Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Marso 11, 2012

Charice natsitsismis nang tomboy


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR


AS WE go to press, talk of the town pa rin ang new look ni Charice Pempengco.  Paano nga naman, sobrang layo ng hitsura niya ngayon sa dating Charice na simple at mukhang mahiyain.
Ipinagupit niya ang mahaba niyang buhok, pinakulayan ng blonde at nagpa-tattoo pa sa braso.  Kung noon ay Pilipinang-Pilipina ang dating niya, ngayon ay mukha na siyang foreigner plus the fact na may twang na ang kanyang accent.
            "The tattoo that I have has a meaning.  The tattoo says 'love eternally' and it has an infinity sign.  It's for my love for people, for my fans and for my family, for everybody.  So, every time I do something I always have reason," say ni Charice sa kanyang panayam na inere sa “TV Patrol” last Friday.
            Sa Singapore raw siya nagpa-tattoo last March 5 at hindi naman daw tumutol ang kanyang ina.
            Dahil sa bago niyang hitsura ay dumagsa ang negative comments at ang pinakanakakalokang issue, natsitsismis na siyang lesbian.
Itinanong din ito sa kanya ng mga reporters at ang sagot niya, "Are you kidding me?  I've read tons of negative comments and I don't care.  
“Whatever they think maybe if I look somebody or whoever I don't mind.  I mean this is the look that I want.  So, the only thing you can do is to move on.”
Dagdag pa niya, "for me, just love me, I'm a person and if you think I'm a boy or a girl or if  I look like a boy, then fine.”
 Pero ang mas nakakaloka, ikinukumpara ang hitsura niya ngayon sa komendyanteng si Maverick.  
May nag-post sa Facebook kahapon ng pictures nilang dalawa at magkahawig nga. Pareho kasi sila ng hairstyle at parehong blonde.
Kung kami ang tatanungin, maganda pa rin naman si Charice sa kanyang bagong look, ‘yun nga lang, hindi na talaga namin ma-trace ‘yung dating Charice dahil ang laki talaga ng pagkakaiba ng hitsura niya ngayon.
* * *

IN REAL life ay hindi pa nakaka-encounter si Derek Ramsay ng aswang pero natakot daw siya talaga sa leading lady niya sa “Corazon: Ang Unang Aswang” na si Erich Gonzales nang makita niya itong naka-make-up ng aswang sa last shooting day nila.
            “Nakakatakot, talagang nakakatakot, talagang it’s off.  Nung last shooting day namin, nagpaalam na ako kay direk (Richard Somes), sa crew, then nung magpapaalam na ako kay Erich, pagpasok ko sa tent niya, naka-full-make-up siya na aswang, nakahiga sa silya.
            “Sabi ko, “oh my God!” Nakakatakot.  So, hindi na ako nagpaalam, natakot talaga ako. ‘Yun ang first encounter ko sa aswang,” natatawang say ni Derek.
            Make-up lang ang nilagay kay Erich para sa kanyang role bilang aswang sa pelikula at wala raw itong kahit anong prosthetics pero nakakatakot daw talaga ang hitsura nito.
Ayon naman sa direktor, must watch daw talaga sina Erich at Derek sa pelikula especially ang finale.  
The movie is showing this March 14, Wednesday over 100 theaters.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.