Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 5, 2012

Kaya raw agad-agad na umuwi ng bansa… Ate Guy wala na namang datung?


Mula sa pahayagang Aksyon
My E-net
By Gas Gayondato



 AYON sa ilang intrigerang nakatsikahan ko, hindi naman daw totoong nagpaopera ng kanyang vocal
chord ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
            Hindi rin daw totoong may ipinasok na kung anong gadget sa lalamunan ng bruha kaya gumanda
na ang boses nitey.
            Drama lang daw ng Superstar ang kuning-kuning na pagpapaopera nitey sa Amerika para masabi
lang na totoong ginamit nitey ang diumano’y halagang ibinayad ng isang malaking beauty clinic sa  Japan
na nagsagawa ng facial enhancement sa kanya na humantong nga sa pagkakasira ng vocal chords nitey.
            So, pinalalabas ng mga intrigera na nabayaran na si Ate Guy at ginamit lang nitey sa ibang bagay
ang datung na ibinayad sa kanya ng nasabing beauty clinic sa halip na ibayad sa kanyang operasyon?
            Sa kanila ko lang narinig ang chikang itey.  Aware kaya ang Superstar na may mga taong
nagpapakalat ng mga ganitong klaseng  impormasyon?
            It’s unfair!  Ayaw ng mga Noranians ng ganyan!
            Eniweys, lalabas at lalabas naman ang katotohanan, kaya walang dapat ipangamba si Ate Guy
kung totoo namang lahat ang kanyang sinasabi.
            Pero how true is the chism na kaya agad-agad na bumalik ng Pinas ang Superstar ay dahil ubos
na raw ang kadatungan nitey?
            Ate Guy, please answer!
* * *

Mama Nora sabit sa kasong child abuse


MASARAP pagdebatehan ang bawat kasong tinatalakay sa show ni Atty. Persida Acosta sa TV 5 na “Public Atorni: Asunto o Areglo?”
            One particular episode nitey na ang sarap pakisawsawan ay yung reklamo ng 21-year old na binata na si Kevin laban sa kanyang nanay-nanayan o adopted mother na si Mama Nora, a 57-year old
gay.
            His is a case of child abuse dahil sixteen years old pa lang daw siya nang mag-umpisa siyang abusuhin physically ni Mama Nora.
            Sinamantala raw ng masyondang beki ang kalasingan niya kaya naganap ang hindi dapat maganap.  
Ang isang beses ay nasundan pa raw ng ikalawang beses, tatlo, apat,  lima at maraming beses pa.
            Wala raw siyang nagawa dahil natatakot siya kay Mama Nora, bukod pa sa pagtanaw ng malaking utang na loob dahil nga itey ang nagpalaki sa kanya.
            Aminado naman si Mama Nora na nung nagbinata ang kanyang ampon ay nagkaroon na siya ng
marubdob na pagnanasa ditey lalo pa’t  hindi naman daw  niya itey kadugo dahil iniwan lang daw itey sa
kanya ng nanay nitey na best friend niya at pagkatapos ay hindi na raw binalikan.
Kaya nung ito na raw ang nagpakita ng motibo ay hindi na raw niya nakontrol ang kanyang
nararamdaman para dito. 
            Sa madaling salita ay bumigay ang bruhang beki.
            Marami ang  kumondina sa ginawa ni Mama Nora sa kanyang anak-anakan.    Kahit  saang
anggulo mo kasi tingnan ay maling-mali naman talaga ang kanyang ginawa.
            He’s supposed to be the ‘mother’ or guardian of Kevin pero sa halip na protektahan at
pangalagaan ang kapakanan ng bruhong binata ay siya pa mismo ang naging attacker nitey.
            Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, si Mama Nora ay nagkasala.
            Pero, pero, pero, anak ng kabayo!  Just for the sake of argument,  we cannot fully blame
Mama Nora.  May pagkakamali rin si Kevin.
            Kung talagang labag sa kanyang kalooban ang ginagawa ni Mama Nora sa kanya, sana nung first
time pa lang na inabuso siya ng bruha ay pumalag na siya, nagreklamo na siya.
            How come na ang unang beses ay nasundan pa ng maraming beses?
            Sixteen years old is sixteen years old.    At that age you’re not as helpless as a child.  May
magagawa ka na nun.
            Sa tingin ko ay hindi naman ganun kasama si Mama Nora para hindi pakinggan si Kevin kung
hiniling lang nitong irespeto siya bilang ‘anak.’
            Kung klaro kay Kevin right from the start kung ano ang tama at pinanindigan niya yun
ay hindi na sana sila paulit-ulit na nagkasala ng kanyang itinuturing na nanay-nanayan.
            Pagkatapos pakinggan ni Atty. Persida Acosta ang paliwanag ng magkabilang panig ay tinanong
 niya ang mga ito kung gusto nila ng “Asunto o Areglo?”  
Nagkaisa sina Kevin at Mama Nora na kung puwede ay areglo na lang.
Pero siyempre bago nagkaaregluhan ay ipinaliwanag muna ni Atty Acosta ang batas na
sumasakop sa kaso ni Kevin at ito nga ay pasok sa kasong Child Abuse dahil menor de edad si Kevin nang
maganap ang pang-aabuso sa kanya ni Mama Nora.
            Papasok lang ang kasong Rape kung nagkaroon ng penetration, katulad na lang halimbawa kung
merong ipinasok si Mama Nora na anumang bagay (including his ‘keps’) sa puwet ni Kevin.
            Yup, applicable na ang batas na itey hindi lang sa kababaihan kundi maging sa kalalakihan.
            Magandang manood ng “Public Atorni” coz bukod sa marami kang matututunang aral ng buhay
at madadagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa batas na umiiral sa ating lipunan ay mae-entertain ka
pa, whew!
           

           
           
           


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.