Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 5, 2012

Erap magsi-sitcom sa TV5


Mula sa pahayagang aksyon
WHAT’S THE POINT 
Pilar Mateo


A LITTLE birdie told us na sooner or later, muli palang babalikan ng dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada ang pag-arte!
            At malamang na sa Kapatid network ito mangyari.
Diumano, may niluluto na ngayong sitcom na tatampukan niya at ng aktor na si Aga Muhlach, kung saan mag-ama ang gagampanan nilang mga papel.
Kung matutuloy ito at hindi mabubulilyaso, siguradong marami ang mag-aabang sa naka-miss na sa paglabas sa pelikula ng orihinal na Asiong Salonga.
At pagdating naman sa comedy eh, hindi rin ito matatawaran.  Am sure, hindi niyo pa nakakalimutan ang “Erap is my Guy.”
And who knows?  Dahil nasa Kapatid Network na rin ang Superstar, baka naman ito na rin ang maging hudyat para sa muli nilang pagsasama sa harap ng kamera, ‘di ba?

* * *
Sing-along host kakasuhan ng pagnanakaw ang kasamahan

DROGA nga ba ang ugat kung bakit magkakaso ang isang sing-along host laban sa isa ring kasama niya sa sing-along circuit dahil sa diumano’y ninakawan siya nito ng isang Ferragamo bag sa mismong tahanan niya nang tumungo ang kakasuhan doon.
Ang magkakaso eh, si Michael Taniegra Argente, na mas kilala sa sing-along world pati na sa mga ginagampanan nito sa TV at sa pelikulang si Kim Idol.
Ang sasampahan ng kaso ngayong araw na ito ay si Dino Mirandal, na mas nakilala sa taguring Ruffa Girl.
Hindi na raw ito palalampasin ni Kim Idol.  Kaibigan niya raw ang nasabing kakasuhan niya pero hindi na raw makatarungan na pati siya eh, talunin pa nito.
Ayon na rin sa aming mga nabalitaan noon pa man, marami ng insidente ng mga nakawan sa sari-saring comedy bars na nagse-set noon ang kakasuhan kung saan, sa tuwi namang nandoon siya eh, laging may nananakawan.
Isang insidente nga raw sa isang sing-along nang diumano’y mahuli rin ito ng kanyang mga kasamahan nang may itinago siyang gadget sa toilet tank pero nabuking diumano ito agad-agad.
Plano nga ni Kim Idol na sabihin ito sa ina ni Ruffa Girl.  Kung may magagawa nga raw siya eh, bakit nga hindi niya ito tutulungang maipa-rehab?
Kaya lang, sa rami na rin ng mga ginagawang allegedly eh, pagnanakaw ng mga gamit ng mga kasama niya ng kakasuhan, mas gusto ni Kim Idol na harapin ni Ruffa Girl ang isasampang kaso nito sa kanya.
At sana, may mabago kay Ruffa Girl sa ending ng insidenteng ito!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.