Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 26, 2012

Juday at John Lloyd magsasama sa pelikula?


Mula sa pahayagang Aksyon
My E-net
By Gas Gayondato


BUKOD sa kaseksihan ay very positive ang aura ni Judy Ann Santos-Agoncillo ngayon.  Ito ang napansin ng karamihan sa entertainment press na dumalo sa pagpapakila kay Juday bilang kauna-unahang celebrity mom endorser ng Eden Cheese.
            Sabi nga ng isang respetadong kolumnista, ang ganda-ganda ng aura ni Juday, positive na positive.  Kaya raw palagi itong kinukuha as endorser.
Pero dapat din daw bigyan ng kredito ang mister ng bruha na si Ryan Agoncillo dahil sa perception ng madlang pipol na okay ang marriage nila.
Marami ring naka-lineup na projects para kay Juday.
“After ‘Junior Masterchef’ po, I think ‘Adult Master Chef po in the works already.  And then hopefully yung movie with Coco Martin, and I am not yet sure pero I think there are talks of having a movie with John Lloyd (Cruz).
“So, with a teleserye pinag-uusapan pa po kasi, a, ang sabi ko kasi sa ABS din puwede naman akong gumawa.  Puwede ko namang gawin lahat ‘yan pero di ko puwedeng pagsabay-sabayin ‘yan kasi nanay na rin naman ako, di ba po so…
“In-explain ko naman po sa kanila nang maayos na sana maiintindihan niyo na most of my time now I cannot be away from my kids nang mas madalas.
“Sabi ko sa kanila na kung gusto niyo proper timing, hindi puwedeng sabay-sabay kasi hindi ko rin po kaya na araw-araw din akong wala sa bahay.”
Medyo nagulat naman si Juday sa tsikang kasama raw siya sa teleserye ni Kim Chiu.
“Ha?!  Puwede, nabanggit po sa amin ‘yan pero wala pa naman po kaming napag-ooohan o napagsasaraduhan about the teleserye with Kim Chiu.
* * *
 Sexy actress inuutang pati pambayad ng taxi

NAKAKALOKA naman ang isang sexy actress, pang-taxi lang inuutang pa. 
Korek!  Nagrereklamo na ang isang sari-sari store owner dahil sa di pagbabayad ng nasabing sexy actress sa inutang nitong pambayad sa taxi.
            Nagulat na lang daw ang naturang sari-sari store owner nang bumaba ng taxi ang sexy actress para lang umutang ng pambayad sa sinakyang taxi na umabot daw ng one thousand peso-pesoses.
            Dahil kilala naman ang sexy actress, e, pinautang na rin niya itey.
            Ang siste, umutang pa raw ng one thousand peso-pesoses na cash ang sexy actress kaya naging two thou na lahat-lahat ang utang nitey.
            Promise raw ng sexy actress ay babayaran agad si businessman pag nagkaraket itey.
            Yun nga lang, ilang linggo na ang lumipas ay di pa rin daw nagpi-pay si sexy actress.
            Sayang ang sexy actress na itey,  award-winning pa naman pero walang pakialam kung magpakalat-kalat sa kalye.
            Para lang siyang one of the cheap girls sa kanilang lugar na nakakarating ng palengke na nakapambahay lang na short at sando.
            Zino ziya?
* * *

BONGGA'T saya ang hatid sa inyo in one night show concert entitled "Above Aesthetics Unlimited" dahil muli niyong masisilayan ang mga fresh actors and actresses ngayong bagong dekada.
Pangungunahan ito ng indie actor na si Rain Javier, nandiyan din ang suki sa panghapon teleserye na “Angelito Batang Ama” at “Lumayo ka Man sa Akin”(ABS-CBN ) na si Rob Joseph, samahan pa ni Angela Maxwell at Kissa Kurdi (former Baywalk Bodies).
Hindi rin pahuhuli sa paseksihan ang mga bagong mukha sa larangan ng indie films na sina Mhrylle Torres at Jhoy Ortiz, nandiyan din ang “Biritera” grand winner Teen Pop star na si Sherilyn Flores, with Thalia of the Philppines na si Krissy Buena, at siyempre ang grupo ng Da' Man sina Dennis Coronel at Alvin Fortuna.
Kaya samaham natin sila ngayong Martes, March 27, 9pm @ Music Box, Timog QC. (near Wensha, Timog ).
Nagpapasalamat din ang producer ng show na si Mr. Troy Catan sa mga sumuporta:  Burgerking (Timog), Above Aesthetics , Dra Radi Apostol, Robinson Communities at kay Boss Wowie.
For Tickets Inquiry:  Text/kol 0919-4880442 or 02-5071214.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.