Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 26, 2012

Juday gusto pa ng isang anak


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR


 NATUTUWA naman si Marvin Agustin na ang dati niyang ka-loveteam na si Jolina Magdangal ay maligaya na sa buhay may-asawa niya ngayon at nakatagpo ng mabuting partner in life.
        “Nakausap ko si Mark (Escueta, asawa ni Jolens), eh.  I know how Mark loves Jolina and that’s something na natutuwa ako.  Na ‘yung dati kong ka-loveteam, dating very close to me found a partner in life, and that’s something na I am ver happy.  Walang inggit.”
        Siya ba ay wala pa ring planong lumagay sa tahimik?
        “Sa kasal naman, I know that I am not ready yet. Not yet. Siguro, darating sa point na parang I’d settle down.  Wala pa, eh.”
        Hindi naman kaila sa lahat na may kambal na anak si Marvin at hindi sila nagkatuluyan ng nanay nito and from the start naman daw ay parang hindi naman nila napag-usapan ang tungkol sa settling down.
        Wala naman siyang girlfriend ngayon pero minsan daw ay nagde-date-date naman siya.
        Pabirong natanong ang tungkol sa sex life niya at natatawa niyang sabi, “off the record na lang.  Baka mabasa ng mga anak ko, marunong na silang magbasa ngayon, baka itanong sa akin, “Daddy, what’s sex life?”
        Eh paano kung sabihin ng anak niya na gusto nilang magsama-sama sila ng nanay niya in one house?
        “Hindi naman sa kanila dapat manggaling ‘yun. As long as we’re good parents.  Sabihin ko na lang, “Pwede, Xbox na lang? Pwede trip to Disneland na lang?” pagbibiro pa niya.
        Sobrang good friends naman daw sila ng ina ng kanyang mga anak at wala silang problema sa set-up sa mga bata.
        “Weekends, as much as possible, I spend time with them.  Kaya nga Sundays hindi ako nagtatrabaho.”
        Sa ngayon ay abala si Marvin sa promo ng pelikulang “Moron 5 and the Crying Lady” na showing na sa April 7 mula sa direksyon ni Wenn Deramas.

* * *

KAHIT sobrang sexy ngayon ni Judy Ann Santos, kung mabubuntis daw siya ay okay na okay sa kanya kahit na sabihin pang tataba na naman siya.
     “Okay lang naman. Ako, kung mabuntis, bakit hindi?  Go! Kung hindi naman, eh di magpapatuloy tayo sa takbo ng istorya na pagtratrabaho at pag-aalaga ng mga bagets.
“Kung mabuntis at tumaba, eh di magpapayat uli.  Ganu’n lang naman ‘yun,” aniya.
        Tatlong anak daw ang gusto niya kaya isa pa, after that ay tama na. Kaya hindi raw uso sa kanila ang family planning ngayon since gusto pa nga nila ng isa pa. Pero kung hindi pa naman daw ibibigay ngayon, okay lang naman daw sa kanila.
        “Gusto ko kasi, tatlong anak. In reality sa akin, three are enough. Kasi, parang sa hirap ng buhay ngayon, di ba?  Pag iniisip mo pa lang na hanggang kolehiyo mo ito pag-aaralin, parang gusto mo nang himatayin, eh.
         “Kasi, bawat taon, tumataas lahat.  Tumaas ang gastusin, tumaaas ang gasoline, sana pati talent fee namin tumataas.  Parang unfair, kami lang ang hindi,” natatawa niyang sabi.
        Natanong din kay Juday ang Holy Week plans niya at aniya, baka raw sa bahay lang sila.
        “Ang hirap lumabas ng Maynila kasi ang traffic, eh. At saka, parang lahat din ng tao, pag nag-beach ka, magkikita-kita rin kayong magkakaibigan sa beach.
          “Normally pag Holy Week, nasa bahay lang din kami. Nagba-bonding na lang kami sa bahay, du’n kami nagdadasal.
“Si Mommy, ang ginagawa niya talaga tuwing Holy Week, nagbibisita Iglesia.  Kami naman, nagrorosaryo.
          “Kung minsan, mas okay pa nga sa bahay kasi nakakapag-spring cleaning ka ba, ‘yun ‘yung time mo to clean and then after Holy Week, garage sale na, meron ka nang pera,” natatawa pa rin niyang say.
           Ngayong summer, plano lang daw nila ni Ryan na dalhin ang dalawang bata sa mga educational places.
          “Like World Science, mga museums.  Pero hindi naman ‘yung museum na ikaka-genius nila.  Yung sapat lang na ma-enjoy nila and at the same time, pag-uwi nila ‘yung may natutunan sila.”
          Sa kanyang career naman, magsisimula na ulit si Juday ng kanyang hosting job sa “Pinoy Master Chef” at ‘yung movie nila ni Coco Martin na nade-delay ang shooting dahil hindi magtagpo ang schedule nila.
May plano rin daw na pagsamahin sila ni John Lloyd Cruz pero hindi raw niya alam kung this year ba mauumpisahan ‘yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.