Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Marso 30, 2012

KC niluhuran ni Jules Knight ng Blake


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Ni Pilar Mateo


KILIG-to-the-bones ang mga tagahanga ng actress/singer/host na si KC Concepcion nang biglang lumuhod sa kanyang harapan sa “ASAP 2012” noong Linggo ang baritone singer ng UK classical boyband na Blake na si Jules Knight.
Hiniling ni Jules on national television kung pwede ba nitong maka-dinner ang dalagang nakita at nakilala niya sa Establishment noong nagdaang taon para sa kanilang unang pagtatanghal sa bansa.
Smitten by KC’s charms na kaagad ang miyembro ng nag-revive ng “With or Without You”. Kaya nga nagka-interest na agad ito sa dalaga nina Sharon Cuneta-Pangilinan at Gabby Concepcion.
Jules was even quoted as saying na isang ‘national treasure’ si KC, bukod sa pagiging lovely girl daw nito.
Kaya mula nang dumating ito sa bansa, wala na itong naging bukambibig kundi si KC.  Kaya naman, hindi na nito pinakawalan ang pagkakataon sa “ASAP 2012” nang mag-guest sila at makaharap nitong muli ang dalaga.
“She’s very special and I want to get to know her deeper.”

At alam na rin ni Jules ang mga katagang “Mahal kita” na patungkol niya sa dalaga.
At natuloy na nga ang dinner na hiniling ni Jules kay KC, ha! Agad-agad!
Nilinaw naman ng dalaga sa kanyang Twitter account na dinner lang ‘yun.
"Offline for now my Tweeties. Mahal ko kayo :) Paalala po, dinner lang po yun, wag po tayo masyadong excited. hehe ^^ xx
Well…baka siya na ang nababagay kay Kachuchay!

* * *

SA MULING paglagda ng kontrata ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN, ang tungkol sa paglalahad ng kanyang damdamin ng baritone singer ng UK classical boy band na Blake na si Jules Knight ang agad na inusisa sa aktor.
Basta happy raw ang aktor sa magagandang nangyayari hindi lang kay KC kundi para sa lahat ng kanyang mga anak.  And he is looking forward sa pagiging isang tatay muli.
At kung maging babae na naman daw ang isilang ng kanyang ‘misis’ ngayon, eh ituturing pa rin niya itong isang blessing, “Kahit na ano, basta normal lang. All girls, okay lang.”
May komunikasyon pa rin naman daw si Gabby sa ex-wife niyang si Grace Ibuna na kasalukuyan pa ring nagluluksa at nagtuturingan pa rin daw sila bilang magkaibigan.
Pagdating naman sa tanong sa kanya tungkol sa nagaganap na Twitter wars ngayon kung saan nagiging biktima na ang isa pa niyang ex-wife na si Mega Sharon, ang sabi lang ni Gabby, “May isang batikang artistang nag-payo sa akin noon na ‘pag tinira ka, tumahimik ka na lang.”
All set na uling umarte sa harap ng camera si Gabby and this time, handa na ang proyektong pagsasamahan nila nina Andi Eigenmann at Iza Calzado.
Wala namang nausisa kay Gabby about another ex-wife-Jenny Syquia and their daughter Chloie.
* * *
ANG dami-raming nagtatanong sa akin kung kelan daw ba talaga ieere ang noontime show ng Kapatid network o TV5 na tatampukan ni Edu Manzano with Councilor Shalani Soledad-Romulo, Tuesday Vargas, Wendy Valdez, Gelli de Belen, Pretty Triszha and Arnell Ignacio.
Si Arnelli ang nag-a-update sa akin ng mga kaganapan sa “Game N’ Go”.  Una nga, inayos o ni-renovate ang Delta Theater na siyang magiging tahanan ng palabas na magpi-feature ng sari-saring game shows from all over the world.
Say ni Arnell, panay na nga raw ang practice nila para sa sari-saring game shows na ihahatid sa sari-saring segments ng palabas.
Ready na sana ang lahat nang bumigay ang bubong ng Delta Theater kaya it took them sometime para ito maisaayos.
At ang P100-M budget nga para lang sa renovation eh, tila lumalaki pa.  At ngayon, almost Holy Week na kaya malamang na after ng Semana Santa na ito simulan.
Dahil sa nangyayari, nami-miss tuloy ni Arnell ang buhay niya sa madaling-araw sa kanyang “Patol” radio show with Keanna Reeves sa 92.3 News FM sa AksyonTV tuwing alas dos y media ng madaling-araw.
‘Yun lang daw ang alam niya sa mga kaganapan tungkol sa kanilang show kaya hindi niya rin matukoy kung may katotohanan ang umabot sa aming balitang pinag-iisipan ngayon kung gagawin pa ba itong noontime show o ibang time slot na ang papasukan nito!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.