sa Top executives ang kanyang tiyahin na na si Ida Henares.
Hindi na raw kataka-taka kung alagang-alaga siya ng Artists Center.  Para raw nakasandal sa pader si Rhian dahil guaranteed ang contract niya sa GMA-7.
Masakit para kay Rhian ang ganitong paratang sa kanya, lalo na't kung ginagawa naman niya nang maayos ang kanyang trabaho at never na umasta siyang primadonna sa set.
Wala rin siyang hininging special favors sa Kapuso network at naghihintay lang siya kung ano ang ibibigay sa kanyang project.  
Kaya naman ngayong wala na ang kanyang Tita Ida Henares sa Siyete, may pagkakataon na siyang patunayan sa lahat lalo na sa kanyang mga detractors na may "K" siya na pagkatiwalaan ng magagandang projects sa Kapuso network.
Sabi nga ni Rhian, “It's a blessing na hindi na nila iisipin ngayong na malakas lang ang kapit ko sa GMA big bosses kaya may mga shows ako.
“I'm gonna prove to all na deserving ako sa pagtitiwala ng GMA network.
* * *
MASIGASIG ang OPM president/comedian/composer/TV host na si Ogie Alcasid sa pagtutok niya sa plight at welfare ng mga Pinoy singers, lalo na sa panahon ngayon na ang kinahihiligan ng karamihan sa baget's generation ay mga foreign artists.
Mabentang-mabenta ang mga album ng foreign artists.  Ginagaya at ginagawa pa silang idolo ng ating mga kabataan, samantalang ang ating mga local singers na magagaling rin naman ay denededma at pinagsasawaan na.
At sa halip na tangkilikin at bilhin ang original na album, pirated copies na mas mura na lang ang binibili ng karamihan.
Nakakalungkot ito para sa ating music  industry na ang direktang tatamaan ay ang ating mga singers/performers.  Kaya naman nai-suggest ni Ogie Alcasid na payagan ang pagda-download ng OPM Songs.
Pero, sisingilin ang bawat kanta.  Usung-uso na rin kasi ang pagda-download ng kanta sa computer at cellphones ngayon.  Kaya hindi na nabebenta ang mga CD's ng ating local singers.
Sana ay sumuporta at tumulong ang ibang singers at ganoon rin ang ating gobyerno upang masagip ang ating music industry na naging biktima rin ng piracy!
Samantala, kamakailan lamang ay ini-launch ang OPM to 60, isang bagong project ng OPM na mistulang on-line store na babagay sa ating mga Pinoy musicians at music afficionados.
Dito'y puwede silang makinig ng mga bagong musika na makakatulong rin upang sila ay makalikha ng mga bagong kumposisyon.
Magkakatulong ang lahat ng bumubuo ng OPM sa mga projects na ang matutulungan ay ang ating talented na Pinoy musicians!
* * *

MAY plano si Songbird Regine Velasquez na bumalik na sa showbiz this year at harapin muli ang kanyang career.  Pero, dahil sa nagbe-breastfed pa siya kay Baby Nate ay six months pa ang kanyang kailangang palipasin bago makapagsimula sa pagda-diet at pagpapayat.
Gustong-gusto na rin niyangt bumalik sa “Party Pilipinas.” At may isang teleserye na inihahanda sa kanya ang GMA network na dapat niyang gawin ngayong 2012.  Bago rito isa pang concert ang kailang paghandaan ni Regine Velasquez bilang bahagi ng kanyang 25th Anniversary in showbiz.
Well.. no doubt na makakaya naman ni Songbird ang balikan ang kanyang career at naririyan pa rin ang mga diehard at loyal supporters niya.  
Hindi naman siya matagal na nawala sa sirkulasyon. Malakas pa rin ang hatak niya sa publiko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.