Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Marso 28, 2012

Derek magiging Kapatid na?


Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO


 NAKATSIKAHAN namin si Joji Dingcong, manager ni Derek Ramsay kung ano talaga ang plano ng kanyang  alaga.  Magiging Kapamilya ba siya o magiging kapatid na?
Sinabihan daw niya si Derek na pagdating galing ng Hawaii ay ibigay na niya ang kasagutan nito dahil hinihintay na.  Ire-renew ba niya ang kontrata sa ABS-CBN 2 o tatanggapin ang alok ng TV5?
Basta ang maikakapuri lang niya kay Derek ay may loyalty ito.  Noong 2002 pa raw  niya ito inalagaan at nagsimula sa modeling  pero hindi siya iniwan bilang manager kahit wala silang kontrata.
Six years na ngayon sa showbiz ang hunk actor pero nananatili pa rin ang loyalty niya sa kanyang manager.
‘Yun na!
* * *

NAALIW kami sa taping ng birthday show ni Vice Ganda na ginanap sa Skydome, sa SM North last Sunday night for “Gandang Gabi Vice.”


Halatang pinaghandaan ng komedyante/TV host at ng management ang nasabing selebrasyon dahil sa mga bagong jokes na napanood mula kay Vice.
Isa sa mga spiels niya na ikinaaliw namin ay ang kwentong joke niya namanata raw ang kanyang ina para lang mabuntis sa kanya.  
Kaso raw, tanga-tanga ang nanay niya na imbes sa Sta. Clara magpunta ay sa San Lazaro namanata. Kaya ganu’n daw siya lumabas na ang ibig sabihin ay mukhang kabayo.
Habang lumalaki siya ay tinanong daw niya ang kanyang ina kung maganda ba siya. Sagot daw ng nanay niya, “Anak, ang kagandahan ng isang tao ay hindi nakikita sa labas kungdi sa loob.  Kaya sa loob ka na lang.”
Laugh kami talaga nang laugh.  Super enjoy kami sa batuhan nila ng jokes ng bestfriend niyang si Ethel Booba  .
Tatlo dapat ang kakantahin ni Ethel pero ayaw umalis ni Vice dahil baka raw ilaglag siya. Ang ending isa lang ang nakanta niya.
Sey ni Ethel, binayaran daw siya para ilaglag ang kaibigan at dahil kailangang-kailangan niya ng pera ay tinanggap naman daw niya.       
Saludo rin kami  sa Aegis na pinakanta ni Vice ng “Super Bass” ng napakaraming beses nang pataas nang pataas ang nota.  Nakaka-amaze ang grupo dahil sa pinakamataas na nota ay nakaya pa rin nila at talagang halos dumagundong ang Skydome.
Nakakatuwang tingnan na napakalayo na ng narating ni Vice Ganda mula sa pagiging stand-up comedian.  Punumpuno ang Skydome at take note, nagsidatingan ang ilan sa mga big bosses ng ABS-CBN.
Sayang at nakaalis na kami pero super lakas din daw ng hiyawan kina Enchong Dee at Enrique Gil.  Sa Twitter na lang namin nabasa ito.
Mapapanood sa Sunday ang “Gandang Gabi Vice...  the trending Birthday Concert” na kung saan ay guests din sina Jake Cuenca, Bangs Garcia, Xian Lim at Kean Cipriano. 

* * *

WALANG selos na nararamdaman si Matteo Guidecilli sa mga leading men ng girlfriend niyang si Maja Salvador na sina Jason Abalos at Patrick Garcia kumpara sa nangyaring away nila noon ni Coco Martin.
“Wala, trabaho lang yun.  Kaibigan ko naman ang mga partners niya, so there’s no problem.  Magkakaibigan naman kami.’ Yung pinagselosan, ibang rason naman yun.  Kung may mga isyu, ibig sabihin, may rason,” aniya.
Kumusta na ang relasyon nila ni Maja?
“Good! Stronger, better, happier... masaya naman,” tugon niya.
Kaarawan ni Matteo nu’ng Lunes.  Nag-dinner lang sila sa bahay nila kasama ang mga kaibigan.
Nasa Hawaii na siya ngayon para sa Star Magic Tour 20th Anniversary
Tsuk!
* * *
MUNDO ng musika naman ngayon ang pagtutuunan ng pansin ng Philippine Movie Press Club, Inc., (PMPC) after ng pagbibigay ng awards para sa pelikula nu’ng March 14.
Ang pagre-review para sa 4th PMPC Star Awards for Music ay mag-uumpisa after ng Holy Week.
Para sa mga gustong magpa-review ng CD/album, open sa lahat ng mga recording companies at maging sa mga independent producers na nag-release nu’ng June 1, 2011  hanggang May 31, 2012.
Ipadala sa PMPC office Rm. 202 Deta Bldg., 76 Roces Avenue, Q.C.
Maaari ring tumawag sa 4065251.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.